Kabanata 65

2100 Words

            Kinagabihan ng araw na iyon ay halos malunod ako sa sarili kong mga luha. Walang tigil ang mga pagpatak nito at kahit si Milly na panay ang hilik ay napapaigtad din paminsan-minsan. Ganoon pala kapag hindi mo na mapigilan ang paghagulgol mo. Kumakawala na lamang kahit na anong takip ng mga palad mo sa iyong bibig. Para silang mga ibong ikinulong sa hawla ngunit sa hinaba-haba rin ng panahon ay magwawala rin para makalabas at makalaya.             Kinabukasan tuloy ay mugtong-mugto ang mga mata ko. Hindi ko naman sukat akalain na ibubulgar iyon ni Milly.             “Oh! Bakit ganyan ang mga mata mo?!” bulyaw niya. “Parang noong isang linggo lang ay ang laki ng ngiti mo ah? Ngayon naman ay parang Biyernes Santo iyang mukha mo!”             Ako na kagigising pa lamang ay natig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD