Bumalik ako sa realidad nang marinig ang pamilyar na tunog ng kotse ni Archie. Kahit hindi na yata ako tumayo at sumilip sa bintana ay alam ko nang sasakyan niya ang pumaparada sa garahe. Napapikit na lamang ako nang mariin. Para bang hindi pa sapat na siya na ang kasalukuyang nasa isip ko, pupuntahan pa ako sa realidad at guguluhing muli. Ilang paggising na ba sa umaga at pagtulog sa gabi na siya ang palagi kong nasa isip? Ang aking pang-una at panghuli sa kada araw-araw na lumilipas? Sa halip na tumayo ay awtomatikong nagdikit ang aking mga hita, tinatanggal ang kung ano mang espasyong maaaring manaig doon. Kusang pumula ang aking mga pisngi sa pag-angat ng dugo rito dahil... naaalala na naman ang gabing iyon. Pinilit ko na lamang matulog, hindi na alintana ang sinasabi ng utak na as

