“Clara, I need to go now...” ani Archie, dala-dala na ang laptop at briefcase na ako mismo ang nagbigay kanina. Pati ang kaniyang paper bag na may lamang kaniyang breakfast ay hawak na rin. Nang masigurong wala naman na siyang nakalimutan ay dahan-dahan akong tumango. “Uhh... O-Okay, ingat...” sabi ko, napapaiwas ng tingin. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong nagtaas si Archie ng kilay. Pakiramdam ko ay parang sasabog na rin ang mga pisngi ko sa init. Kanina pa kasi sila parang nagliliyab e. Simula noong gumising ako kaninang umaga at... naabutan kaagad si Archie sa kusina na nagkakape. Hindi ko naman siya mapaalis-alis dahil siya ang may-ari nitong bahay. “Clara? You okay?” biglaang tanong ni Archie. Tumango ako ngunit nanatili pa ring nakaiwas ang tingin. Isang buntong-hininga an

