Dahil papasok na rin ako ay hindi na nang-abala pa si Madame Sofia. Alam din niya kasing isang araw na lamang ay exams ko na. Wala nga lang siyang reaksyon sa sinabi ko kanina, na... magre-resign na ako. Ang habilin niya lamang, kapag free na ako ay kausapin ko siya sa kaniyang study para makapag-usap kami nang mabuti. “Buti naman at umuwi na rin si Sofia,” ani Manong Rene habang nagmamaneho. “Magkasama na sila ngayong mag-asawa. E ayos lang naman kasing mag-away basta nakatira pa rin sa iisang bahay. Kapag pinaghiwalay mo, mas lalong hindi malulutas ang problema.” Bilang pagsang-ayon ay tumango ako sa rearview kung saan sumilip ang matanda. Pero pagkatapos noon, kahit ilang beses pa siyang nagkumento ay hindi na lamang ako nagsalita pa. D

