Pagkatapos naming maiakyat ang kaniyang mga gamit ay nagpaalam si Archie na tatambay muna sa ibaba. Gusto ko nga ay pirmis nang ayusin ang mga damit niya at ialis na roon sa maleta. Mas kampante ako kapag nasa closet na kasi ang mga iyon. Ayaw naman ni Archie. Mamamahinga raw muna siya sa kusina bago rin maglinis ng katawan dahil baka mapasma sa biyahe. Papasikat na ang araw kaya hindi ko naman siya maiwan. Sakto namang hindi pa ako tapos magkape kanina at nangangahalati pa lang kaya sinamahan ko na siya. Hindi ko alam ngunit may kung anong nakatutuwa sa panonood ng madilim na langit na unti-unting lumiliwanag. Una ay magpapakita muna ang isang napakaliit at katuldok na liwanag hanggang sa maging kasing laki ito ng himapapawid, sinisisid at inaabot ang

