Kabanata 17

2746 Words

            Mukhang mamayang gabi na siguro uuwi ang mag-asawa. O baka si Archie lang dahil si Madame Sofia ay hula kong matatagalan na magdadamdam. Pagkatapos ng mga gawain ay naghanda na ako para sa eskuwelahan at aalis na sana pero si Manong Rene naman ang bumungad sa akin sa labas.             “Clara, hija! Magandang umaga! Papasok ka na ba?” tanong niya.             “Magandang umaga rin po, Manong! Papasok na nga po ako.” Tumango ako. “Bakit ho?”             “Sakto pala ang dating ko e. Tara na at ihahatid na kita.”             “Ako po? Ihahatid ninyo?” Bahagyang lumaki ang mga mata ko.             Huminto ang matanda sa pagbubukas ng kotse at nilingon ako. “Ah... Dumaan kasi si Richard dito kanina. Ang bilin niya e ako na raw ang maghahatid at magsusundo sa’yo sa eskuwelahan. W

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD