Noong bata pa lang ako, may ginagawa ako kapag napapasok sa isang sitwasyong hindi inaasahan. Tandang-tanda ko pa noon, nahuli ko si Papa na kasama iyong kabit niya sa palengke. Ang saya-saya nga nilang tingnan e. Magkahawak ang mga kamay, nakangiting kumakain ng meryenda at may kung anong nakatutuwang pinag-uusapan. Hindi ko na alam ang unang pumasok sa isip ko sa mga panahong iyon, pero alam kong nadurog ang puso ko. Ang sakit palang makitang ginagawa ng tatay mo sa iba ang hindi niya magawa sa nanay mo at sa inyo ng mga kapatid mo. Dahil sa sakit na iyon ay umuwi kaagad ako at hindi na bumili ng toyo na inutos ni Mama. Nang makarating sa kusina kung saan siya nagluluto, pawis na pawis at pagod na pagod, doon ako naguluhan. Sasabihin ko

