Nagboluntaryo akong ihahatid sana si Milly sa terminal ng bus pero tumanggi naman siya. Naiwan na lamang akong kumakaway sa pintuan at pilit na inaalis sa utak ang kaniyang mga sinabi. Umepekto naman iyon dahil nalibang din sa mga gawaing-bahay. Kailangan ko rin kasing isapuso ang responsibilidad ko sa pamamahay ng mga Delgado lalo pa ngayon at mag-isa ko na lamang na mamamahala nito. Kinagabihan, pagkatapos ng aking mga takdang-aralin at trabaho, ang tinrabaho ko naman ay si Archie. Tama ang hula ko na nasa study niya nga ito. Hindi na rin kasi kami nagkita kanina buhat noong kinausap siya ni Milly. Dala-dala ang isang tasa ng kape, naabutan kong nakatingin si Archie sa kawalan o sa kung ano man. Suot pa rin niya ang mga damit kanina na puting long sleeves at slacks. Ilang segundo ko

