NILAPITAN ni Bithia ang bunsong kapatid. Umupo siya sa gilid ng kama. "Hi, Ford. I'm your sister," mangiyak ngiyak na sabi niya. Napatigil siya at tinitigan ang batang lalaki na walang reaksyon sa harapan niya. Ni hindi ito tumitingin sa kanya. Nilalaro nito ang mga daliri at parang mayroon itong sariling mundo. Napatayo siya at napatingin sa daddy niya. Ang klase ng tingin na nagtatanong. "Mayroong ASD si Ford. Hindi pa siya nagsasalita at hindi siya nakikipag-eye contact kahit kanino. Kapag mayroon siyang hindi nagustuhan, bigla na lang siyang iiyak ng malakas. But don't worry, he's harmless. Hindi niya sinasaktan ang sarili niya," sabat ni Tita Freya. Hindi nakapagsalita si Bithia. May autism spectrum disorder ang kapatid niya. "Ano pong sinabi ng doktor? May pag-asa pa po ba siyang

