LUMULUHA na lumabas ng sasakyan si Bithia. Parang sasabog ang dibdib niya at nanghihina sa sobrang sakit. Ayaw niya na sanang alalahanin pa ang sinabi ni Ninong Abel sa kanya. Pero pabalik balik sa kanya ang bawat katagang binitawan nito. "I-I'm sorry, Bithia. You are a wonderful woman. Pero hindi ko kayang tugunin ang sinasabi mong nararamdaman mo. Naghahanap ka lang ng pagmamahal ng isang ama dahil matagal mo nang hindi nakakasama ang daddy mo. Saka bata ka pa at alam kong marami kang makikilalang ibang lalaki. At mababago rin ang pagtingin mo sa akin. I respect your mom and dad. H-Hindi ko kayang sirain 'yon," mga binitawan na salita ni Ninong Abel sa kanya. Panay ang echo ng mga katagang 'yon sa tenga niya. Ang sakit ng bumalatay sa kanya. At tumulo ang luha niya. Ganito pala ang mas

