"BITAWAN mo nga ako, Fergus!" Pilit niyang itinutulak ang binata para bitawan siya nito. Nakayukong dahan dahan na bumitaw si Fergus. Nang mag angat siya ng tingin ay pinakatitigan niya ang mukha ni Bithia. "Mahal na mahal kita, Bithia. Nakaya mo na akong bigyan ng pagkakataon noon. Bakit hindi mo ako pagbigyan ulit ngayon? Andito na ako. Di ba, sinabi ko sa iyo na magiging akin ka pagbalik ko." Desperado na siyang mapa-sa kanya si Bithia. Ang hirap naman mahalin ng dalaga. Sobrang pambabalewala sa kanyang nararamdaman ang gingawa nito sa kanya. "Stop, Fergus! Alam mo namang hindi mangyayari 'yon. Lalo na ngayon na magiging magkapatid na tayo. At may minamahal na akong iba. I will never love anyone else except my Ninong Abel. Tanging siya lang, naririnig mo ba ako?" Bithia's statement w

