LIMANG araw na hindi umuwi si Fergus sa bahay. Na-konsensiya si Bithia dahil alam niyang siya ang dahilan. May trabaho na siya ngayon. Sa isang maliit na kompanya bilang data entry. Pinatos na niya, wala siyang choice dahil mahirap maghanap ng trabaho. Marami siyang ka-kompetensya na mga bagong graduate. Idagdag pang ayaw niyang manatili sa bahay nila ng matagal dahil sa bagong pamilya ng daddy niya. Wala rin siyang balita kay Mary. Hindi pa niya nakakausap ang kaibigan pagkatapos ng insidente sa bar. Maging ang kanyang Ninong Abel ay wala rin siyang alam kung nasaan ito. Pinipigilan lang niya ang sarili na puntahan ito sa dati niyang pinapasukan. Parang hindi pa siya handa na makita ito. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob dahil sa hindi nito tinanggap ang inialay niyang pagmamahal

