PANGATLONG araw na magkasama sina Fergus at Bithia. Pinili nilang hindi na lang lumabas ng bahay. Hindi maitatanggi ni Bithia na masaya ang bawat sandali na kasama niya ang binata. Gentleman at kahit kailan ay hindi siya binastos. Maalaga pa at palagi siyang busog. "This is our last day together. I hope na naging maligaya ka, Bithia, sa sandaling magkasama tayo. Pero, ako hindi ko ito makakalimutan. Magkikita pa rin naman tayo, di ba? Sa pagbabalik ko 'di ka na makakaalis pa. Titiyakin ko na magiging tayo na," paniniguradong sabi ni Fergus. "Para namang siguradong sigurado ka, ah. Matagal pa ang dalawang taon. Malay mo, kami na ni Ninong Abel o kaya'y may girlfriend ka nang bago. Marami pang mangyayari na hindi natin alam. Kaya huwag kang pakasigurado sa sinasabi mo." Sinabi lang 'yon n

