18

1305 Words

NAGISING si Bithia na nasa kuwarto siya. Agad siyang napatingin sa kanyang suot. Bawat parte ng kanyang katawan ay kanya ring tinignan, baka mayroong masakit. "OA. Hindi ka lasing kagabi, Bithia, para wala kang maalalang ginagawa sa'yo," suheto ko sa sarili. Agad siyang bumangon, pumunta ng banyo para gawin ang morning routine niya at lumabas din siya agad ng banyo. Nang masuklay niya ang kanyang buhok at maging kuntento siya sa kanyang suot ay lumabas na rin siya ng kuwarto. Habang pababa siya ay nadatnan niya si Fergus sa sala na naglilinis. May hawak itong walis at basahan. Hubad baro ito at shorts na maiksi ang suot. Ang guwapo nito tignan kahit na pawisan ang buong katawan. Napatingin siya sa malaking wall clock. Napamaang siya nang makitang alas otso na ng umaga. Tanghali na pala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD