NAKAPAGPALIT na si Bithia ng damit niya. 'Di niya akalain na mayroong damit na pambabae sa bahay ni Fergus. Dalawang taon lang itong nawala pero nagkaroon agad ito ng malaking bahay. Habang nasa pataas siya ay tanaw niya ang mga pintuan, siguro'y nasa apat na kuwarto lahat. Sa pagbaba niya ng hagdan ay naamoy na niya ang mabangong amoy mula sa kusina. Sinundan niya ang aromang amoy na 'yon at tumambad sa mata niya si Fergus na suot ang apron at abala sa paggigisa. "Anong niluluto mo? Dis oras na ng gabi nagluluto ka pa," bungad niyang sabi. Napalingon ang binata sa kanya at pagak itong ngumiti sa kanya. "Adobong manok, ito lang ang pinakamabilis na puwedeng lutuin ko. At saka gusto ko kitang pagsilbihan habang andito ako. This is just three days, Bithia. Pagkatapos ay aalis ako muli.

