PUMASOK si Fergus sa library, napansin agad niya si Papa Brennan na nakaupo sa swivel chair at naghihintay sa kanya. "Umupo ka, Fergus," utos nito, kaya't tahimik na sumunod si Fergus. "Did she accept it?" tanong ng kanyang ama. Umiling si Fergus. "I am not sure, papa. Kilala niyo si Bithia. May pagkamatigas ang ulo niya at kung ano ang gusto iyon ang masusunod." "Try to convince her more na sa kompanya siya magtrabaho. Kung ako ang kakausap sa kanya baka hindi niya ako pakinggan. Malaki ang galit ng anak ko sa akin." Pinagsisihan ni Brennan na iniwan niya si Bithia. Sana ay isinama niya ito para hindi lumayo ang loob ng kanyang anak. May galit at tampo ito sa kanya dahil sa mga nangyari. "I will do my best po, papa. Hayaan niyo po sa akin si Bithia at ako na po ang bahala sa kanya."

