"HIJO, where have you been? Kanina pa kami naghihintay ng mama mo. Mayroon sana akong gustong ibalita sa'yo," bungad na bati ng papa niya. Kadarating lang niya sa bahay nila at nasalubong niya ang papa niya sa sala. "I'm sorry, pa. Nagkayayaan lang po ang barkada sa pad ko. Kaya inumaga na ako ng uwi," nahihiyang hingi niya ng paumanhin sa papa niya. Tumango ang papa niya na nakangiti. Saka siya tinapik sa balikat at iginiya papasok ng bahay. "It's alright, son. Ang importante ay umuwi ka. You know, malaki ang tiwala ko sa'yo. At hindi mo ako bibiguin." Iginagalang niya ang taong nagbigay sa kanya ng tamang pagmamahal na hindi niya naranasan sa kanyang tunay na ama. Papa na rin ang tawag niya rito dahil sa puro kabutihan ang ipinakita sa kanya. Mas pinili nitong samahan ang mama niya.

