KUMAKAIN sina Bithia at Abel sa isang mamahaling restaurant. Panaka nakang tinitingnan ng dalaga ang kanyang ninong. "What if, ninong, andiyan lang pala sa tabi mo ang babaeng mamahalin mo? Bulag ka lang kaya hindi mo siya makita, at manhid ka kaya hindi mo siya maramdaman." Napatigil si Abel sa pagsubo, pinunasan ang kanyang bibig, saka tumingin ng diretso sa kanyang inaanak. "Kung nasa tabi ko lang siya, bakit 'di siya nagpaparamdam at hindi siya nagpapakita?" Tilang nang-aasar ang tono niya. Tumawa siya ng mahina saka muling itinuloy ang pagkain. Ngumuso si Bithia. "Tingnan mo na lang ako. Nasa harapan mo lang ako, ninong," bulalas niya sa kanyang isip. "FERGUS! Wake up!" sigaw ni Toby sa kanyang kaibigan. Lasing na naman sila ng mga barkada, at hindi siya umuwi sa kanilang bahay. T

