LUMIPAS ang mga araw, hanggang sa maka-graduate sina Bithia at Mary sa University. Natupad ni Bithia ang isa pa niyang pangarap. Ang makapatapos ng kolehiyo bago magkaroon ng nobyo. It's been two years, tinotoo ng kanysng Ninong Abel na palagi na itong nasa tabi niya sa pagbabalik nito. Nasa mismong araw ng graduation ito. Ito ang kasama niyang nag-martsa at nagdiwang dahil nakahanap siya ng kanyang unang trabaho. Pinili ni Bithia na hindi sa kompanya nila magtrabaho. Nagtatrabaho siya bilang isang selretarya ng kanyang Ninong Abel. "Tapos mo na ba, Bithia, ang mga ipinapagawa ko sa'yo?" Napaangat ang tingin niya sa ninong niya na nakatayo sa tabi niya. "Opo. Sa katunayan nga po, wala na akong gagawin." Napangiti ang ninong niya, sa bilis ba naman niyang magtrabaho. At hindi mahahalat

