"SAAN po ba tayo pupunta, ninong?" Hila siya nito sa kung saan. Marami silang nasasalubong na mga tao. "Basta. Kasama ito sa gift ko sayo. Pinuntahan kasi kita 'nong isang araw wala ka. Kaya ngayon na naabutan kita sa inyo, ngayon ko ibibigay ang huling regalo ko para sayo," sagot nito sa kanya. Napaamang si Bithia. Hindi pa pala natatapos ang sorpresa ni Ninong Abel para sa kanya. Marami ang naghanap sa kanya 'nong nawala siya ng tatlong araw at kasama si Fergus. Nasagi na naman sa isip niya si Fergus. Napalingon siya sa ninong niya na seryoso ang mukha at nakatingin lang ng diretso sa nilalakaran nila. Pumasok sila sa isang shop. "Ninong, ano po ito?" "Ibibili kita ng necklac para palagi mo akong maalala. This is my gift for you. At aalis pala ako, medyo matatagalan bago ako makabal

