SA pagkarating nila sa saloon, sinalubong agad sila ng manager. "Good morning, ladies. Welcome sa Beuties Saloon," masayang bati nito sa kanila. "Anong maipaglilibgkod ko sa inyong dalawa?" "Hi, ako po si Mary. May appointment po kami para sa debut party ng kaibigan ko. Nai-book po kami ni Mr. Abel Gonazales," si Mary ang sumagot sa manager.. "Oh, Mr. Abel Gonzales. Come, ladies. Naihanda na ang lahat para inyong dalawa." Nakangiting napabaling si Mary kay Bithia. "This is all for you. Inihanda talaga ng ninong mo. Ang swerte mo, girl. Pero bawal kiligin," natawa pa niyang bulong sa kaibigan habang sinusundan nila ang manager papunta sa isang silid. "Ano bang pinagsasabi mo? Alam ko naman na naghanda si ninong ng party. Kaya hindi na ako kikiligin." Napailing iling si Mary. "Ewan ko

