HUMINTO ang sinasakyan nilang kotse sa harap ng isang kilalang hotel. Namangha si Bithia sa ganda ng hotel. "Happy birthday, Bithia. This night is for you," nakangiting bati ni Mary. Malawak na ngumiti siya sa kaibigan. "Thank you." Maiiyak na siya nang sawayin siya ng kaibigan. "Huwag kang umiyak. Masisira ang make up mo! Halika na, maraming naghihintay sayo sa loob." Ngitian niya ang kaibigan niya. Pinagbuksan sila ng pinto at sabay na lumabas ng kotse ang magkaibigan. Huminga muna ng malalim si Bithia saka hinawakan ni Mary ang kanyang kamay habang ang mata niya ay nasa malaking hotel sa harapan. Sabay silang pumasok sa loob at bawat madaanan nilang staff ng hotel ay binabati siya. Halos 'di na maalis ang magandang ngiti sa labi niya. "Saan ba ang venue?" naiinip na tanong ni Bith

