Kyuu POV
Maaga pa lang ay gising na ako upang magtungo ng kagubatan. Buo ang loob kong makakahuli ako ngayon ng usa o baboy ramo. Ilang araw na kasing panay gulay at isda ang kinakain naming mag-ama. Nagsasawa na ako sa lasa ng mga iyon. Pakiramdam ko’y mawawalan ako ng lakas kapag nagpatuloy ang ganito.
Maingat gumalaw gumalaw upang hindi ko magambala si ama na himbing pang natutulog. Kung sa ibang pagkakataon ay wala namang problema kung magising si ama, pero dahil nga pupunta ako sa kagubatan ay ibang usapan iyon.
Hesterikal ang aking ama sa tuwing nalalaman niyang nagpupunta ako sa kagubatan. Kahit nga ang mawala ng matagal ay gusto na nitong magtawag ng mga tanod para ipahanap ako. Minsan nga ay nasasakal nasasakal na siya. Buti nalang at palagi akong tinutulungan nina Avira at Hugo na makatakas.
Si Avira at Hugo ang mga matatalik kong kaibigan. Sila lang ang mga batang nakakatiis sa kasungitan ng ama ko. Ang ibang mga kaedaran ko kasi ay halos hindi nalalagi sa aming tahanan. Bukod kasi sa malayo ang lugar naming sa kabayanan ay parang tigreng manlalapa ang ama ko. Nasanay na lang ako sa kanya.
Simula nang lumaki at magkaisip ako sa mundong ito ay ibang klase na ang pag-iingat ng aking ama. Para siyang natatakot palagi na ano mang oras ay may kukuha o may mangyayari sa aking masama. Kaya ko na rin naman ang sarili ko.
Dahan-dahan kong sinara ang pintuan at tumakbo patungong b****a. Napag-usapan kasi namin nina Avira at Hugo na doon magkikita kita. Pagdating ko doon ay naghihintay na din sila. Dala nan g mga ito ang kanyang sibat, pana at palaso.
Ang dalawa ang siyang taga tago ng aking mga gamit. Kapag kasi dinadala ko ang mga ito sa aming tahanan ay kinukumpiska ito ng aking ama. Kaya pinapatago ko na lang iyon kina Avira at Hugo. Hindi naman sila tumatanggi ang mga hinihiling ko.
“Kanina pa kayo? Akala ko ay mauunahan ko kayo.” Hingal kong sambit. Madalas kasi kapag may napag-usapan kami ay sinisikap kong maunahan sila ngunit parati akong nabibigo.
“Huwag ka nang umasa, Kyuu.” Natatawang sagot ni Avira. Inabot nito sa kanya ang kanyang gamit na agad ko namang inabot.
“Kailangan mo pang magsanay ng madaming oras upang magawa iyon.” Si Hugo. Nakasandal ito sa isang puno habang naka-halukipkip ang mga kamay. Siya anng pinaka seryoso kaya sa tuwing gumagala kami sa bayan ay paratio siyang napagdidiskitahan. Pero sa huli, kami pa rin naman ang nananalo.
Natawa na lamang ako. “Sige gagalingan ko para matalo na kita.”
Isa pa sa mga gagugustuhan ko sa tuwing pumupunta kami sa kagubatan ay bukod sa pag-aabang ng mga hayop ay tinuturuan din ako nilang dalawa kung paano makipaglaban. Maging ang pamamalandong (Meditate) ay tinuro din nila sa akin. Kakailanganin ko daw iyon lalo pa’t hindi sa lahat ng panahon ay mananatili ako sa lugar na ito. Hindi koi yon naiintidihan noon pero sa tumagal na nauunawaan ko ang bago kong mundong ginagalawan ay hindi na ako nagrereklamo sa mga pinagagawa nilang dalawa sa akin.
Nang marating namin ang gitna ng gubat ay nagsimula muna kaming mamalandong. Umupo ako sa lupa habang nilalagay ko ang aking pana sa aking tabi. Makakatulong daw ito para maramdaman ko ang paligid. Mabisa naman siyang talaga kaya inaral ko talaga iyon ng mabuti. Kahit sa bahay, kapag wala si ama ay ginagawa ko iyon.
Sa aking pamamalandong ay tumahimik ang buong paligid. Ramdam ko ang bawat galaw sa paligid. Pakiramdam ko ay kumukunekta sa akin ang pwersa ng kagubatan. Nakakaramdam ako ng init na naiipon sa kanyang kalooban. Init na animo’y parte ng aking lakas na kumakalat sa aking buong katawan.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang mga nilalang sa paligid. Animo’y tinuturo ako ng pwersa sa mga kinaroroonan ng mga ito. Nararamdaman ko kung anung uri ng nilalang ang mga iyon. Hanggang sa maramdaman niya ang isang malakas na nilalang. Ito na ang hinihintay kong sanndali. Mukhang makakakain na talaga ang ng karne.
Dahan dahan kong inabot ang aking pana at palaso na pikit pa din ang kanyang mata. Ikinabit ko ang palaso sa tali ng kanyang pana bilang paghahanda sa magpakawala ng palaso ano mang sanndali.
Sinubaybayan ko ang galaw ng aking tudlaan (target). Naramdaman ko naman ang pagiging maingat ng nilalang. Tumayo siako at humarap sa kinaroroonan ng nilalang. Nang buksan ko ang kanyang mata ay nanlaki ang kanyang mata nang makita kung anong klase ng nilalang iyon. Sa hindi inaasahan ay tila kusang humakbang ang kanyang mga paa papalapit sa nilalang sa halip na pakawalan ang palaso. Kung titignan ay parang simpleng usa lang iyon pero ito ang pinaka malaking usa na nalita ko. Ang sungay pa nito ay pambihira. Bukod kasi sa malalaki ang sungay ay sanga-sanga pa ito na parang mga sanga ng puno sa panahon ng taglagas.
Hindi ko namalayan na umangat na ang kanyang kamay. Nagmistulang yumuko ang usa sa kanya habang palapit siya nang palapit. Hanggang sa lumapat na ako dito at dahan dahang inilagay ang palad ko sa noo ng noo. Lumiwagan naman ang pagitan ng kamay ko at noo ng dakilang usang kaharap ko.
Para namang tumigil ang paligid. Ang liwanag ay lalo pang lumaki na tila nilalamon ako ng liwanag at tila dinala ako sa ibang mundo. Ganoon pa man tila naiintindihan ko ang mga nakikiya ko. Ikinukunekta ako nito sa mga iba lang malalakas na mga nilalang. Naramdaman ko na may lumiliyab na lakas sa loob ko na unti-unting bumubukas at kumakalat sa buo kong katawan. At pagkatapos ng liwanag ay agad na binalot ng dilim ang paligid.
Pagmulat ko ay nakahiga na ako sa lupa. Agad aman akong bumangon ngunit nabigla ito nang makita ang dalawa kong kaibigan na nakatitig sa kanya. Sa kanilang mga mukha ay nababasa kong normal lang ang makita ang tao na nakalumpasay sa lupa pagkatapos lamunin ng liwanag. Nakaramdam naman ako ng hapdi sa aking noo subalit bago pa man ako makapagsalita ay napansin kong maliwanag na ang paligid.
“Ama!” Sambit nito.
Kumaripas na ako ng takbo nang hindi nagpapa alam sa mga kaibigan ko. Gulo man ang isip sa nangyari ay hindi ko na muna iyon inisip dahil higit kong ikinatatakot ang sermon at parusa ng ni ama.
*****
Samantala sa kagubatan ay nakatayo roon ang dalawang lalaking nakasuot ng mahabang damit. Ang isa ay may ibat ibang kulay at ang isa naman ay kulay dilaw. Nasa kanilang mga labi ang ngiti na tila may magandang nangyari.
“Kailan man ay hindi ko pinagdalawang-isip ang kanyang kakayahan. Tunay na siya’y anak ng dating panginoon.” Wika ng lalaking may makulay na damit.
“Masaya man ako ngayon ay hindi ko pa din maiwasang mag-alala. Nagsisimula pa lamang siya sa kanyang landas na dapat tahakin. Kailangan niyang magabayan ng tama upang mapaghandaan niya ang hinaharap.” Wika naman ng lalaking naka-dilaw.
“Ano ang tumatakbo sa iyong isipan?” Tanong naman ng lalaking may makulay na damit.
“Kailangan na nating kausapin ang punong taga-payo. Kailangan na niyang pakawalan si Ryuu sa kanyang mga kamay. Hindi na nakakabuti sa bata ang ginagawa niya..”
“Pagbati sa Anitong Minokawa at Anitong Adarna.” Napalingon naman ang dalawa sa pinanggalingan ng tinig. Agad silang humarap at yumukod sa limang nilalang na nakasuot ng mahahabang puting damit. Pawang nakatakip ang mga mukha ng mga ito.
“Maluhod naming binabati ang inyong pagdating mga Anitong Gabay ng Lupain ng Himaya.” Sabay na pagbati ng dalawa.
“Naramdaman namin ang paggising ng isang maharlikang kapangyarihan sa lupaing ito. Maaari ba ninyong sabihin kung sino ang taong iyon?” Tanong ng nilalang na nasa gitna. Siya ang punong gabay.
Ang mga Anitong Gabay ay makapangyarihang tagagabay upang mapanatili ang balanse ng bawat mundo. Hindi sila nakekealam sa mga kaganapan gaya ng digmaan. Pinaninindigan lamang nila ang kanilang gawaing maging gabay. Bagay ng hindi nagustuhan ng mga panginoong Anitong Anima gaya ng dalawang kaharap nila ngayon.
“Ipagpaumanhin po ninyo mga Gabay, naririto din kami upang alamin kung sino ang nilalang na iyon.” Sagot ng Anitong Minokawa.
“Ang lakas ng loob ninyong magsinungaling sa mga Anitong Gabay.” Sambit namann ng gabay na nakatayo sa kaliwa ng punong gabay.
Sa isang iglap ay napaluhod naman ang nagsalitang gabay na ikinagulat nila.
“Umayos ka sa iyong pananalita. Nakakalimutan mo yatang hindi kami saklaw ng inyong kapangyarihan.” Sigaw ng Anitong Adarna.
Ang mga panginoong Anito ay hindi sumasagot sa Anitong Gabay. Ngunit sa dumaang mga panahon ay nakalimutan na ata ng mga Gabay ang kanilang lugar at kung anu ang kanilang obligasyon.
“Ipagpaumhin ninyo ang kalapastangannan ng aking kasama mga panginoon.” Yumukod ang Punong Gabay bilang tanda ng paghingi ng tawad.
“ Hindi ko alam na ganoon na lamang ka interesado ang mga Gabay sa nilalang na may maharlikang kapangyarihan.” Sabat ng isa pang nilalang. Nakadamit ito ng kulay abo na sumasayad sa lupa gaya ng mga suot ng dalawang panginoon.
“Hindi ko alam na naririto pala kayo, Panginoong Lampong. “ Halata sa boses ng Punong Gabay ang pagkabigla.
“Masyado yatang napakadami na ninyong ginagabay na nakalimutan ninyong nasasakupan ko ang kabundukan at kagubatan sa gawing ito ng Himaya.” Sarkastikong sagot nito. “Nasa protekyon ko ang mga nilalang na naririto. Mapa imortal man o mortal. Kaya umalis na kayo sa lupaing ito. Hindi kayo pwede rito.”
Kilala nilang galit ang Panginoong Lampong sa mga nilalang na basta-basta na lamang sumusulpot sa kanyang nasasakupan ng hindi nagpapaalam.
Wala namang nagawa ang mga Anitong gabay at umalis ang mga ito.
“Ano na ang gagawin natin? Tiyak kong hindi titigil ang mga Gabay. ” Nag-aalalang tanong ng Panginoong Adarna.
“Huwag na kayong mangamba at ang kapangyarihan ko na ang bahala doon.” Pagsisiguro ng Panginoong Lampong.
“Maraming salamat sa pagpoprotekta sa kanya, Kandor.” Wika ng Anitong Minokawa.
“Obligasyon nating iyo bilang kanyang mga Anitong Anima. Kaya wala kang dapat ipagpasalamat, Avira. Kaisa na ninyo ako sa pangangalaga sa kanya. ” Anang Panginoong Lampong.
“Tayo na, Hugo. Kailangan na nating sundan si Kyuu.” Pag-aya ng Anitong Minokawa na ngayon ay nasa anyong bata.
Nagpalit anyo na din ang Anitong Adarna. Pinulot nito ang mga gamit ni Kyuu.
“Ah, Kandor, Ipagpapaalam namin ang isang babo y ramo. Nagsasawa na ang kaibigan naming sa gulay at isda.” Nakangising wika nito sa Panginnoong Lampong.
Kinumpas lamang nito ang kanyang kamay senyales na pumapayag ito.