Unang Yugto/Pangatlong Kabanata: Ang Tunay na katauhan ni Kyuu

2143 Words
Malayo pa lang ay tanaw ko na ang aking ama na tila may hinihintay sa b****a ng aming bahay. Hindi ko maiwasang kabahan dahil batid kong ako ang hinihintay niya. Binilisan ko nalamang ang pagtakbo. “Saan ka nanaman galing, Kyuu?” Maotoridad na tanong ng aking ama. Napakamot nalang ako ng aking ulo sabay ngisi. Akmang magsasalita ako nang makita ko ang pagbago ng mukha ng aking ama. Mabilis niyang inabot ang magkabilang pisngi ko at may mariing pinagmasdan sa aking noo nangayon ko naalala ang kirot na nagmumula doon. “A-anong meron sa mukha ko a-ama?” Tanong ko. Sa halip na magsalita ay tila natakasan ito ng lakas. Muntikan na itong matumba sa kinatatayuan buti na lang ay naging maagap ako sa pag-alalay sa kanya. “Ama, anong nangyayari sa inyo?” Mabilis ko siyang dinala sa loob ng bahay at pinaupo. Agad akong kumuha ng inuming tubig at dinala iyon sa kanya. Simula nang magkaisip ako sa mundong ginagalawan ko ngayon ay ngayon ko pa lang nakitang nagkaganito ang aking ama. Umusbong ang pag-alala ko para sa kanya. Nasanay kasi akong nakikita siyang istrikto at palaging seryoso. Pero ngayon ay ibang iba ang kanyang mukha. “Kyuu!” Napabaling ako agad sa tumatawag sa labas ng bahay. Nakita ko naman sina Avira at Hugo na papasok sa aming bahay. “Nakahuli kami ng baboy ramo.” Nanlaki naman ang mata ko nang marinig ang sinabi ni Hugo. Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil bigla na lang akong umalis. “Ama, ayos na po ba kayo?” Tanong ko sa aking ama na biglang tumayo. “Sumama lang ang aking pakiramdam. Asikasuhin mo na lamang ang dala ng mga kaibigan mo. Ipapahinga ko muna ang aking katawan sa kwarto.” Wika ni ama habang tinatawid nito ang distannsya sa pagitan ng kinauupuan niya kanina at ng aming kwarto. Wala na akong nagawa. Nagdadalawang isip man ay lumabas nalamang ako ng bahay kasama ng aking mga kaibigan na himalang hindi umiimik. Agad naming dinala malapit sa balon ang dala nilang baboy ramo upang katayin. Natatakam man dahil bihira lang talaga kami makakain ng karne ni ama ay mas naninimbang ang pag-alala sa aking ama. “Balisa ka yata hindi ka ba masaya at makakatikim ka nan g karne.” Si Hugo. Wala akong nagawa kundi ikwento anng nangyari kanina sa aking ama pag-uwi ko. Sila lang naman ang malalapit na tao sa akin maliban sa aking ama. Silang dalawa ang naging kasama ko mula noon pang maliit ako kung kaya wala na akong naitatago sa kanila. “Hayaan mo na muna ang ama mo. Marahil ay sumama lang talaga ang pakiramdam niya.” Wika ni Avira. “Pero ano ba ang nangyari kanina?” Hindi ko maiwasang itanong. Kanina ay hindi ko nagawanng bigyan importansya iyon dahil si ama ang inalala ko. Ayaw ko na mapagalitan at maparusahan. “Bakit ako nawalan ng malay kanina? Hanggang ngayon nararamdaman ko pa din ang kirot sa noo ko." “Dahil dumaan ka sa tinatawag na pamukaw.” Deretsong sagot ni Avira na labis kong ipinagtaka. Madalas ikwento sakanya ng nina Avira at Hugo ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi ko maiwasang madala sa mga kwento nila dahil sadyang nakakabilib an gang mga taong dumadaan sa pamukaw. Ang mga taong kinikilalang malalakas sa buong lupain ng Himaya. Sila ang mga pinili ng mga makapangyarihang Anito na pagkalooban ng kapangyarihan. “Niloloko ba ninyo ako?” Tanong ko. Hinihintay kong magtawanan silang dalawa ngunit nanatiling seryoso ang kanilang mga mukha. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. “Alam naming naramdaman mo at nakita mo mismo ang abuhing usa na may sanga-sangang sungay.” Sambit ni Hugo. Sa sinabi niya ay muli ko nanamang naalala ang napakagandang usa na nakita ko. Marahil ay nasaksihan nila ang nangyari noong hinawakan ko ang usa. Kung totoo ang sinasabi nila ay ang usang iyon ang aking unang  Anitong Anima. “Kung ganoon sinasabi ninyong isa akong Bagani?” “Hindi ka lang isang Bagani, Kyuu.” Pagtatama ni Hugo ngunit agad namang nagsalita si Avira sa tonong hindi mo sasalungatin pa. “Isa kang Bagani at pinatunayan iyong ng iyong Anima. Tapusin na natin ang p******y nang maluto na natin ang karne. Mamaya na nating pag-usapan ang iba pang mga bagay. “ Hindi na ako nagpumilit pa. Kung ganoon ang tono ni Aviri ay nakakatakot siyang salungatin.   Mabilis naming natapos ang p******y sa baboy ramong nahuli nilang dalawa. Pareho kaming walang imik ni Hugo habang si Avira naman ay niluluto ang mga karne. Sa aming tatlo kase ay siya ang marunong magluto malamang marahil dahil ito sa taglay nitong galing sa mga bagay bagay. Hindi kasi siya nangingiming makipag-usap sa mga tao sa bayan. Hindi tulad naming dalawa ni Hugo na puro kalokohan lamang ang alam. Kaya nga madalas ay napapaaway kaming dalawa. Buti na lang at ang husay sa pakikipag-away ay taglay naman ni Hugo. Sa buong sandali ng pagluluto ay tahimik lamang ako habang nagkakatinginan kami ni Hugo na seryoso din ang itsura. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay iba ang enerhiyang lumalabas sa kanilang dalawa ngayon. “Tawagin mo na ang ama mo. Kami na ang maghahain.” Utos ni Avira. Magsasalita pa sana ako pero sumenyas na si Hugo na sundin na lang si Avira kung kaya dumeretso na lanag ako sa aming silid upang tawagin si ama. Pagpasok ng silid ay naabutan ko si ama na nakatayo habang nakaharap sa bintana. Malayo ang tanaw nito na para bang hindi man lang nahalata na pumasok ako sa silid. “Ama?” Tawag ko sa kanya. Agad naman siyang humarap sa akin. Nasa mga mata niya ang hindi mapaliwanag na damdamin. “Kay bilis ng panahon. Parang kahapon lang kalong kalong pa kita ngunit ngayon, nasa edad ka na at ganap nang Bagani.” Usal ni ama na labis kong ikinabigla. “A-alam mo ang tungkol doon, Ama?” Mabilis kong tanong sa kanya. “Sinubukan kong ilayo ka sa isang malaking responsibilidad pero mukhang hindi talaga umayon sa aking ang tadhana. “ Naluluhang wika ni ama. “Anong ibig mong sabihin, Ama?” “Kyuu, anak, kung sakali mang malaman mo ang totoo, tandaan mo sanang ginawa ko iyon dahil naniniwala akong iyon ang makakabuti sa iyo.”  Mas lalo akong naguluhan sa sinabi ni Ama. “NNatakot ako na baka hindi mo kayanin ang bigat ng responsibilidad hindi lamang bilang Bagani ngunit maging ang responsibilidad na iniwan sa iyo ng iyong tunay na ama.” “T-tunay na Ama?” Pag-uulit ko. Nanunuyo na ang lalamunan ko. Gusto kong ipaulit ang sinabi ni Ama pero nakaramdam ako ng takot dahil ayokong makumpirma kung tama ang narinig ko. “Kyuu, ang dahilan kung bakit pinili kong malayo tayo sa ibang tao ay dahil kailangan kong itago ka mula sa mga mata ng taga-Centro lalo na ng Consejo ng Banal. Hindi dapat nila malamang buhay ka hanggat hindi ka pa handa. Hanggat hindi pa buo ang iyong kapangyarihan.” “Ama, ano ang ibig mong sabihin? K-kung hindi ikaw ang aking A-ama, sino? At ano ang koneksyon ng mga taga-Certro sa akin? Sino ang Consejo ng Banal?” Sunod-sunod na tanong ko. Sa totoo lang ay masyado na akong naguguluhan. “Kyuu, ang iyong ama ay si Haring Emyr. Ang makapangyarihang Hari at pinuno ng Kaharian ng Minokawa. At ikaw, kamahalan si Prinsepe Cyril, ang nawawalang prinsepe ng Minokawa. At nasa iyong mga kamay nakasalalay ang pagbangon ng gumuhong kaharian. At hindi dapat malaman ng Consejo ng Banal na ikaw ay buhay.” Sa narinig ko ay tila nanginig ang mga kalamnan ko. Nakaramdam ako ng samo’t saring damdamin at hindi ko alam kong ano ang mas higit kong nararamdaman ngayon. Walang imik akong tumayo at wala sa loob akong lumakad palabas ng silid. Nakita ko sina Avira at Hugo na nakatayo sa hindi kalayuan na tila alam na mangyayari ito. Samakatuwid, alam nila kung sino talaga ako. Ang buong pagkatao ko ay pakiramdam ko ay isang kasinungalingan. Bumibigat ang bawat paghinga ko. Natutunod ako sa aking nararamdaman. Sa kagustohang makaalis ay mabilis akong tumakbo sa labas ng bahay. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa kagubatan. At upang mailabas ang kung ano mang naiipon sa dibdib ko ay sumigaw ako nang sumigaw. May kung anong pwersa na lumalabas mula sa akin habang isinisigaw ko ang damdaming naiipon sa loob ko. Hanggang sa mapagod ako at naubusan nan g lakas. Napaluhod ako sa lupa at nagsimulang humikbi. Ngayon ko lang napagtanto na nagsisimula na palang umulan. Nagmadali akong humanap ng masisilungan. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay may pwersang tumama sa akin dahilan upang tumilapon ako. Naramdaman ko ang sakit ng aking likuran nang tumama ito sa lupa. Agad kong hinanap ang pinanggalingan ng pwersang iyon. “Kakaibang kapangyarihan ang iyong taglay, bata. Tiyak kong matutuwa ang Punong Consejo kapag hinandog ka naming sa kanya.” Wika ng isang lalaki na nakatayo sa di kalayuan. May mga kasama din ito na tulad niya ay nakasuot ito ng kasuotang pansundalo. Pero iba iyon sa kasuotang suot ng mga sundalong nakikita niya sa bayan. “S-sino ka?” Tanong ko. “Hindi na mahalaga kung sino ako. Ang mahalaga ay sumama ka sa amin kung ayaw mong makitilan ng buhay!” Sigaw nito sabay kumpas ng kamay. Nakita kong kumilos ang mga kasamahan nito u***g dakpin ako ngunid bago pa sila makalapit ay agad na lumitaw ang tatlong nilalang sa aking harapan. Pamilyar ang kanilang mga enerhiyang nilalabas. Ang dalawa ay pawang nakasuot ng mahahabang damit. Naiba lamang ang mga kulay. Isang makulay at isang dilaw. Ang pangatlong nilalang ay ang nakasuot ng magarang baluting pandigma. Hindi ko makita ang kanilang mga mukha dahil nakaharap sila sa mga taong susugod sana sa akin. “Nasa lupain kayo ng kaharian ng Alkonost. Walang kapangyarihan ang Consejo sa lupaing ito.” Wika ng Nnilalang na may dilaw na kasuotan. “Umalis na kayo rito dahil hindi ako mangingiming paslangin kayong lahat kung ipipilit ninyo ang innyong gusto.” Sigaw naman ng nilalang na naka-baluti. Tumawa lamang ang lalaking sa tingin ko ay pinuno ang grupo. Kumumpas ito at mula sa kawalan ay lumabas ang enerhiyang may korteng ahas. Sumanid ito sa kanyang palakol at umakmang susugod sa tatlong nilalang na sa kanyang harapan ngunit agad din itong tumilapon pabalik dahil natamaan ito ng gintong palaso na nagmula sa nilalang na naka suot ng baluti. Hindi pa doon nagtatapos dahil ang lalaking nakasuot ng makulay na kasuotan ay biglang naglaho. Paglitaw nito muli ay humandusay na ang mga tauhan ng lalaking una nang nawalan ng buhay. Lahat ng mga iyon ay wala na ding mga buhay. Humarap naman sa akin ang nilalang na nakasuot ng dilaw na kasuotan. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino iyon. Pero sa subrang takot ko kanina ay hindi ko na napigilan ang sarili na yakapin ang taong iyon. Umiba man ang kanilang anyo ay batid kong sila pa rin ang mga iyon. “Akala ko mamamatay na ako.” Hindi ko na napigilang umiyak. Narinig ka namang tumatawa ang nilalang na nakasuot ng makulay na kasuotan. Tinapunan ko naman ito ng matalim na tingin. “Kamahalan, sa tingin ko ay panahon na upang magsimula na kayo sa ikalawang bahagi ng pagsasanay.” Wika naman ng nilalang na naka baluti. “Wag na muna nating biglain ang Prinsipe. Kailangan muna niyang maintindihan ang lahat.” Wika ng nilalang na kayakap ko. Kumawala siya sa aking pagkakayakap at hinarap ako.  “Natitiyak kong maraming mga katanungan na gusto mong mabigyan ng kasagutan. Sasagutin naming anng lahat pero hindi pa sa ngayon. Kailangan muna nating bumalik sa iyong ama. Nag-aalala na ang punong tagapayo.” “Maaaring tinago niya sa iyo ang lahat, pero tandaan mong sa iyo uminog ang buhay niya. Hindi man siya ang tunay mong Ama, Naging Ama naman siya sa iyo sa abot ng kanyang makakaya. H’wag mong kalimutan iyon, Kyuu.”   Nagmadali kaming umalis sa parting iyon ng kagubatan. Gusto ko sanang itanong ang tungkol sa mga taong sumalakay ngunit minabuti ko na lamang na ipagpaliban muna. Nanghihina na ako at kumukulo na din ang sikmura ko dahil sa gutom. Mabilis kaming nakarating sa pamilyar na daanan. Natatanaw ko na din ang aming tahanan kung saan naroroon ang ang aking ama na naghihintay sa aming pagbabalik. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya. “Mahal na Prinsipe…” Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya at agad ko siyang niyakap. Ano man ang nakaraan ay tiyak kong ipapaliwanag naman iyon sa akin. Kailangan ko lamang maghintay. Mali ang aking ikinilos kanina. Kung kaya kailangan kong maging maingat sa mga disisyon ko. Bumukas na ang pintuan ng panibagong daan na aking tatahakin. Natatakot man ay alam kong ihahanda ako ng mga taong nakapaligid sa akin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD