Unang Yugto/ Ikaapat na Kabanata: Ang Katotohanan

1213 Words
Ramdam ko ang bigat ng dibdib ni Ama habang nililitanya ang nangyari sa aking totoong mga magula. Ang Hari at Reyna ng nasirang kaharian ng Minokawa. Habang ako ay sinubukang intindihin ang lahat ng detalye na ikinukwento niya. Sina Avira, Hugo at ang isa pa nilang kasama na pinakilala nilang si Ilakid ay minabuting manaliti sa labas upang makapag-usap daw kami ni Ama ng masinsinan. “Ang iyong Ina ay maagang pumanaw.” Pagsisimula ni Ama. “Hindi kinaya ng kanyang katawan ang pagsilang sa iyo. Lumaki ka sa pangangalaga ng Ama mong hari. Noong mga panahong iyon ay hindi na maganda ang relasyon ng Conseho ng Banal sa kaharian ng iyong ama sa kadahilanang hawak ng Kaharian ng Minokawa ang lupain ng mga Anitong Anima.” “Naging salungat ang paniniwala ng iyong ama at ng punong Consejor ng Banal hingil sa mga Anitong Anima. Para sa iyong Amang Hari, ang kapangyarihan ng isang Bagani ay hiram lamang at mga Anito. Karapatan nilang bawiin ang kapangyarihan kung nanaisin nila. Hindi kaylan man dapat akuin ang kapangyarihan dahil ito’y sisira sa balanse ng mundo.” “Para naman sa Punong Consejor, ang mga Maharlikang Baganing Banal ay higit na magmay-ari ng kapangyarihan. Ang mga Anito ay dapat lumagar dahil higit na mas alam ng mga Marharlika kung papaano pagyamanin ang mundo ng mga mortal. Naging sukdulan ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang panig lalo pa’t nagsimulang ipag-utos ng Consejor sa kanyang mga sundalo na patayin ang mga Anitong taglay nila upang mapasakanila ang kapangyarihan nito at maghangad pa ng karagdagang anito upang maabot ang antas ng Baning Banal. Dito nagsimula ang digmaan sa pagitan ng Kaharian ng Minokawa at ng Consejo ng Banal.” “Ang kaharian ng Minokawa noon ang siyang tagapangalaga ng lupain at ito din ang nangangalaga sa balanse ng mga mundo. Ang mundo ng mga mortal, mundo ng mga Anito at ang mundo ng Kaidalman. Kung kaya buong pwersa itong lumaban sa tinuring na kalaban.  Ang iyong Amang Hari ay piniling magpaiwan upang makipaglaban. Inutos niyang ilayo kita sa palasyo upang kung sakali mang mabigo siyang ipagtanggol ang kaharian ay mayroon pang magpapatuloy ng kanyang nasimulan.” Marami pang ikinuwento si Ama hingil sa aking nakaraan. Kitang-kita ang takot at lungkot niya habang inaalala ang mga nangyari. Natapos si Ama na mamasamasa ang kanyang mga mata. Wala akong mahagilap na salita sa pagkakataong iyon. Hindi ko din alam kung ano ang mararamdaman ko matapos marinig ang kwento ng aking pagkatao. “At ngayong natapos na ang iyong pamukaw ay magsisimula na ang iyong pagsasanay upang sundan ang yapak ng iyong ama.” Naging senyoso muli ang mukha ng aking Ama. “Alam kong mabigat ang responsibilidad na iyong papasanin at hindi madaling daan ang iyong tatahakin ngunit umaasa akong sa bandang huli ay muli mong maitatayo ang kaharian ng Minokawa.” “Sa tingin mo po ba Ama, makakaya ko?” Tanong ko. Aaminin kong nakakaramdam na ako ng takot sa maaaring mangyari. Naalala ko ang nangyari kanina sa kagubatan. Wala akong nagawa sa kalaban at muntikan pa akong mahuli ng mga Baganing iyon kung hindi lang dumating sina Avira, Hugo at Alakid. “Buo ang aking paniniwala ng kung buo ang loob mong harapin ang mga pagsubok ay makakaya mong lampas an iyon at mararating mo ang nain mong maging, Anak.” Sagot ni Ama. “Kailangan mo lamang tiisin lahat ng pagsasanay. At dapat ay ginagawa mo ito na may sinseridad sa iyong puso.” Alam ko sa sarili ko na gusto kong maging mahusay ng Bagani. Lumaki akong tanging tagamasid sa kanila sa malayo ang naging silbi ko noon. Ngayon na may pagkakataon akong mahing higit pa sa mga nakita ko ay pakiramdam ko ay nag-aalab ang aking kalooban na humarap sa ano mang pagsubok na kakaharapin ko. “Ama, handa po ako. Susubukan kong tuparin ang kahilingan ng aking Amang Hari.” Kung saan ako kumuha ng laks ng loob para sabihin iyon ay hindi ko din mawari kung saan. Ang alam ko lang ay may pwersang tumutulak sa akin dito sa aking kalooban na maging matapang at harapin ang ano mang masasalubong na pagsubok. “Iisa lamang ang hihilingin ko, Anak.” Wika ni Ama. “Kailangan mong ikubli ang tunay mong pagkatao hanggat hindi ka pa handa. Dahil kung hindi ay masasayang lamang ang nasimulan mo. At gusto kong ipaalala sa iyong ang Bagani ay isang obligasyon na pagsilbihan ang higit na nangangailangan at hindi mang-abuso sa mahihina.” “Nauunawaan ko po Ama.” Sagot ko. Matapos naming makapag-usap ay saka ko lamang naalala na nagugutom na pala ako. Buti na lamang at nakahain na ang pagkain sa mesa kung kaya mabilis na din kaming nakakain. “Pagkatapos mong kumain ay gusto kong magpahinga ka at maghanda dahil mamayang gabi ay magsisimula na ang iyong pagsasanay.” Muntikan na akong mabilaukan sa sinabi ni Ama. Oo at handa na akong tanggapin ang aking kapalaran pero hindi ko naman inaasahan na ganoon kabilis. At bakit mamayang gabi? Hindi ba maaring sa susunod na araw? “Dahil ikaw ay dumaan na sa pamukaw ay kailangan ka munang maging pamilyar sa iyong unang Anitong Anima.” Pagpapatuloy ni Ama bago magpatuloy sa pagkain. Matapos kumain ay agad akong lumabas upang puntahan sina Avira at Hugo ngunit wala sila sa patigid. Gusto ko din sana silang makausap dahil may mga bagay din akong gustong itanong sa kanila lalo na ang pagpapalit anyo nila. At gusto ko din itanong kung sino ang isa nilang kasama dahil pakiramdam ko ay nakita ko na siya o naramdaman ko na siya. Sinubukan kong hanapin sila sa paligid ngunit wala talaga sila. Napakamot na lamang ako ng aking ulo at pumasok san a lamang sa bahay.   Ngunit bago pa man ako makapasok ay nahagip ng mata ko ang mga nilalang sa di kalayuan. Agad akong napatigil at tinignan sila. Limang bulto ng nilalang ang naroroon ay pawang nakaputi.  Saka ko lang napagtantong mga babae sila na nagtatago sa puting belo. Pakiramdam ko ay tinatawag nila ako. May pwersang humihila sa akin papalapit sa kanila ngunit pilit kong pinipigilan ang sarili. Naalala ko nanaman ang nangyari kanina na wala akong nagawa. Saka ko naalala ang tinuro ni Hugo. Ang pagtataboy ng pwersang mental. Mabilis kong pinikit ang mata ko ay inalala ang gagawin. Pag-isahin ang paghinga sa ihip ng hangin. Damhin ang bawat sulok ng katawan at balutin ito ng sariling pwersa. Nararamdaman ko na umiinit ang buo kong katawan na para bang gustong sumabog. Ginamit ko ang pagkakataon upang ibalik ang nararamdan sa mga babaeng nakatayo sa di kalayuan. Mabilis ang nangyari, nakita kong naglaho ang mga kababaihan at nawala na din ang hindi magandang pwersa na nararamdaman ko kanina. Habol hininga akong napaupo sa lupa dahil pakiramdam ko ay naubusan ako ng pwersa sa ginawa ko. Napansin ko naman na sa banndang kagubatan ay namuo angmaitil na ulap. Kakaiba iyon dahil tanging parte lamang iyon ng kagubatan ang dumilim. Nagsimula ding kumidlat sa parting iyon ng kagubatan at kasabay noon ay narinig ko ang sigaw ng isang galit na ibon. “Miragus…” Napabaling ako sa aking Ama na hindi ko namalayang nakamasid na din pala sa parting iyon ng kagubatan kung saan ay patuloy pa din ang paglabas ng kidlat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD