Ilang araw matapos ang insidente sa condo ni mam Lucy ay pinabalik sila kaagad ni sir Luke niya sa tinutuluyan nitong bahay. Wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod dito lalo pa at ito naman talaga ang nagpapasweldo sa kanya. Itinatak niya na lang sa kanyang isipan na isa lang siyang katulong para rito, utusan na binabayaran para magtrabaho at gawin ang gusto nito, upang kahit papaano ay mabawasan ang bigat na nadarama niya sa kanyang saloobin. "That's impossible, how did this happen?" dinig na dinig nila ang malakas na pagsigaw ni sir Luke niya mula sa kusina. Nitong mga nakaraang araw ay naging abala nanaman ito sa ilang mga bagay. Lahat sila ay nabatid ang palagi nitong pagkabalisa idagdag pa roon ang mas pagiging tutok nito sa negosyo. Nadama niya na lang ang paghaplos ni Po

