"Pati ba naman iyong katulong ko pagdidiskitahan mo!" irritable niyang pagalit dito. "Pare, sa tingin mo magagawa ko iyon? Wala naman akong intensyon na ganoon," nakasimangot nitong saad. Puno ng pait ang mga katagang binitawan nito, pero nandoon iyong parteng sumasagi sa isip niya na mayroon itong ibang plina-plano, naroon ang inis at pagka-irita niya lalo pa nang malaman niya na madalas pala ang pag-alis ng mga ito. "Eh ano sa tingin mong ginagawa mo!" paalala niya sa palagi nitong pagbisita. "Masama bang makipag kaibigan," bara nito sa kanya. Pero nagpinting ang tenga niya sa sinabi ni Jordan. "At sa kasambahay ko pa talaga!" mapang-asar niyang balik dito. Halata naman sa mukha ng kaibigan na nasaktan ito sa mga sinabi niya, pero wala siyang paki-alam dahil nais niyang ipakita dit

