Ilang linggo matapos ang paggising ni sir Luke ay pinayagan na rin itong makalabas ng hospital. Subalit batid niya ang palaging pagkatulala ng lalake, naroon din ang parte na panaka-naka ang pag-iyak nito kapag nag-iisa. Nabalot na lang tuloy siya ng pagtataka at takot, dahil hindi niya maialis sa isipan na may naidulot na masama sa binata ang aksidenteng nangyari. Pinilit niya na lang ang manatiling kalmado kapag nasa tabi ito kahit puno na ng pag-aalala ang kanyang isipan. Minabuti niya na lang na handaan ito ng masarap na almusal ng araw na iyon. Ipinagluto niya ang amo ng sopas na puno ng sahog at nagpabili na rin siya ng pandesal pangterno rito. May kung anong tuwa siya na nadarama habang paakyat sa kuwarto nito, napalitan lang iyon ng pag aalala nang madinig niya nanaman ang

