Matapos matanggap ang tawag ni mam Lucy nila ay dali-dali silang naghanda para magtungo sa hospital na pinagdalhan kay sir Luke. Nang makadating doon ay pinauna niya na sina Clifford at Porsya, kinailangan niya pa ng ilang oras para maproseso ang mga nangyayari kaya’t nanatili na muna siya sa labas ng gusali. Nang makahupa ay agad na siyang pumasok roon, pero wala pa rin tigil ang panginginig niya, kahit naglalakad na siya sa pasilyo. Mahigpit ang naging kapit niya kay Miko hanggang ng mga sandaling iyon dahil ito ang tila nagpapanatili ng kanyang lakas. Nadatnan niya na nasa labas pa ang dalawang kasama, tahimik lang ang mga ito habang pasilip-silip sa isang kuwarto roon. "Ateng!" salubong na lang ni Porsya sa kanya. "Kanina ka pa namin hinihintay," pilit ngiting bati naman ni Clif

