"Ay!" Ganoon na lang ang kanyang sigaw. Sabay-sabay na napatili na lang ang lahat ng naroon nang masagi niya ang baso sa kanyang tabi habang kumakain sila. Mayroon parang sumuntok sa kanyang dibdib na nagdulot ng kakaibang kaba kaya’t tila hindi na niya napansin iyon. Ilang sandali siyang natulala sa piraso ng mga bubog sa sahig dahil na rin sa kakatwang pakiramdam na biglaan na lamang lumukob sa kanya. "Ateng, hoy!" tila parang malayo at alingawngaw na lang ang tawag ng kaibigan dahil sa lalim ng isipan ni Freyja ng mga sandaling iyon. Wala sa sarili na lang siyang napalingon kay Porsya nang tapikin na siya nito. "Ano iyon?" parang walang buhay at tulala pa rin ang kanyang mga mata nang bumaling sa kaibigan. Ganoon na lang tuloy ang pagkusot ng mukha nito. "Ayos ka lang ba?" alalang

