"Wala ba siya talagang nasasabi sa iyo?" turan niya na lang, namamawis na siya sa loob ng silid kahit mayroon naman aircon doon. "Tol, sabi ko naman sa iyo, ginawa ko na ang lahat, pero talagang walang alam si mam Elle," maktol ng kaibigan, pabulong lang ang salita nito dahil halatang patago ang pagsagot sa kanya. "Baka naman kasi masyado ka nanaman na-di-distract!" irritable niyang sita. Kilala niya ang kaibigan at alam niya kung gaano ito kadaling mawala sa sarili. "Ma-mamaya na lang, nandiyan na siya," tarantang saad nito. Hindi niya na nagawang magsalita pa nang marinig ang busy tone mula sa telepono. Napabuntong hininga na lang siya habang tinitingnan ang hawak, hindi niya tuloy napigilan na ikuyom ang ang palad sa hawak dahil sa pagka-irita. "Malas!" Napatiim bagang na la

