"Mama, tingnan mo ito!" masayang tawag ni Miko. Malapad ang ngiti ng kanyang anak habang kumakaway, tuwang-tuwa itong nagtatampisaw sa tubig habang naliligo sa ulan kasama si Lucien, siya at ang kinakapatid ang kasalukuyang nagbabantay sa mga bata. "Alam mo ateng, hindi na nakakatuwa ang ginagawa mo," nakangusong saad nito habang nakahalukipkip sa tabi niya. Batid niyang seryoso ang kinakapatid dahil sa kunot na pagkakakunot nito ng noo habang nakatingin sa anak niya. "Ano bang sinasabi mo Clifford." Hindi niya maintindihan ang dahilan ng init ng ulo nito ng araw na iyon. "Sabihin mo nga, bakit mo ba pinapahirapan ng ganoon si sir Luke?" Nagtaas na ito ng isa kilay pakabaling sa kanya. Napakagat labi na lang siya sabay lihis ng mata sa makahulugang titig nito. "Wa-wala naman

