"Ateng, parang ang blooming mo yata ngayon?" pansin ng kinakapatid sa kanya habang nagsusuklay ng buhok. Napataas na lang tuloy siya ng isang kilay. "Huh? Bakit ako, eh ikaw itong todo ayos." Muli na lang siyang bumalik sa paghuhugas ng plato. Napangisi na lang si Cilfford na mukhang may naalala. "Wala lang." Winisikan niya na lang ito ng tubig nang mapansin na nananaginip nanaman ito ng gising. "Tigilan mo nga ako Clifford, ikaw itong natutulala diyan," natatawang sita niya na lang. "Ay!" humahagikgik na lang itong napatili sabay sumawsaw rin ng kamay sa batya para gantihan siya. "Freyja!" Naestatwa na lang sila nang madinig ang amo. Madalian silang nag ayos ng mga sarili nang makita ito sa tabi nila at halata ang pagtataka sa mukha. "Sir?" agad siyang nagpunas ng sarili, p

