"Hoy ateng, bakit kanina ka pa hindi mapakali diyan," sita na lang ni Porsya sa kanya. Magdadapit hapon na subalit wala pa rin si sir Luke kaya naman hindi siya mapakali sa kakahintay sa may harap ng bahay. "Anong oras na kasi Porsya, bakit wala pa rin sila?" muli na lang siyang sumilip sa labas. "Baka kung ano na nangyari." Hindi niya mapigilan ang mag-alala dahil ni tawag ay walang natatanggap sa amo. Hindi niya malaman kung ayos lang ba ang dalawa lalo pa at napakakulit ng kanyang anak. Napahalukipkip na lang si Porsya sa pagka-aligaga ni Freyja. "Jusko naman ateng, hindi naman papabayaan ni sir si Miko, tsaka palagi naman silang umaalis kahit noon nandoon tayo sa Manila," sambit nito. Ngayon kasi ang nagpapabalik-balik sila sa Maynila at doon, kapag ipinapatawag ni mam Lucy. Madal

