Chapter 14
Gulong dito gulong doon. Kahit anong posisyon hindi ako pinapatulog ng lapastangang dila ng zion na yan.
Hayup sya! Anong ginawa nya sa katawang lupa ko bakit nagkakaganito.
Naiwang nakanganga ang bibig ko ng humiwalay ang labi nya sa akin. Habol hininga ako dahil sa bilis ng pangyayari. Anong kalokohan to!!!
Napatitig ako sa mata nya ng muli syang magsalita.
"I'm zion..
" And you are my Rose "
Ilang segundong natahimik.
Pero imbis na kiligin natawa ako.
Yung tawang hindi pilit. Halos maluha ako sa kakatawa. Taka syang tumitig sakin
" anong nangyayari sayo" tanong nya habang ako ay namimilipit na sa kakatawa.
" ano kamo? Im zion and you are rose ?... baka im jack and you are rose, my ghad zion iniiba mo character sa titanic " sabay tawa ko ulit.
" luh ang slow mo po " seryoso nyang saad. " anong jack and rose... syempre zion pangalan ko tapos ikaw rose dahil sa second name mong ellie rose vuvu lang?--- ouch!"
Sabay batok ko sakanya " makabobo ka wagas ha. Malay ko ba yun ibig mong sabihin akala ko nagkamali ka ng binabanggit eh" hininaan ko ang boses ko sa huling sinabi... oo napahiya ako bwisit.
Sya naman ngayon ang tawa ng tawa. Oh edi ako na pahiya.
Sa sobrang busy nya sa pagtawa nya. Bumaba na ako ng kotse ng hindi nya namamalayan. Balasyajan. Bwisit.
Hinagis ko sa sa sahig ang bag at pabalang na humiga sa kama. Sa sobrang pagod ay hindi ko na nakuhang magpalit ng damit at maghilamos, mayamaya agad din ako nakatulog.
Agad ako napabalikwas ng bangon ng makitang 9:00 am na pala. Haist malalate na ako sa first subject. Mabilis akong naligo at nagbihis. Sa kalsada na nagsuklay habang tumatakbo. Nang makarating na sa school ay muli akong tumakbo kahit hindi oa nakakahabol ng hininga.
. Napangiwi ako ng makitang tambak nanaman ng babaeng mahaharot ang daanan. Malamang dumating na ang heartthrob ng Xavier Univ.
Hindi na ako nagaksaya ng panahon, nilagay ko sa unahan ko ang bag pack ko at nagumpisa na makiraan sa kanila.
Panay ang excuse ko para lang padaanin nila, aba ang mga mahaharot sila pa nagagalit at nakakaistorbo ako sa sight seeing nila. Badtrip!
Hindi ko na lang pinansin at palihim na umirap. Wag lang kayo dadayo samin titisurin ko kayo. Bwisit!. Bulong ko sa isip.
Nang makawala na sa delubyo ay nakahinga na ako ng maluwag. Muli sana akong tatakbo ng may humigit sa pulupulsuhan ko, sa lakas ay halos mawalan ako ng balanse at napahawak sa dibdib nyang buto buto. De joke lang may laman naman kahit papano.
" miguel??" agad ako lumayo ng mapagtantong nakahawak ako sa dibdib nya.
" my name is zion " malamig nyang sagot sabay hila nya sa akin. Napalunok ako ng makitang ang lahat ay nakatingin na sa amin. Yung tipong gusto ka na nila katayin at gilitan ng buhay dahil sa magkawak kamay namin ng pinapantasya nila.
Pilit ko inaalis ang kamay ko, pero pilit nya ding nilalabanan ang pagkalas ko. Haist malamang isyu to. Isang zion villaverde nakitang may kahawak kamay na isang gusgusin at sa gitna pa ng lahat ng estudyante.!!.
Wala na ako nagawa at yumuko na lang. Gusto ko sana takpan ng buhok ang muka ko kaso nakaipit nga pala ako. Tsk!
Tumigil kami sa tapat ng music hall
" ano ba miguel! May klase pa ako. Lalo ako nalate sa kalokohan mo eh " bulyaw ko sakanya. Hindi naman nya ako pinansin at hinila papasok " don't worry exempted ka, may meeting tayo ngayon " saad nya habang papasok sa loob.
Muli nanaman ako nakaramdam ng hiya ng tumuon ang mata ng lahat saming dalawa. Kulang na lang confetti eh.
Habang papalapit, pabigat ng pabigat ang paa ko. Nakita ko si jigs na nagtatakang nakatitig sakin. Mayamaya ay lumuwag ang hawak nya sa kamay ko. Kanina ko pa gusto maalis yung hawak nya pero bakit ngayon nagsisisi ako ng bitawan nya?
Sinundan ko ng tingin ang mata nyang saan nakatuon. Parang minartilyo puso ko ng makitang magkatitigan sila ni angel. Ako na ang umiwas. kunyare dedma sa nakita. Mabilis ako umalis sa tabi nya at lumapit kay jigs.
Ilusyunada na kung ilisyunada pero iniisip ko sana na habulin nya ako at hawakan ulit sa kamay, pero hanggang sa maka upo na ako nauna na pala syang nagpunta sa anghel ng xavier. Okay kunyari dedma ulit. Pero shet! Masaket!
Our Meeting is all about types of songs genres, partners, when and where.
Bawat isa ay tumatayo sa harap kasama ang kabanda o kapartner nila.
" zion, i thought si ellie ang partner mo? " nagulat ako sa sinabi ni Sir lacerna. Tumingin ako kay zion na nakatalikod sa amin. Lumapit sya kay sir lacerna at may binulong, sa bawat pagtango ni sir ay parang karayom na tumutusok sa dibdib ko. Napalunok ang sakit ng lalamunan ko.
" Sir! Samin na lang si ellie " sigaw ni jigs na nasa tabi ko. Yun pala ang problema nila? Kung saan nila ako ilalagay? Ibig sabihin iniwan ako sa ere ng jologs na yon!
Napatingin ako sakanya ng umakbay sya sa akin at pilit akong ngumiti. Wala ako sa sarili habang naguusap usap ang kabanda ni jigs, pinili kong nakatalikod sa grupo nila jologs. Letseng jologs! . Jologs! Jologs! Jologs!
"Ellie?" Bumalik ako sa ulirat ng nakailang tawag sa akin si jigs, " a-ano ulit yun jigs? Sorry "
" okay lang ba talaga sayo na samin ka?" Tanong nya.
" oo naman, nu kaba jigsilog tropa tayo diba? " sabay tawa ko. Tumawa na rin ang kabanda nya ng tawagin ko syang jigsilog.. napailing iling na lang si jigs habang nakangiti.
" okay, so okay na tayo na tuwing hapon ang practice... ngayon dahil kasama na natin si ellie, anong panlalaban nating kanta " ang lahat ay natahimik, na parang nagiisip talaga.
" maganda kung duet kayo jigs " suggest ni jive na kabanda nya. Napatango naman si jigs.
Naalala ko ang pinraktice namin ni zion, just give me a reason ang title kaso hindi ako ako pamilyar sa lyrics. Maganda naman sya kaso sosolohin ko muna.
" ano kaya kung opm song... katulad ng kung di rin lang ikaw by december avenue " wala sa sarili kong suggestion.. katulad nga ng sabi ni zion napapanahon..
Napa palakpak naman ang lahat pati si jigs.. pinanliitan ko naman sila ng mata dahil alam ko pinagtitripan ako ng mga to.
Start na bukas ang practice, dahil sa pangaasar ko kay jigs na jigsilog yun na ang naisip nilang pangalan ng banda. Sandali ko nakalimutan ang inis kay zion pero sa tuwing nakikita ko sila na masayang naguusap ni angel, napipikon nanaman ako.
Araw araw after class kami nagpa practice. Sa sabado na ang inaabangang BATTLE OF THE BAND.
Byernes napagpasyahan namin na dumaan sa mall para mamili ng bagong guitara ni jigs. Remembrance daw dahil ako daw kasama nyang lalaban which is first time nila. Kadalasan kasi sila sila lagi magkakasama kaya nagkakasawaan na sila sa muka nila.
Pagkatapos mamimili ng guitara ay napagdesisyonan namin na kumain muna bago manood ng sine.
Pinagtitinginan kami ng mga tao kasi muka kaming nag cutting classes. Naka school uniform at 3 lalaki ang kasama ko, feeling one of the boys ako kasi sila lagi ko kasama.
Lalo na ako muka akong grade school dahil sa height ko.
Dahil estudyante at nagtitipid sa mcdo na lang kami kumain, alam ko naman may budget sila pero nakakatuwa dahil hindi nila sakin pinaparamdam na iba ang estado namin sa buhay. Gusto pa nga sana ako ilibre ni jigs, but i insist na KKB.
Napahinto kami ng magsalita si luis drummer ng banda. " teka tol diba si tita sandra yon? " tanong nya kay jigs sabay turo sa babaeng nasa loob ng restaurant. Agad din ako napatingin. Nagulat ako ng makita ang mommy ni zion. Kumakain ito sa loob ng restaurant at may kausap na lalaki, yun siguro ang boyfriend ng mommy ni zion. Hindi naman namin makita kung ano ang itchura ng kausap nya dahil nakatalikod ito sa amin.
" oo nga noh, tara doon tayo kumain para makalibre tayo ng foods " yakag ni jive. Agad din namang umiling si jigs " gagu wag na, mag mcdo na lang tayo baka ma op si ellie... mag mamano na lang ako kay ninang sandra. " sabay baling nya sa akin " tara ellie " sabay pasok namin sa loob. Wala naman kaming balak maki join don dahil makakaistorbo lang kami sa love birds.
Pagpasok sa loob ay tanaw din naman agad sila. Nauna na sila sa paglalakad, mukang close naman sila kay tita sandra dahil sa inaasal nila, nagpahuli na lang ako, syempre hindi naman ako feeling close.
Habang papalapit sa pwesto nila unti unti ko nakikita ang muka ng lalaking kausap ni tita sandra.
Sa bawat hakbang ko bumibigat ang mga paa ko kasabay ng mabigat na paghinga ko. Parang may nakabara sa lalamunan ko para walang lumabas na anumang salita.
Mula sa bulto ng katawan nya, sa buhok, sa pananamit, sa hugis ng muka at sa awra ng tawa nya. Alam kong sya to.
Palapit ng palapit pasikip ng pasikip.
Lalong sumakip ang paghinga ko ng makitang naghawak kamay sila habang nagkukwentuhan, para silang magasawa kung magturingan.
Hindi ako makakilos napako ang paa ko
Hindi ko kaya ang nakikita ko.
Hindi ko kayang makitang may iba ang daddy ko.