Chapter 15

2245 Words
Chapter 15 bumalik ako sa realidad ng tawagin ako ni jigs, pero bago pa lumingon ang kasama nya lahat sa akin agad ako tumalikod. Parang ako pa ang nahihiya sa nakikita ko. Nawalan ako ng lakas ng loob. Ayoko makita ng daddy kaya agad ako naglakad palabas. sapo sapo ko ang dibdib. walang reaksyon akong mahagilap kahit emosyon ko ay hindi ko maintindihan. ano ba uunahin ko? iiyak magagalit? masasaktan? hindi ko alam. naglakad ako ng mabilis papalayo sa kanila, naririnig ko ang sigaw ng pangalan ko at paghabol ni jigs " ellie... wait " huminto ako at palihim na huminga ng malalim paulit ulit bago humarap kay jigs, ngumiti ako na parang walang walang nakita. " bakit ka umalis?" tanong nya. " jigs... ano kasi eh gusto ko na sana mag c.r " pagsisinungaling ko. napakamot naman ng ulo si jigs" ganun ba, dito kasi yung cr eh " sabay turo nya sa kanan namin. pekeng ngumiti ulit ako..  " ah eh na jejevs na kasi ako. alam mo na nakakahiya baka may makaamoy " sabay tawang peke ulit. napa sulyap muna ako sa restaurant bago tumingin ulit kay jigs. " okay sige, tawagan ko lang tropa uwi na tayo " pagkatapos ay mabilis syang tumakbo pabalik. dahan dahan ako sumandal sa pader. biglang nanghina tuhod ko. pinilig pilig ang ulo at pilit pinapaniwala ang sarili na panaginip at mali ang naiisip ko. tahimik lang ako sa byahe namin pauwi. ramdam nila na wala ako sa mood kaya sila na lang ang naghaharutan. tulala akong umuwi sa bahay. walang kain kain, wala sa sarili. kinuha ko agad ang cellphone ko.  nagdadalawang isip tawagan ang mommy. kinakabahan ako sa pwede kong malaman. pero alam ko sa sarili ko hindi ako mapapapanatag. lakas loob kong tinawagan ang mommy. ang tagal nyang sagutin. kinakabahan ako lakad roon parito ako habang dinidial ang numero nya. lihim na nagpasalamat ng marinig ang boses nya. " haaay mom, buti sinagot mo na kanina pa ako tumatawag " pagaalala ko. ilang segundo bago sya sumagot. mukang humugot muna sya ng lakas bago nagsalita " hi ellie anak kamusta?. sorry hindi kami nakakapunta ng daddy mo dyan ha?, pero promise sa next saturday dadalaw na kmi jan. " napabuntong hininga naman ako " ako na lang pupunta dyan mom bukas---" hindi ko pa tapos ang sasabihin ko ng agad syang nagsalita " no ellie... i mean baka mapagod ka lang sa byahe. hayaan mo kami ng daddy mo ang magpunta dyan ha. wag mo kami aalahanin okay.  keep safe always anak i love you " " pero mommy.. mommy"  napatitig na lang ako sa screen ng fone ko ng biglang hindi na sya sumagot. ilang beses ko pa dinial pero hindi sinasagot. nakaramdam ako ng kaba. gusto ko sana tawagan si daddy para kamustahin sila pero may kung anong pumipigil sa akin. napatitig na lang ako sa kisame habang nakahiga. nagiisip kung ano dapat gawin habang hawak hawak sa ibabaw ng tyan ko ang cellphone. napatingin ako sa orasan. 5pm. kung uuwi ako ng laguna ilang oras aabutin ko. bahala na. ang natirang budget ko ay pinamasahe ko pauwi. wala akong ibang dala kundi pera, cellphone at lakas ng loob. nag habal ako para makabilis makarating sa terminal. sakto pagdating ko ay paalis na ang bus. panigurado mabilis ang byahe kasi tuloy tuloy na. sinuot ko ang headset at nakinig ng paborito kong awitin. gusto ko matulog sa byahe kaso ang daming tumatakbo sa utak ko tuwing pumipikit ako. kaya nagpaka busy na lang ako sa pagtanaw sa daan. ilang oras nakarating na ako ng bayan. inabot na ako ng gabi pero maliwanag pa rin ang kalsada at gising na gising pa rin ang mga tao. may ilan ilan na bumabati. matagal tagal na din kasi ako hindi nakakauwi. napangiti ako ng matanaw ang bahay. Pagkababa pa lang ng tricycle ng biglang may tumawag sa pangalan ko mula sa pamilyar na boses. " jana!" tili ko ng magkita kami agad ko sya niyakap ng mahigpit yung tipong masasakal na sya. sobrang miss ko kasi eh. " kamusta " bungad nya sabay tingin sa kabuuan ko. " timaba ka ah " napangiti naman ako " hiyang sa maynila eh" sagot ko " baka hiyang kay miguel " tuksonnya,  napairap na lang ako ng marinig ang pangalan ng jologs na yun. " ano pala ginagawa mo dito, wala ba kayo pasok? " sabay sukbit nya sa braso ko " wala kami pasok sabado linggo " " diba may laban kayo bukas sa school nyo ? " napatingin ako sakanya. Kinukwento ko kasi sakanya mga nagaganap sa school. " si mommy kasi nagaalala na ako. hindi ako kinokontak nitong nakaraan pa tapos nyng tumawag ako parang may problemang hindi sinasabi. tapos hindi man lang ako dinadalaw." taka namang tumingin sakin si jana. " eh diba lagi ka naman dinadalaw ng daddy mo " inosente nyang tanong. nakaramdam naman ako ng kaba ng marinig ang pangalan ng daddy " lagi kaya wala kasama si tita maggie.. pag dinadalaw ko naman sya dyan sainyo sabi nya nasa maynila lagi si tito enrico . kung hindi nasa tarabaho nasa yo daw " dire direcho nyang paliwanag. napatitig ako sakanya at maging sa bahay. pilit nilunok ang nakabara sa lalamunan. " s-salamat jana sa pagbantay kay mommy lalo na wala ako ha " " tinapik nya naman ako sa braso " asus wala yun eto naman parang bago. okay lang kasi libre meryenda ako lagi heheh " napangiti naman ako. " sige jana salamat pasok na ako " muli kami nagyakap at umuwi na sya sakanila. sandaling napatulala saka napagpasyahang pumasok. dahan dahan ako naglalakad papaloob. madilim ang sala pero naiwang bukas ang ilaw sa kusina maging ang taas. sinarado ko ang pinto kaya naglikha ng ingay " enrico ikaw na bayan?" mula sa mahinang boses ng mommy galing kusina. napatigil ako sa paglalalakad ng lumabas sya rito. ngumiti ako  ngunit agad ding napawi ng makita nag itchura nyang sobrang payat. nagulat sya ng makita ako. " mommy " sabay takbo papalapit skanya at yakap. lihim ako napangiti ng yumakap sya sa akin. " a-!anak anong ginagawa mo dito? wala na ba kayong klase? "lumayo ako mula sa pagkakayakap at kinuha ang hawak nyang gatas. " mommy bakit hindi nyo ako dindalaw " saad ko habang dining table at binaba ang baso sa lamesa " hindi bat sabi ko sayo antayin mo kami ng daddy mo ang magpunta don ? ang tigas ng ulo mo " sermon nya sakin pero malamyos pa rin ang boses. Ngumiti naman ako " namimiss ko na kasi kayo eh.. ako ba hindi nyo ako namimiss? " paglambing ko. Hinawakan ng mommy ang pisngi ko at mabini itong hinaplos. Ramdam ko na may tinatago ang mommy at pilit na nililihim sakin. Pero kitang kita ko sa mga mata nya ang lungkot at sakit. " may problema ba mommy " lakas loob kong tanong. " h-ha? Bakit mo naman natanong yan " sagot nya sabay iwas ng tingin. Alam ko meron, nararamdaman ko. At hindi ako mapapanatag hanggat hindi ko nalalaman ang totoo. " asan ang daddy " malamig kong tanong. Napayuko sya at uminom ng gatas. Hindi pa rin ako sinasagot. " mommy---" " matulog kana ellie. Bukas ng maaga bumalik kana sa boarding house mo at tanging pagaaral lang ang intindihin mo---" mabilis kong pinutol ang sinasaabi nya " my, may problema ba? Pwede nyo naman saabihin sakin. Anak mo ko---" pinutol nya din agad ang sasbihin ko. " ellie. Wag kana makipagtigasan ang sabi ko matulog kana sa kwarto mo !!" nakaramdam ako ng takot ng pagtaasan nya ako ng boses alam ko kapag ganito ay galit na sya. Agad nagbago ang expression ng muka nya ng makitang natakot ako at agad na nalungkot. " matutulog na ako, pumunta kana lang sa kwarto mo, malinis at maayos pa rin yun. " Pagkatapos nya magsalita ay tinalikuran na nya ako at umakyat na sa kwarto. Naiwan akong nakatunghay sakanya. Napayukom ako ng kamao, bakit nila nagagawa sakin ang paglihiman ako?. Wala ba silang tiwala sa akin? Bakit lahat sila? Si zion na nagpanggap na miguel. Pati ba naman ang mommy at daddy ko?? Napayuko na lang ako sa lamesa. At pilit pina tatagan ang sarili. Maaga akong umalis ng bahay. Nagising ako ng wala na si mommy. Hindi nanaman kami nakapag usap. Parang balewala lang pagpunta ko dito, wala akong napala. Walang pasok si jana kaya sya ang naghatid sakin sa terminal. Kumuway ako skanya bago umalis ang bus. Napasandal ako at pinikit ang mata. Lilipas din to. Maayos din to. Pagdating sa boarding house, naglinis ako at inayos ang gamit. Napabalikwas ako ng biglang bumukas ang pinto. " jigs! Anong ginagawa---" " kanina pa kita tinatawagan hindi mo sinasagot " habol hininga sya habang nagsasalita halatang galing sa malayong pagtakbo sa pagmamadali. " mamaya na yung battle of the band. Magpra practice pa tayo! " napatayo ako dahil sa narinig. s**t! Oo nga pala ngayon nga pala yon. Occupied masyado ang utak ko sa bagay bagay, nakalimutan ko na yung magaganap ngayon. Agad ako kumilos. Iniwan ang mga hindi ko pa natatapos na nililinisan. Nagayos ng sarili. Hindi na ako nagpalit. nagdala na lang ako ng damit para sa susuotin mamaya. Nag rent kami ng studio malapit sa school. Meron na kasi nauna samin na doon magpractice. Doon namin finanalized ang kanta. 4pm nagtungo na kami sa school. Sa c.r nagpalit ng damit. Napapikit ako ng makita ang dalang damit. Dress na black ang dala ko. Mabuti hindi ito ganun kaiksi above the knee, pwede na to. Nakasuot ako ng chuck taylor at nilugay na lang ang buhok. Habang nasa loob ng cubicle, may pumasok na ilang babae. Base sa boses nasa 3 o apat ata sila. " talaga? Pinakilala ka ni zion na girlfriend sa mommy nya " napahinto ako sa aking narinig " taray mo talaga angel, ikaw na talaga ang pinagpala sa lahat " sabay tawa nila. Tahimik lang akong  pinapakinggan sila. Kahit tapos na sa pagbibihis nanatili pa rin ako sa loob. " akala ko nga hindi na matutuloy yung plano" napahawak ako sa dibdib ng makumpirmang si angel nga ang nasa loob at si zion ang pinaguusapan. Ang boses nyang mahinhin. " sus, anong binatbat ng babaeng yun sayo height pa lang te wala na " sabay tawa ulit nila. Napataas ako ng kilay dahil sa panlalait nila sa akin. " chaka pa ng face " pahabol pa ng isa. Gusto ko sana lumabas at pagkokotongan sila isa isa, kaso naalala ko lugi ako madami sila magisa lang ako. Kaya aantayin ko na lang sila umalis bago lumabas. " kampante naman ako, after this graduation naman magpapakasal na kami. From fixed marriage turned to true lovers " Napasinghap ako sa aking narinig. Maya maya ay lumabas na sila. Doon na ako naglakas loob na lumabas na rin. Natitigan ko ang sarili sa salamin tulala at maputla. Wala sa sariling lumabas ng banyo, kumpleto na pala sila ako na lang inaantay. Kitang kita ko kung paano ako pakatitigan ng tropa, pero hindi ko na lang pinansin " wow ellie chix ka pala " pangaasar ni luis, pinanliitan ko naman sya ng mata, siniko naman ni jive si jigs na kanina pa sakin nakatitig " tol baka matunaw si ellie " sabay tawa nya, Dahilan para mapaiwas ng tingin sakin si jigs " ewan ko sayo tara na nga! " nagkibit balikat na lang ako at nagtungo na kami sa music hall. Sobrang daming tao, hindi ko ini expect akala ko students lang ng xavier ang pupunta. May mga outsider din at yung iba mga kamag anak o magulang ng mga kasali. Sandali ako nakaramdam ng kaba, pero ng makita ang kabanda na determinado at excited sila sa magaganap na battle of the band, napawi ang lahat ng nerbyos ko. Napatingin kami sa paparating na grupo nila zion, napaiwas ako ng tingin na makitang magkasama sila ni angel. Sandaling nagtama ang mata namin pero ako na ang unang umiwas. Panay haplos ko sa braso at kamay, malamig ang hall pero tagatak ang pawis ko sa muka at palad. First time ko lang kasi umapak sa entablado at sasali  sa ganitong contest. Sanay kasi ako na taga nood lang at support . Kakahiya baka halata na ang pawis ko sa kilikili, buti itim suot ko at sleeveless. Samantalang sila jigs cool na cool sa tabi ko, halatang sanay na sanay. Ilan na ang bandang tumugtog mula sa ibat ibang course. Ang kaba ko ay padagdag ng padagdag ang gagaling naman kasi. Hanggang sa tinawag na ang banda nila zion, nagsipalakpakan ang lahat. Tumahimik ang lahat nang mamatay ang ilaw. medyo madilim hindi mo masyado maaninag ang stage. Hanggang sa tumugtog ang piano tanging tunog lang nito ang maririnig at nanatiling madilim pa rin. Nakakakilabot. Intro ng Just give me a reason. Hanggang sa bumukas ang ilaw, ang tanging spotlight na nakatuon lang kay angel at nagsimula ng kumanta. Nakatayo sya sa gitna habang nakahawak sa stand ng mic. Nakaramdam ako ng inggit , ang ganda ng boses nya, ang concept ng kanta nya ay binagay sa awra ng make up nya. Pagkatapos ay si zion naman, bumukas ang pangalawang spotlight at tumutok sakanya, mas lumiwanag ang stage at makikita mo ang kabuuan nito. Sya ang nagpa piano sa gilid. Lalong gumanda ang rendition nito dahil sa may pa violin pa itong kasama. Kung ako kaya ang partner nya ganito rin kaya kaganda ang kalalabasan?. Masyado nilang ginalingan! Imbis na kabahan, iba ang nararamdaman ko. Tuwing pinagmamasdan ko sila bagay na bagay sila. Tama naman sila wala ako sa kalingkingan ni angel. Dapat maging masaya na lang ako para sakanila  at hayaan na lang nakatago ang sakit na nararamdaman. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha. Yumuko ako at palihim na pinunasan ang luha. Ibabalik ko na lang ang dati, yung parang hindi kami magkakilala at parang hindi ako nag exist sa buhay nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD