Chapter 7
Ellie
First day as senior high school. As usual magkaklase kami ni jana. Hindi naman kami nahirapan hanapin ang section namin at halos kami kami na rin ang mag kaklase, sa isang private catholic school kami nagaaral.
Umagang umaga ay may pa misa dito sa stadium, boring day dahil panigurado kalahating araw kami nandito. Ganito lagi tuwing unang araw ng pasukan sa school namin.
Syempre dahil batas kami ni jana tumakas kami, habol hininga kami habang tawa ng tawa dahil sa pakikipagpatintero sa mga madre at teachers dahil sa pagtatago.
Nilabas namin ang dala naming baon at tumambay sa likod ng school, maaliwalas naman dito at mapuno, kaya lang wala masyadong mauupuan kaya sa damuhan na lang kami umupo.
" talaga nag kiss kayo?" Gulat na tanong ni jana habang ngumunguya ng sandwich. Kinwento ko kasi yung pagtakas ko at pagtambay ni jologs sa kwarto. Tumango ako habang may ngiti sa labi.
" oh tapos? Ano nangyari ?" Halata sakanya na excited sya malaman ang susunod na nangyari.
Isang linggo na kasi nakakalipas mula ng huling magkita kami ni jologs.
" wala na yun lang, hanggang doon lang no ano ineexpect mo" sabay tawa ko
" ang hina mo, kung ako yan nako susunggaban ko na sya agad at di papakawalan, ang gwapo kaya nya....teka ano ba pangalan nya?"
Nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko bago nagsalita " hindi ko alam, basta jologs tawag ko sakanya "
" ibang klase ka talaga ellie, nagkiss na kayo tapos hindi mo pala alam name nya " sabay kami natawa dahil sa kalokohang nagawa ko. " pero alam nya ang pangalan ko kahit hindi ko naman nasabi "
" baka stalker mo" mabilis nyang sagot " secret admirer?" Singit ko. Nagtawanan ulit kami.
halos maghapon kaming nakatambay ni jana, puro kwentuhan at panlalait sa mga kaklase naming nakikita sa newsfeed sa IG.
Paguwi ay nagulat ako dahil may kausap ang daddy sa sala. " ellie anak " masayang bati sakin ni mommy ng makita ako sa pintuan. Kaya napalingon sakin ang daddy at ang kausap nya.
Halos maestatwa ako sa aking nakita kung sino ang bisita. " jologs?" Mahina kong sambit. Tumayo naman sya at ngumiti sa akin. Tiningnan ko ang kabuuan nya,
Maayos ang kanyang buhok naka brush up, naka polo shirt at faded jeans at converse. Okay mejo okay ang porma nya ngayon. Pero jologs talaga hahahaha.
Bumalik ako sa ulirat mg magsalita ang daddy " hindi mo sinasabi na may manliligaw ka na pala ellie " malamig na sabi nya.
Literal na napanga nga ako. Ano daw? Manliligaw?. Kitang kita ko ang pag ngiti ni jologs na kita ang mapuputi nyang ngipin. Teka seryoso ba sya?.
" baka tumulo laway mo " hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala siya. " ano nanamang trip mo jologs" mahina kong bulong sakanya. Rinig ko ang pagtawa nya. " ayaw mo ba?" Kung anong kiliti akong naramdaman sa tiyan ko para masamid ako sa sariling laway.
Nilagpasan ko sya at dirediretsyo sa kwarto. Pasalampak ako napaupo sa kama, sabay bato ng bag sa sahig, ginulo gulo ang buhok dahil sa nakakalokang ginawa ni jologs. Nakakainis tinaon nya pa andito si daddy, haist!
Mapatapos magbihis ay dumiretsyo sa kusina at kumuha ng juice. " ellie" tawag ng daddy mula sa sala. Eto na nga ba sinasabi ko malamang kakausapin ako ng daddy tungkol sa ligaw na yan. Last time kasi na may nagtangkang manligaw sakin katakot takot na sermon at payo ang sinabi nila sa amin
Hindi ko pinansin si jologs at diretsyo umupo sa tabi ng daddy, napansin ko na nakatitig sya sa akin at parang hindi mo makakitaan ng anu mang kaba ng makaharap ang magulang ko. Samantalang yung mga dati kong nanliligaw, makita pa lang ang daddy ay umaatras na o tumatakbo yung iba namumutla na sa takot.
" courtship is preparation for a successful marriage." Bungad ni daddy, ayan na nga ba ang sinasabi ko magsisimula na syang mag legal advice akala mo humihumingi kami ng payo sa isang attorney bago magpakasal. Tsk!
Ang dami dami nyang sinasabi na hindi ko maintindihan, anjan yung banbagsakan ka nya ng batas papayuhan ka bago magpakasal at ano magiging kaso pag nagloko ka o nahuling nangaliwa ng asawa.
Kung saan saan ako tumitingin dahil hindi ako mapakali sa usapan namin, samantalang yung isa cool na cool sa upuan at titig na titig sa akin at parang hindi nya kaharap ang magulang ko, iniirapan ko sya tuwing magtatagpo ang mata namin.
Nakakainis alam kong kalokohan lang tong ginagawa nya, dinamay pa talaga ako sa lakas ng trip nya. Malamang bored to kaya kung ano ano naisipan gawin.
" ellie! Nakikinig kaba?" Napaigtad ako ng sigawan ako ni daddy.
" ha-ha? Ano po yun daddy? " napailing na lang ang daddy dahil halatang hindi ako naka focus. Gaano ba kaseryoso tong usapan na to para mapagalitan? Haist
" enrico hindi kailangan pilitin si ellie kung hindi sya pa handa pumasok sa ganitong relasyon " sabay pisil nya sa kamay ng daddy. nagulat ako sa aking narinig, teka? Pinagsusundo nya ba kami? Ano to fix marriage?
" ano pong ibig sabihin nyo mommy? Dad?" Naguguluhan kong tanong sakanila. Magsasalita sana si daddy nang unahan sya ni jologs
" after mo grumaduate ng high school, sa Xavier University ka magka college, sa pinapasukan ko ikaw magaaral para mabantayan kita at walang magtangkang manligaw na iba pa sayo maliban sakin " diretsyo nyang sagot sabay kindat. literal na napa nganga ako ano daw? Seryoso ba sya?
Hindi ako nakasagot, hindi ko alam kung ano sasabihin. Hindi pa pumapasok sa utak ko ang lahat ng napagusapan, at hindi ko alam kung bakit napapayag ang magulang ko na maligawan ako ng abnormal na to.
" Dito kana maghapunan ijo, patilain mo muna ang ulan saka ka umuwi " sabay ngiti ng mommy sakanya. Habang ako ay masamang nakatitig sakanya. Ang walang hiya pa ngisi ngisi pa halatang inaasar ako. Badtrip!
" ano ang trabaho ng magulang mo ijo?" Tanong ng daddy habang kumakain ng hapunan. Uminom muna sya ng tubig bago sumagot.
" my dad owned mining industry " simpleng sagot nya. Napahanga naman ako, grabe ganon ba sila kayaman?. Hindi halata ah, sa porma nya? Muka talaga syang myembro ng sindikato pero gwapo.
" how about your mom?" Napatigil sya sa pag nguya pero agad din bumalik " sick" this time napatingin ako sakanya. Parang wala sya sa mood pagusapan ang tungkol sa magulang nya dahil sa mabilis at simpleng pagsagot nya which is nakakapanibago. Alam ko kasi na maloko syang tao pero ngayon iba.
Ang mommy na ang nagayos sa lamesa at kusina, ang daddy nasa office nya sa kwarto. Kami naman ay nakatambay sa labas ng bahay, habang pinagmamasdan ang mahinang ulan.
" tahimik mo ata? " basag nya sa katahimikan. Pinanliitan ko naman sya ng mata.
" ano nanaman pumasok sa isip mo at dinamay mo ako sa trip mo? " ngumiti naman sya sabay yuko. Sayang di ko masyado makita dimple nya.
" hindi ka naniniwala na nililigawan talaga kita?" Tumingin naman sya sa akin pailalim para makita ko lalo ang matangos nyang ilong. Umiwas ako ng tingin " puro ka kalokohan "
" i really meant it. I will wait you, hanggang sa pwede na tayong ikasal " nagtataka akong tumingin sakanya, biglang bumilis ang takbo ng puso ko ng magtama ang mata namin. Hindi ko alam pero ramdam ko sa mata nya ang sinseridad sa bawat sinasabi nya. Kung magtitigan kami parang naguusap ang mga mata namin. Napalunok ako.
" k-kung magsalita parang hindi na tayo magkikita ah " mautal utal pa ako sa aking sinabi at pilit na tumawa.
Hindi sya sumagot, nakaramdam ako ng kaba ng balutin kami ng katahimikan.
" isang taon lang naman---" agad ko pintol ang sinabi nya.
" anong ibig mong sabihin? Aalis ka? " naguguluhan kong tanong, ginulo nya naman ang buhok ko dahilan para mainis ako sakanya na syang kinatawa nya.
" magaaral din po kasi ako my future misis " oo nga pala, akala ko kasi tambay lang to sa kanto eh. Teka future misis?
" magkikita rin naman tayo after 1 year, pagka graduate mo sa school kung saan ako nagaaral doon k papasok" sabay ngiti nya, tumango tango naman ako
" saan ba yun? Malapit lang ba dito sa laguna?" Mabilis syang umiling
" sa manila " taka akong tumingin sakanya.
" manila? Teka baka mahal dyan hindi namin kakayanin---" agad nya pinutol ang sasabihin ko.
" ako ng bahala, tutulungan kita makapasok as scholar " sabay kindat nya. Seryoso akong napatingin sakanya
" bakit mo to ginagawa? Kailan lang tayo nagkakilala, ni pangalan mo nga hindi ko alam " katulad ko sumeryoso na din sya.
" hindi ka talaga nakikinig sa usapan kanina no? Ilang beses na ako tinawag ni daddy sa pangalan ko eh" namilog ang mata ko sa narinig.
" daddy? Aba nakiki daddy ka na ha " sabay kaming natawa ng marealize ang nasabi nya.
Hanggang sa unti unti kami napatigil habang nakatitig sa mga mata. Biglang bumilis ang t***k mg puso ko ng makitang papalapit sya sa aking muka. Bahagya kong tinulak ang dibdib nya sabay iwas ng aking muka
" b-baka may m-makakita " hinawakan nya ang baba ko sabay hinarap sakanya. " edi maganda ng malaman nila na tayo na " akmang magsasalita sana ako ng biglang siilin nya ako ng halik. Dahilan para magkanda buholbuhol ang lahat ng laman loob ko.
Ang kaninang nakamulat kong mata ay dahan dahan ng pumikit at sinabayan ang bawat galaw ng kanyang labi.
Mainit, malambot at mapusok na halik. Nanghihina ako sa bawat tagpo ng aming mga labi, diniinan nya ang hawak sa batok at bewang ko dahilan para mapaungol ako. Ramdam ko ang pag ngiti nya. Nakaramdam ako ng hiya.
" can't wait to be your mine ellie " pinagdikit nya ang aming mga noo
" tandaan mo to ellie... sa akin ka lang.. akin ka lang " kasabay nito ang muli nyang paghalik sa akin.