Chapter 8

1841 Words
Chapter 8 Ellie " huy tulala ka dyan ellie " sabay sagi sakin ni jana habang nakatitig sa hawak kong bracelete na bigay ni miguel. Yes miguel, yun ang sinabi nyang pangalan nya, ang huling sinabi nya bago kami maghiwalay nung gabi nagpaalam na sya, babalik na sya sa maynila para magaral. Tinitigan ko lang sya at inirapan " bawal matulala?" Tumawa naman sya " muka ka kayang tanga dyan, sabagay tanga ka talaga naghihintay ka lang sa wala " sabay tawa ulit nya. Bwisit kung hindi ko lang talaga to kaibigan si jana baka pinasalvage ko na to eh. " ang weird ng relasyon nyo no? Walang label tapos umaasa ka---" hindi na nya natapos ang sasabihin dahil sinalpak ko ng nilukot kong papel ang bunganga, ang ingay kasi " manahimik ka jana, wala ako sa mood " sabay yuko sa table ko. Mabuti at freetime namin ngayon, wala kasi yung teacher namin sa english kaya libre kami magdaldalan. " itext mo kasi o tawagan ng magka energy ka! O kaya message mo sa sss, Pati ako nadadamay sa bugnot mo " sinamaan ko naman sya ng tingin " hindi ko nga alam ang number diba? Paulet ulet?" Sabay balik ulit sa pagkayuko. Haaay ilang buwan na akong ganito. Hindi ko alam pero natatamad na akong mabuhay. Char!  Wala ako gana pumasok masyado akong naapektuhan na wala kami communication ni miguel. Yun kasi ang napagusapan namin i mean sya lang ang may gusto ng ganung set up. For 1 year no contact, hidni nya binigay number nya para man lang kahit sa text magkausap kami. Even sa sss wala din, kahit anong search ko gawin walang lumalabas na account nya. Hindi ko alam kung nagkataon lang o wala talaga syang hilig sa SOCMED " alam mo nahihiwagahan ako dyan sa lalaking yan, feeling ko may something " bigla naman sya umarte na akala mo nakatuklas ng invention. " siguro may gf sya, o kaya may asawa na? O di kaya may anak na" napatitig ako kay jana habang nagiisip sya na kung ano pa ang tinatago ni miguel sa akin. Napaisip ako, hindi kaya?... " hindi naman siguro---" " hindi naman siguro na ano? Na imposible nyang hindi gawin yon sayo? O posible nga yung sinasabi ko sayo ?" Kunoo noo akong napatitig sakanya, naguluhan pa ako sa sinabi nya hanggang sa unti unti ko naunawaan. Nakaramdam ako ng kirot sa puso at lalong nakaramdam ng lungkot at lalong nawalan ng gana. Agad ako tumayo at kinuha ang bag. " huy saan ka pupunta " takang tanong skain ni jana. " uuwi na ako pag hinanap ako nila sir  sabihin mo namatay si mang tonyo nakiramay ako " pagkatapos kunin ang libro sa ibabaw ng table ay agad ako umalis. Hindi ko na inantay pa si jana, nawalan talaga ako ng gana. Natakasan ko yung guard namin, sinabi ko kasi na tawag sya ng principal namin para magtapon ng basura, sorry manong guard wala akong maisip na dahilan para matakasan kita. Sa daan ay tahimik at tulala akong naglalakad, ilang minuto din ako naglakad, mabuti medyo hapon na kaya hindi na ganun kaiinit. Dirediretsyo akong pumasok sa bahay. " daddy?" Sigaw ko ng makita ko sya na nagkakape sa sala, gulat syang napatingin sakin pero agad ding ngumiti. Tumakbo ako papunta skanaya, miss na miss ko na si daddy kaya agad ko sya niyakap ni hindi ko pa nga nabababa ang aking bag " anak aga mo ata ngayon ah" sabay gulo nya sa buhok ko. Sinubsob ko naman lalo ang muka ko sa dibdib ni daddy, ramdam ko ang pagtaka nya, alam nya kasi pag ginagawa nya yon automatic na maiinis na ako. Pero ngayon ay hindi ako pumalag. Tahimik lang ako. " may problema ba ellie?" Tanong ng daddy, umiling ako sabay angat ng tingin sakanya at ngumiti, yung ngiti na malaki pero sa totoo lang ay pilit. Tinitigan nya lang naman ako, sabay buntong hininga nya. Napatingin naman ako sa sobre na hawak ni daddy, binaba ko muna ang bag bago kinuha ito. " ano to dad? " tanong ko habang tinititigan ang sobre. Nanlaki ang mata ko na mapagtanto na  ang sulat ay galing sa Xavier University. Agad ko binuksan at binasa ang sulat na para sa akin. Napanganga ako  at halos manginig nginig ang kamay hawak ang sulat " congrats anak " bati ni mommy sabay upo sa tabi ng daddy " teka paano nangyari na nakapasa ako sa scholar nila eh hindi pa ako nageexam o mag inquire man lang---" agad ako napahinto sa sinabi ko ng maalala ang sinabi ni miguel. " tutulungan kita para makapasok as scholar " Maluha luha ako habang napatitig sa mga magulang ko na nakangiti na rin habang nakatingin sa akin. Bigla ako nakaramdam ng saya, ang kaninag lungkot ko na ilang buwan ko tiniis ay unti unting nawala. Tinupad ni miguel ang sinabi nya, magkikita na kami... sa sobrang saya ko ay napatili ako at napayakap sa magulang ko. Natawa pa sila dahil sa hidni ko napagilan ang sobrang sayang naramdaman ko. "  sigurado kolehiyo na rin ang anak ni ate katulad mo ellie dahil halos magkasing edad lang kayo ng pamangkin kong yun " saad ni mommy habang kumakain kami ng hapunan. " sayang nga lang dahil matagal na akong walang balita sakanila, baka parehas pa kayo nakapasok sa school sa maynila" ramdam ko ang lungkot sakanya dahil sa matagal na nya hindi nakakasama ang nagiisa nyang kapatid. Balita ko ay nag abroad ito, matapos mamatay ng kanyang asawa. Bata pa lang daw ako ng huli naming kita sa kanila, hanggang sa mawalan sila ng komunikasyon. Nasa kwarto ako ngayon habang kasama si jana. Nagpatulong ako dahil may notes akong dapat kopyahin, malapit na rin ang 3rd grading namin. Pero malapit na mag madaling araw hindi pa ako tapos, paano ba naman inuuna ko pa manood ng kdrama. Mabuti na lang dito sya matutulog magpapasama kasi ako bukas na mag unquire sa Xavier University. Gusto nga sana ni mommy sila ang kasama ko. Kaso kakahiya naman parents pa kasama ko diba, grade 1 lang? Habang nasa byahe hindi na ako mapakali, mabuti na lang talaga kasama ko si jana kung hindi baka nagkanda ligaw ligaw na ako, hindi naman kasi ako sanay bumyahe magisa. Lalo na dito sa maynila. Bumaba kami sa isang exclusive school at halatang mayayaman lang nagaaral, agad ako ginapangan ng kaba at napalunok ng makita kung gaano ito ka elegante at kalaki. " jana wag ko na lang kaya ituloy?, parang hindi ako bagay dito eh sa UPLB na lang kaya ako mag aral?"  Tinanggal naman ni jana ang kamay kong kahawak sa braso nya at pinakatitigan. " girl, andito na tayo aatras kapa ba? Tsaka sasyangin mo ba ang ginawa ni miguel para makapag aral ka dito? " napatingin ako sakanya. " sasayangin mo ba ang opportunity na marami ang naghahangad na makapasok din dito " sabay tingin nya sa akin. Mayamaya ay sabay kami nag AJA! at parehas natawa. It means kakayanin namin ang lahat at malalagpasan namin ang kabang nararamdaman. Pagpasok mo sa gate ay napakalawak na lugar agad na ang makikita mo sa entrance ay parang papasok ka sa isang modern na park at sa gitna ang kanilang flag pole. " id " malumanay na sabi ng lady guard. Nginitian ko ito at pinakita ang school id, takang tumitig sya sa akin " mag iinquire po " sabay pakita ng letter ng school na agad naman sya ngumiti at pinapasok din kami " swerteng bata " rinig ko mula sa guard hindi na namin ito pinansin ni jana at nagpatuloy na sa paglalakad. Sa gilid lang kami naglalakad dahil nakakahiyang makipagsisiksikan sa mga estudyante. Bukod sa kanilang kutis ay halata sa mga itchura, pananamit, at gamit nila ang karangyaan sa buhay. Sa suot nilang uniform ay para silang nasa japan. Napatingin naman kami sa mga babaeng estudyante na biglang nagsigawan " KYAAAHHH!!! andyan na sila!!!" Sabay takbuhan at siksikan ng mga ito. Pati tuloy kami ni jana naki utchosero baka kasi may artistang nagaaral dito edi jackpot kami diba. Halos natutulak na kami kaya lumayo pa kami sakanila. Binigyan namin sila ng space kakahiya naman sa laki ng field parang kulang pa sa kanila. Nakita namin ang 3 kotse na pumarada. Sa dulo ay isang ford na kulay puti. Unang bumaba ang 2 lalaki na nasa bandang unahan. Halos lahat ay nagtiliian. Naka varsity jacket sila at gwapong gwapo sakanilang porma. Pati tuloy kami ni jana napa ngiti kasi ang gwapo naman talaga. Sayang lang at medyo malayo kami kaya hindi namin makita ng malipatan. Bigla ko naaalala si miguel siguro kapag pumapasok din sya ganito din sya dumugin ng mga chix dito. Sobrang gwapo naman kasi ng loves ko... loves?? Char! Naalala ko din yung fiesta sa amin. Ganito din mga kaingay kapag may artistang dadalo tuwing may paganap si kap sa plaza. Hanggang sa bumababa ang nagmamay ari ng kotseng puti, dahilan para lalo kami masiksisk sa gilid at lalong hindi makita ang kaganapan. Sobrang tangkad kasi namin para makita diba. Sayang mukang sobrang gwapo pa naman yung lalaki. Malay mo si james reid yun diba. Diary ng panget lang ang peg. Niyaya ko na si jana na ngayon ay tulo laway sa mga lalaking dumating. Habang naglalakad sa pathway ay nagpalingalinga kami sa paligid. Para kaming bata na nawawala. Hindi namin alam kung saan kami pupunta. Hanggang sa may nakita kaming babaeng nakatayo sa gilid habang nagsecellphone " hi excuse me " bati ko sa babae. Para naman kaming nakakita ng anghel na bumaba sa lupa ng humarap sya sa amin. s**t! Barbie ka bhe ?how to be you po? " hi " mahinhing bati nya rin sa amin. Ilang segundo muna kami natulala bago bumalik sa ulirat. " ah- eh saan po dito ang faculty? .. ano po kasi mag iinquire lang kami about sa scholar " mautal utal kong saad. Napakapit ako kay jana upang humingi ng tulong dahil nakakatibo ang ganda nya. Kaso ang gaga na stroke na ata. " ah! Diretsyo ka lang dyan. Sundan mo tong pathway. Sa dulo may puting pinto tapos yun na " sabay ngiti nya na may labas dimple. Huhuhu sana all may dimple. Pimple lang kasi meron ako. Napatango tango na lang ako at nagpasalamat. Para naman akong may hilang bato dahil tulala pa rin si jana. Pag dating sa office. Hindi naman ako nahirapan sa interview nag fill up lang ako tapos okay na. Madali lang ang process. Tinanong ko pa kung pwede magapply ng isa pa scholar para kay jana kaso kailangan daw ng sponsor para ma grant ang scholar. Nang matapos ay napagpasyahan namin ni jana maglibot muna sa university. Grabe parang nasa ibang bansa ka. Kumpleto sila sa facility. May mga coffeshop din silang sarili at mga lugar na pwede pa pagtambayan. Lalo tuloy ako na excite dahil dito ako makakapag aral. Ala singko na napagpasyahan na namin ni jana umuwi. Bumili lang kami ng tubig mahal ng foods nila te presyong lugaw. Buti may crackers pa kaming natira binili namin sa bus, yun na lang nilantakan namin. Napahawak ako sa braso ni jana at sandali napatigil " bakit ellie?" Hindi ko sya sinagot at nanatiling nakatitig sa ka di kalayuan. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. At napahawak sa bracelete na suot ko. Hindi ako nagkakamali sya ito. "Miguel" i murmered. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD