Chapter 26 Krystel Ilang araw na ang nakakalipas mula ng lumipat ako dito kela lola norbeng, simula ng umuwi sakanila si mary. Kailangan nya kasi asikasuhin ang naiwang bahay nila at ibenta ang mga gamit na mapapakinabangan pa, ilang buwan na kasi hindi nagpaparamdam ang tita mavi, napahinto na rin sya sa pagaaral. Pilit ko man kumbinsihin na tutulungan ko sya sa pagaaral ay pilit sya tumanggi. Dahil naiwan ako magisa sa boarding house pinilit ako ni jay na doon muna manirahan sakanila, noong una ay tumanggi ako bukod sa nakakahiya ay nasa iisang bahay lang kami magkasama. Kaya ngayon ay napagpasyahan nya na doon na tumira sa bahay ng mga villaverde, para hindi ako mailang. Pababa pa lang ng hagdan ay amoy mo na ang mabangong niluluto ni lola, dito sa bahay ay ito ang kanyang libangan

