Chapter 27 Krystal " inaatake ka nanaman ba ng anxiety mo? " tanong sakin ni mary habang nakadungaw ako sa bintana. Bahagya nya pa kinumpas ang kamay nya para mawala ang usok na binuga ko galing sa hawak kong yosi bago sya lumapit sa akin. Madaling araw na at gising pa rin ako. Hindi ako pinapatulog at patuloy na binabagabag sa muling pagkikita namin ni zion.Ilang taon na ang lumipas simula nang huli kami magkita, nung araw na mag propose sakin si jay. The epic proposal. Yung humindi ka tapos biglang umoo. Timang lang diba.? Ngumisi lang ako at umiling. " nakita ko nanaman ang mokong, kahit anong iwas ko, nahahanap at nahahanap nya pa rin ako. " tumabi naman sakin si mary at sumandal na din sa binatana. Kasama ko na ngayon si mary sa bago naming boarding house. Lumipat kami mula ng Bu

