Chapter 18

1590 Words
Chapter 18 Pawis na pawis na ako habang hinahanap ang address ng sinasabing pinsan ko. Sya na lang ang naisip kong puntahan yung walang makakakilala sa akin. Naalala ko nung binigay sakin to ni mommy nung panahong nagpunta kami ni jana sa school ng xavier. Baka daw mapadaan kami sa lugar na ito, ang balita nya kasi sa ibang kamag anak nila. Dito nakatira ang anak ng kapatid nya. Dahil inuna namin ni jana ang lakwatsa hindi na anmin napuntahan ito. Hindi ko alam kung anong itchura nya, tanging pangalan at address lang ang pinanghahawakan ko. Nandito ako ngayon malapit sa pasig. Dito kasi ako tinuro ng konduktor pagkababa ko ng cubao. " ate alam nyo po ba san banda ang address na to? " sabay pakita ng papel na hawak ko. Tumango tango naman ito saka minwestra ang kamay. "Malapit na yan dito ne, sakay ka jeep tapos pababa ka na lang sa pangalawang kanto "  sinundan ko ng tingin yung tinuro ng ale, " salamat po " at nagsimula na ako naghanap ng jeep. Bumaba ako sa kanto at nilakad ang kahabaan ang street. Sa ilalim ng katirikan ng araw habang bitbit ang bagpack na puno ng gamit. Binaybay ko ang lugar para makipagsapalarang hanapin ang pinsan kong walang kasiguraduhan kung nandito nga ba. Huminto ako sa isang bahay, akmang kakatok ako ng may umagaw sa atensyon ko sa kabilang bahay na parang nagtatalo. " aling ising sige nanaman po pagbigyan nyo na ako, promise sa sa susunod na linggo pag nagpadala si mama babayaran ko na kayo. " pagmamakaawa ng isang magandang babae na mas matangkad sa akin. Hindi ko na sana papansinin ito ng marinig ko ang tawag sakanya ng landlady. " nako mary tigilan mo ako, isang buwan mo pa yan sinasabi, umalis kana dito kung hindi kana magbabayad " masungit na sabi ng mahaderang ale " aling ising wala na po akong pupuntahan " pagmamakaawa ng babae habang tangan tangan nya ang mga gamit nyang nagkalat sa labas ng  boarding house. Pinagtitinginan na din sila ng mga kapitbahay nilang chismosa dahil sa lakas ng boses ng aleng nagmamaganda sa kapal ng mena sa muka. Nanghindi na sya pinakinggan ng ale, sinarado nito ang gate na bulok at inismiran pa ang pinalayas. Wala nang nagawa ang dalaga at kinuha na lang ang nagkalat na gamit sa sahig. Agad ko sya tinunlungan. Kitang kita ko  kung paano sya nagulat at napatingin pa sa muka ko at muli pinulot ang gamit. " naku be ako na, okay lang ako " " ikaw ba si maryjane santos?" Tanong ko habang inaabot ko ang gamit nyang nasa kamay ko. Mabilis naman syang tumango Pasimple akong napangiti. Para akong nakahanap ng kakampi, dahil sa amo ng muka nya. Kamuka nya ang si tita mavi nung dalaga pa. Buti may natago pa si mommy nung picture ng kapatid nya. Kaso matagal na ito dahil dalaga pa sila sa larawan  na yun. " ay tara doon tayo sa gilid nasa gitna kasi tayo ng daan eh hehehe " tinulungan ko sya sa pag salansan ng gamit nya. " pasensya kana ha sa ganitong eksena mo pa ako naabutan, ano pala kailangan mo?" " ahm ano kasi, pinapabantayan ka kasi sakin ni mommy " taka syang tumingin sakin,  " ah eh, anak ako ni maggie, kapatid ni tita mavi, ako pala si krystel. " pagkatapos kong sabihin na anak ako ng kapatid ng mama nya lumiwanag ang muka nya Naghanap kami ng matutuluyan, hindi naman kami nahirapan maghanap dahil sa sunod sunod na bakante at dikit dikit na boarding house ang meron sa st. Na yon. Pinili namin ang malapit sa school ni mary at ang afford namin. Maliit lang na boarding house pero sakto na para sa aming dalawa. Kailangan ko din magtipid dahil sa magkano lang ang dala kong pera. Binenta ko ang cellphone ko sa pawnshop, ang mga gadget na meron ako, alahas na regalo ng magulang ko sakin. Lahat ng ugnayan na meron sakanila pinutol ko. Simula ng umalis ako sa bahay, lahat sila kinalimutan ko. At kahit sino sakanila ayokong makaalam kung nasan ako. Si mommy, daddy at si zion. --- Pagkatapos namin magusap ni jigs, tungkol sa paano kami nagkakilala ni zion na nagpanggap pang miguel hanggang sa dahilan kung bakit kami nagaway ngayong gabi. Nagpahatid na ako sa boarding house ko. Inabot kami ng umaga sa paglalabas ng sama ng loob ko, kasi feeling ko kapag kinimkim ko pa, para na akong mababaliw. Pagdating sa bahay, agad ko inayos ang lahat ng gamit na meron ako sa boarding house. Umuwi ako ng laguna. Umagang umaga namamaga ng mata ko. Napabuntong hininga ako ng makita ang bahay, sa wakas my safe haven place. Dala ang mga gamit, dahan dahan ako pumasok sa loob. Napaigtad ako ng may marinig na sigawan mula sa taas ng bahay. Binaba ko ang mga dala at umakyat sa taas. Ang ingay ay mula sa kwarto ng magulang ko. Naiwang nakauwang ang kwarto kaya hindi na ako nag abalang buksan pa ito. " mga walang hiya kayo! Ang bababoy nyo Nagsasama na  pala kayo  ng babaeng yon !!" Sigaw ng mommy sa daddy. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nasasaktan ako dahil sa nakitang umiiyak ang mommy at nagsimulang umusbong ang galit sa daddy dahil sa panlolokong ginawa nya samin. " bakit! Hindi ba ito ang gusto mo? Kuhain ko ang loob ng mga villaverde para mabayaran natin ang utang mo sakanila " sigaw ni daddy. Nanatili napako ako sa posisyon. " pero wala sa usapan ang magsama kayo! Walang hiya ka! Pinagpalit mo kami sa babaeng yon paano si ellie, ang pagaaral nya---" agad pinutol ni daddy ang sinasabi ng mommy. " bayad na ni zion ang buong taon na ni ellie, kaya wala ka ng iintindihin, ang mahalaga hindi nya malaman ang lahat ng to, kasalanan mo to kung hindi ka nalulong sa sugal, hindi natin pambabayad utang si ellie !" Doon gumuho ang mundo ko. Nang malaman ko ang buong katotohanan. Akala ko masakit na ang malamang may iba ang daddy, na nagpanggap na miguel si zion at nang malaman na nilihim niya sakin lahat ng tungkol sa magulang namin. Para akong pinapatay patay paunti unti ng sarili kong magulang. Ang magulang at pamilya na pinangarap kong sana magkaroon ako balang araw.... ang lahat pala ay kasinungalingan lamang. Ang lahat ay panlabas lamang na perpekto ang lahat. Ang pamilya na pinahalagahan ko ang syang sisisira sa lahat ng tiwala at pangarap ko. Nagsisimula ng manlabo ang mata. Naninikip na ang dibdib ko sa pagtatago ng emosyon. Ang sakit malaman ng katotohanan. Ang pamilya na bumuo sa  pagkatao mo, sila rin pala ang dudurog sa pagkatao mo. Humakbang ako paatras, ang bigat ng mga paa ko. Gusto ko na tumakbo para lumayo pero nawalan ako ng lakas. " ellie " mahinang sambit ng tatay ko. Umiling ako ilang beses pinilig ang ulo. " h-hindi totoo diba?" Nagsimula na gumaralgal ang boses ko. " hindi totoo lahat ng narinig ko diba " tumingin ako kay mommy " biro lang to diba mommy " parang minartilyo ang puso ko ng hindi sya magsalita, kundi lalo syang umiyak. " ellie, patawarin mo kami ng mommy mo " namumula na nag mata ng daddy. Pero pilit tinatatagan ang sarili " sinungaling kayo... sinungaling kayo... sinungaling kayo " bulong ko... gusto ko sila sigawan pero walang boses na lumalabas dahil sa pananakit ng lalamunan ko. Lumapit si daddy at pilit ako hinahawakan ang kamay ko. " aayusin namin to ellie---" " no!!! Lahat kayo mga manloloko!!! " sa pagkakataong ito, buong lakas ko sila sinigawan. Masama kong tinitigan si daddy " ano pa!! Ano pang hindi ko alam!! Lubos lubusin nyo na para isang p*****n na lang sakin!!!.. ano pang kasinungalingan ang hindi ko alam!! Gulong gulo na ako!! Lahat kayo niloko nyo ako!! Pinaniwala nyo ko sa lahat ng kasinungalingan nyo! " sunod sunod  na tumulo ang luha at paghikbi ko. " pinaniwala nyo ako sa masaya at perpektong pamilyang meron tayo!! " napayuko ang daddy at nagsimula na din umiyak " pinaniwala ko ang sarili ko daddy na hindi ikaw ang lalaking kinakasama ng sandra na yan, pero pilit ko tinanggap at tinago," sabay balling ko kay mommy " tinago ko sayo mommy dahil alam ko masasaktan ka dahil sa panlolokong ginawa ng daddy, nagisip ako ng paraan para maging maayos ang lahat pero alam mo pala lahat" nagsimula nanamang humina ang boses ko " alam mo pala lahat, at ikaw ang dahilan " umiyak na ako ng umiyak. " binilog nyo kong lahat, kasabwat nyo pa pala ang putang inang zion na yan at alam nyo plano nyo ang lahat " nagsisimula na ako kumuwag mula sa pagkakayakap sakin ng daddy at nakaluhod na sakin ang mommy. Lahat kami ay nagiiyakan na. Nasasaktan sila. Pero mas nasasaktan ako ngayon. At sa oras na to gusto ko ng mamatay.. Ang nanay kong kinatatakutakan at ginalang ko ay may lihim palang tinatago sa kabila ng pagiging maaruga, dahil sa sugal ay kaya ako ipagkanulo. Ang tatay ko na minahal at inidulo ko ay isa rin pa lang kasinungalingan, ang lalaking pinangarap ko na sana katulad nya ang maging mapangasawa ko, ay mananatiling isang pangarap na lang. Si zion na nagpakilalang miguel, ay isang kasabwat, na pinaniwala ako sa isang tunay at tapat na pagibig. Pinaniwala din ako sa kasinungalingam at ginatungan pa ng isa pang kasinungalingan. Hindi ko na alam kung sino sakanila ang nagsasabi ng totoo. At sino ang totong nagmamalasakit sakin. Isa lang ang alam ko. Nasasaktan at kinamumuhian ko ang taong nangloko sakin. Nang magkaroon ng pagkakataon, umalis ako sa harap nila, kinuha ang gamit at lumayas ng bahay.. At pinangako ko sa sarili ko sa oras na lumabas na ako ng bahay na to. Buburahin at hindi ko na kayo kikilalanin sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD