Chapter 19
Krystel
Katulad ko nasa 1st yr college din si mary, mas matanda ako sakanya nang isang taon, pero dahil mas matangkad sya kesa akin nag muka ko syang ate. Hindi dahil sa mas matured ang muka nya sadyang maliit lang talaga ako. Business management ang kinuha nyang kurso at nagaaral sya sa isang kilalang unibersidad dito sa manila. Mabuti at mura lang tuition na dapat bayaran, tanging pinoproblema nya ay pambayad sa nirerentahang bahay, medyo may kamahalan ang upa dito, ganun ata talaga kapag manila, mahal ang lahat ng bagay.
Kahit ganun nagagawan naman ng solusyon tuwing nagpapadala ang mama nya, yun nga lang late na sya nakakapag bayad. Katulad sa dati nyang tinitirhan mukang pera ang landlady nya na hapit sa pera, kaya pinalayas sya sa boarding house nito dahil hindi agad sya nakabayad sa takdang araw.
Bukod doon, walang nang magulo walang nanggugulo. Hindi katulad ko...
haist no comment ayaw ko na maalala.
" so kamusta si tita maggie?, pasensya kana kung hindi kita nakilala ha, wala kasi nababanggit si mommy na may pamangkin pala sya " nahihiyang tugon ni mary habang inaayos ang gamit. Nakatunghay lang naman sakanya si ellie(krystel) habang pirming nakaupo sa sahig.
Krystel ang pakilala nya kay mary, Tinago nya ang totoong pangalan nya at dahilan kung bakit sya napadpad dito. Tutal wala naman contact sila sa magulang nya, at nakiusap na wag na ipaalam sa mama ni mary.
" hindi kana ba nagaaral krystel? " tanong ni mary, napakamot naman ito sa ulo at nagiisip na idadahilan
" tumigil ako.. ". "Bakit?" Mabilis na tanong ni mary " financial problem?" Pagsisinungaling nya. Tumango tango naman si mary. " mukang titigil na din ako " bakas sa tono nito ang kalungkutan.
" bakit naman? Hindi ba pinapadalhan ka naman ni tita mavi ?" Tanong ni krystel.
" oo pero kasi nahihirapan ako sa tuwing nadedelay sya. Parang gusto ko na lang magtrabaho " mabilis syang pinigil nito.
" nako, yan ang wag mong gagawin dahil iba pa rin ang nakapag tapos ka ng pagaaral " napatingin naman sakanya si mary " kung okay lang sayo tutulungan kita sa gastusin mo basta wag kang titigil. " pagkumbinsi nya, natawa naman si mary na pinagtaka ni krystel.
" baliktad ata, hindi ba dapat ako ang nagtatrabaho dahil mas mukang matanda ako sayo.. sabay ngisi nito " pinanliitan naman sya nito ng tingin.
" medyo mapanglait ka rin no mary? Inaasar mo ata height ko eh " mayamaya ay sabay tawa nilang dalawa.
Sa loob lang ng ilang araw, napag kalagayan na sila ng loob kahit ngayon lang sila nagkita. Hindi naman maitatanggi na magpinsan sila dahil medyo nahahawig naman sila kahit papano, pareho silang mabilog ang mata at parehas na may taglay na kagandahan, kaibahan nga lang matangkad si mary si krystel naman ay.....cute
Habang si mary ay nagaaral. Si krystel naman ay naghanap ng trabaho. Sinubukan nyang magapply sa mga company, pero dahil sa hindi sya nakapagtapos ng pagaaral, at kahit ang unang taon nya sa college ay hindi nya napatapos, nahirapan sya makapaghanap ng trabaho. Ilang rejections at pagiling ang laging nyang natatanggap pero hindi pa rin sya sumuko.
Sa kahabaan ng ortigas nakikipagsapalaran si krystel, maaga syang umalis ng bahay. 6:00 am pa lang nasa lansangan na sya dala dala ang sangkatutak na requirements at ilang kopya ng resume. Tanging nagiisang bottled water lang ang meron sya at skyflakes. Tinitipid nya ang natitirang pera na meron sya.
Pumasok si krystel sa isang fast food chain. Dahil sa init ay dito nya napag isipan magpahinga dahil na rin sa malamig ang loob nito.Lalong kumalam ang sikmura nya ng maamoy ang manok na niluluto at sandali sya napatigil, naalala na dito sila madalas kumakain kasama ang magulang, ang paborito nilang kainan tuwing sila ay pumapasyal.
Nakaramdam ng lungkot at pangungulila pero pilit na nilalabanan. " kailangan ko magpakatatag, kung magpapadala ako sa kahinaan at sa nararamdaman ko wala ako patutunguhan. " bulong nya sa sarili
Sa paghihintay ay napatingin sya sa isang matanda na nahihirapan sa pagbitbit ng pagkain, medyo uugod ugod na to sa paglakad. Ang puting buhok ay nakapusod at kulubot na ang balat. Nagpalingalinga muna sya sa paligid at tiningnan kung may crew na pumepetiks para matulungan sa pagbitbit ang matanda. Mukang busy ang lahat kaya kusa na sya lumapit at tinulungan ito. Tinuro ng matanda kung nasan sya nakaupo na medyo nasa dulo pa, kaya nauna na sya pumunta doon para matulungan sa paglalakad ang pobreng matanda.
Nang mailapag na nya, nagulat sya ng biglang may sumigaw na babae. " ano ba naman yan hindi kasi nagiingat eh, naglalakad na lang patanga tanga pa " sigaw nya sa matanda. Agad sya lumapit dito at inalalayan ito sa paglakad " sa susunod miss wag mo na hayaang pakalat kalat yang lola mo ha, nakakadisgrasya " mataray nitong saad kay krystel, hindi na lang nya ito pinansin at humingi ng dipensa. Pero aalis na sana sila ng magpanting ang tenga nya sa pahabol na panlalait ng babae. " mga wala naman perang pambayad pag nakadisgrasya mga pulubi "
Agad humarap si krystel at tinaasan nya ito ng kilay. " una sa lahat wala kayong karapatan na sigawan ang lola na ito, kasi balang araw tatanda ka rin at baka bumalik sayo ang panlalait mo sa matanda, pangalawa ikaw dapat mag adjust kase mas mabilis ka kumilos kesa sakanya, pangatlo pantayin mo muna yang kilay mo na mukang linta sa sobrang kapal at pang apat, hindi lang ikaw ang may karapatan kumain dito. Wag mo akong taray tarayan dahil mas mataas ang kilay ko sayo " na mas lalo nya pang tinaasan ang arko ng kilay nya.
sa sobrang haba ng sinabi nya ay natahimik ang mahaderang babae ang lahat ng tao ay napatingin sakanila, pati ang mga kumakain ang mga umoorder, maging ang crew ng fast food ay natulala sa tapang na ginawa ni krystel.
" wala kang modo---" agad naputol ang sasabihin ng babaeng maarte nang may nagsalita na malalim at malamig na boses.
" i'm sorry mam, but if you don't mind umalis na lang po kayo para hindi na makaabala sa iba pa po naming customer " magalang na sambit nito. dahil sa sinabi ng lalaki lumakas ang bulung bulungan ng mga tao bilang pagsang ayon. Sa postura nito ay maaring isa syang manager.
Wala na naman na nagawa ang babae at agad na umalis at padabog na naglakad. Nagpalakpakan naman ang lahat ng customer. Nahihiyang pangiti ngiti naman si krystel na akala mo nananalo sa contest.
Nang makaupo ang lola ay agad na nagpaalam si krystel " sige po la, alis na po ako may lakad pa kasi ako eh " hinawakan naman sya sa kamay ng matanda at hinila paupo " halika iha, sabayan mo ako kumain " saad ng matanda at hindi inintindi ang pagpapapalam nito, napakamot naman ng ulo si krystel at walang nagawa kundi umupo sa tabi nito.
Nagitla naman sya ng biglang may boses na sumulpot sa likuran nila " s-sir " bati nya.
" thank you... for helping my lola " namilog ang mata ni krystel sa narinig.. " l-lola? Apo ka nya ?" Gulat nyang tanong. Nginitian naman sya nito at tumango.
" iho, iorder mo nga ito si... si... ano ba pangalan mo ?"
" ell--- krystel po lola, krystel " paglilinaw nya. Tumango naman ang lola at muling bumaling ng tingin sa apo. " jay apo, iorder mo nga ito si krystal ng pagkain yung mabubusog sya, at magkaroon naman ng laman ang batang to "
" nako po lola hindi na po,, busog pa po ako " pagsisinungaling nya. Kahit ang totoo eh nagmumukang manok na ang lola sa paningin nya.
" libre ko iha, dahil na rin sa pagtulong mo sa akin. Sabayan mo na ako kumain. Magisa nanaman ako sa lamesa, lalo na tong apo ako hindi nanaman ako masasabayan ng tanghalian " nakaramdam ng pagkirot sa puso si krystel sakanyang narinig, sa tono ng pananalita nito ay nagtatampo ito.
Agad agad naman tumayo si krystel para umorder " sige po lola oorder na ako, para may kasabay kana sa pagkain " masaya nyang tugon, lalo syamg napangiti ng makitang unti unting sumilay ang ngiti ng lola. Akmang aalis na sya para umorder ng pigilan sya ng lalaking apo.
" umupo ka na lang, ako nang bahala " napatitig na lang si krystel sa malapad na likod ng lalaki habang papaalis ito sa pwesto nila.
Habang nagaantay, napagkwentuhan nila ang paghahanap ng trabaho ni krystel at bakit sya napadpad sa manila, hindi na lang nya binanggit sng tungkol sa kanyang magulang, dahil mapahanggang ngayon ay iniiwasan nya na maungkat pa ito.
Napahinto na lang sila ng biglang lumapag sa harap nila ang madaming order. Paramg pang tatlong tao sa dami. Dahil sa gutom na talaga si krystel agad nya sinunggaban ang pagkaing nakahain. Halos masamid samid pa ito at agad tumungga ng ice tea.
" busog pa la ha " bulong ng lalaki, pinagpulahan ng pisngi si krytel nang maalalang may kasama pala sya, at titig na titig sa bawat subo nya. Lihim na ngumiti ang lalaki maging ang kanyang lola.
Agad na nagpaalam si krystel sa maglola upang magbakasakali ulit na swertihin na sya sa paghahanap.
" bakit hindi ka na lang dito magtrabaho iha, panigurado matutulungan ka nito ni jay " sabay hawak sa braso ng matanda sa apo nya.
Napa angat naman ng tingin si krystel sa lalaki na pirming naka pamulsa sa suot na pantalon. napadako naman sya sa dibdib nito kung saan nakasabit ang nameplate nito, pero imbis na doon sya tumingin napatitig sya sa dibdib nito na hapit na hapit sa unifrom nitong suot. Palihim syang napalunok at iwas ng tingin
" bring your resume tomorrow " walang emosyon nyang sabi kay krystel sabay baling ng tingin sa lola " balik na po ako sa trabaho, mag ingat po kayo paguwi " pagkatapos magmano ay agad itong umalis. Nagtaka naman si krystel na hindi man lang sya nito tinitigan o nagpaalam man lang sakanya.
Ay teka sino ako para mag assume? Kaloka!
Agad na nagpaalam si krystel sa matanda at umuwi. Nang araw ding yon ay binalita ni krystel kay mary na magkakatrabaho sya sa isang fast food, na labis niilang dalawa ikatuwa. Gusto pa nga sana na magapply din don ni mary pero agad syang pinigilan ni krys.
Habang nakahiga at nagmuni muni, naisip ni krystel ang muka ng manager.
May katangkaran ito at medyo payat pero meron syang muscle na bumagay sa katawan nya, hindi katulad ni zion na payat lang... sinabunutan nya ang sarili ng maalala nanaman ang lalaking yon.
Muli syang napangiti na bukas ay may posibilidad na magkatrabaho na sya. At sisiguraduhin na hindi sasayangin ang pagkakataon.