Chapter 20
Ellie
Maagang nagising si krystel, ngayon ang unang araw nya sa trabaho. kahapon nang pumunta sya rito para ibigay ang kanyang resume, ay pinasadahan lamang ito ng tingin ng manager na si jay. Hindi man lang ito nagtanong tungkol sa kanya o kahit interview ay walang naganap. Ganun na lang ang pagkabigla nya ng sabihin nito na tanggap na sya.
Wala na sinayang na oras si krystel, mabuti at kumpleto na sya sa requirements kaya bukas na bukas ay makakapagsimula na sya.
7:00 am ang duty nya, dahil 24 hrs ito kaya panigurado na marami nang customer agad dito, malapit rin sila sa mga call center kaya sigurado na dito diretsyo after ng night shift nila para mag almusal.
Bilang trainee ay nakapolo white shirt sya at itim na slocks. Pinusod na rin nya ang buhok at tinggal ang mga suot suot sa kamay, nagsuot na rin sya ng hairnet at naglagay ng konting kolorete sa muka bilang protocol ng fast food.
Unang araw ay nagmamasid lang sya sa mga matagal ng crew, ang nakatoka magturo sakanya ay si denise na matagal na rito.
Si denise ay isang workingstudent dahil sa sipag nito kaya nagtagal at napromote bilang team leader ng mga crew.
Lumipas ang isang linggo at agad naman na kuha ni krsytel ang gawin bilang isang cashier, ang iba nyang kasabayan na trainee ay naging dining o kaya sa kitchen.
" alam mo na ang gagaiwn mo krys?, iiwan na kita dito ha ,wag mo ako pahiyain " sabay kindat skanya ni denise na ginantihan din naman nya ng kindat. Sa halos isang linggo sa trabaho ay si denise ang una nya nakilala mataray ito sa una at katulad nya matabil din ang dila nito, fahilab para magkasundo sila bukod sa ito ang mentor nya, naging instant ate nya ito dahil mas matanda sakanya ito ng 3 taon.
Sa una ay nangangapa pa sya sa pagtake ng order, pero inaalalayan naman sya ng kapwa nya crew kaya naging magaan din ang trabaho nya.
Hindi pa rin nawawala ang panginginig ng kamay nya at pagtagatak ng pawis nya sa tuwing makkikita nya na nakasilip skanila si sir jay tuwing duty nito. Naisip lang ni krys na baka wala pang tiwala sakanya si sir jay kaya ganun na lang sya bantayan nito.
Naka kalahating buwan na si krys at araw na nila ng sweldo, excited sya sa unang tanggap nya sa pinaghirapan nyang pera, kaya agad sya bumili ng pasalubong para sakanila ni mary bilang hapunan.
Masiglang pumasok si krys sa maliit nilang boarding house. " maryyyy may pasalubong ako " sigaw nya mula sa pinto na kinainisan naman ni mary dahil nagaaral ito at umalingawngaw ang matining na boses ni krys sa maliit nilang kwarto.
" ang ingay mo naman " umarte naman si mary na akala mong naiirita sa boses ng pinsan., nilapag naman sa lamesa ni krys ang bitbit nya at nagtungo kay mary, tiniklop nya ang mga libro at notebook na binabasa ni mary at kinuha ang ballpen na hawak nito, walang sabi sabing hinila nya ang kamay ni mary at iginaya sa lamesa.
" mamaya na yan, alam ko hindi ka pa kumakain kaya eto may pasalubong ako samahan mo ako kumain " namilog naman ang mata ni mary dahil matagal tagal na ito hindi nakakain ng manok at spaghetti.
" teka san galing to krys , ngayon ba ang sweldo mo? " gulat na tanong ni mary at patango tango naman si krys na parang proud sa ginawa nya. Sumimangot naman si mary " hindi ka na dapat mag abala krys, dapat tinabi mo na yang una mong sweldo para next year, bumalik ka na sa pagaaral " pinameywangan naman sya ni krys " wag ka na magreklamo dyan kumain ka nalang dami mong sinasabi bawal tanggihan ang grasya. Hala sige umupo ka dito " para namang batang sumunod si mary kay krys.
Bagamat mas matanda ng isang taon si mary kay krys pero sa liit nito ay hindi bagay na taray tarayan at utus utusan nya si mary.
Magkaiba ng katauhan si krys at mary
Si krys ay talakera at prangka. Si mary naman ay tahimik, mahiyahin at sunod lang ng sunod inshort mabait na salungat sa ugali ni krys. Kaya sakanilang dalawa ay mas mabunganga si krys kaya under nya si mary pero in a nice way.
Pinagsaluhan nila ang pasalubong ni krys para sa kanilang hapunan.
Lumipas amg buwan na pagtatrabaho ni krys, naabutan nya sa bahay sa bahay si mary na tulala habang nakatitig sa hawak nitong papel. Dahan dahan naman naupo sa tabi nya si krys na kinagulat nya dahil sa busy sya sa kakatitig sa papel.
" pinadalhan ka nanaman ba ng notice ng school nyo kasi hindi ka nakabayad? " tanong ni krys. Ilang buwan na lang kasi at bakasyon na nila mary, pero hindi pa rin sya makakapag take ng exam sa second sem hanggat hindi bayad ang balance nitong tuition fee. Na delay nanaman kasi sa padala ang mommy ni mary kaya namomomroblema nanaman ito sa bayarin
Bumuntong hininga muna si krys saka may dinukot sa bag nya at inabot ito kay mary. Nagtatakang nakatitig ito sa pera na hawak nya saka bumalik ulit ng tingin kay krys. " para saan to? "
" pang shopping?" Pilosipong sagot ni krys, napakamot naman sa ulo si mary dahil sa hiya " ibayad mo na yan sa school nyo bukas para makapag exam kana " walang emosyong saad ni krys, tulala naman si mary dahil hindi makapaniwala sa inasal ng pinsan.
" pero--" magsasalita pa sana si mary pero agad na pinandilatan ng mata ni krys " bawal tumanggi sa grasya, tsaka pinaghirapan ko yan kaya wag mo baliwalain " seryosong saad ni krys, maluhaluhang napangiti sa mary at agad na napayakap, nanlaki ang mata ni krys sa gulat ngunit agad din naman napalitan ng ngiti at napayakap na din kay mary. Sa sandaling iyon naramdaman nya ang saya at biglang paglambot ng puso.
" oo nga pala, may lakad ako ngayon gabi, pag alis ko isarado mo maigi tong bahay, wag ka magpapasok ng kahit sino ha, yung gate ilock mo! " bilin ni krys kay mary bigla syang napakunoo sa sinabi ng pinsan " wala naman tayong gate ah " mahinang bulong ni mary.. napangisi naman si krys sa kalokohang sinabi nya at hanggang ngayon ay napapaisip pa rin si mary sa gate na pinapa podlock nya.
Mabilis syang nagbihis at nagayos ng sarili" teka saan ka pupunta? Mag gagabi na ah? " hindi naman sya sinagot ni krys at nagpatuloy sa pagaayos at pagsuot ng sandals.
" huy krys! " agad na napalingon siya dahil kinakausap pala sya ni mary " saan kaba pupunta? " humarap sya kay mary " may bagong raket kasi akong pupuntahan ngayon, alam mo na " sabay ngiti nya, hindi naman makapaniwala si mary
" hindi mo naman kailangan magdoble kayod krys, babayaran kita agad pag nagpadala si mommy, tsaka pwede pa naman next week magbayad para makapag ex---" agad pinutol ni krys ang mahabang sinabi ni mary umarte pa sya na parang nabibingi sa paulit ulit na dahilan nito
" ano ba mary, hindi ba sabi ko sayo wag mo na ako intindihin? " napayuko si mary na parang napahiya sya sa pagsungit ni krys. Napabuntong hininga na lang sya at nakaramdam ng konsensya dahil sa nagawa. Lumapit sya sa pinsan at hinawakan ang magkabilaang balikat.
" masaya ako sa ginagawa ko mary, hindi mo kailangan magalala sa akin dahil nasa wastong pagiisip na ako para magdesisyon sa buhay ko " napaangat ng tingin sakanya si mary dahil parangg may kahulugan ang bawat salitang sinasabi nya.
" kung hindi ako magdodoble kayod, kung hindi ako maghahanap ng iba pang trabaho wala ako patutunguhan sa buhay, eto lang ang tanging alam ko para mabuhay at hanggang kasama mo ako asahan mo hindi kita iiwan at pababayaan " sabay banayad syang ngumiti para mawala ang takot nimg pinsan. sa hindi malaman na kadahilan ang biglang pagtulo ng luha ni mary, agad nya niyakap ang pinsan.
Nakailang lunok at nanakit ang lalamunan ni krys dahil sa pagpigil ng pagiyak. Batid nya na may laman ang salita nyang binitawan dahil sa kanyang karanasan at pilit na kinalimutan. Sa kabila ng pagiging matapang na ellie rose na nagpanggap na krystel sa kanyang pinsan ay ang pangungulila sa mga taong iniwan nya lalo na ang lalaking minahal nya.
Alas syete na ng makarating sa bar si denise at krys. Nagkita na lang sila sa isang lugar at sabay na nagtungo doon. Mula sa labas ay namangha sya sa ganda ng kanyang nakikita. Nagpatinuod na lang sya kay denise na hila hila sya papasok sa loob.
Wala masyadong tao hindi sa inaasahan ni krys na sasalubong ang siksikan, maingay at magulong bar.
" this is the sebastian's private bar kaya you don't have to worry mydear hindi tayo lugi dito incase na may mag take out sayo " saad ni denise habang busy makipag kindatan sa mga nakakasalubong nyang mga lalaki.
Hindi na bago kay krys ang ganitong kilos ni denise dahil sanay na ito makipaglandian kahit sa mga customer nya sa pinapasukan nilang fast food kahit ssa harap pa ng maraming tao.
Maganda rin si denise may katangkaran at mahabang buhok, sa puti at kinis nito mahahalata na galing ito sa mayamang pamilya. Katulad ni krys ay naglayas din ito sa kanila at namuhay magisa.
Huminto sila sa isang malaking pwesto at may ilan ilang babaeng nakaupo. May mga alak aty yosi rin sakanilang lamesa. Lumapit si denise sa babaeng halos makita na ang dibdib sa sobrang laki nito iksi ng damit, halatang retokada ito kaya lalong lumabas ang gandang babaeng nito. Bumulong sya at napatingin sa gawi ni krys.
Nakaramdam ng takot si krys ng pakatitigan sya ng babaeng naka crossleg mula ulo hanggang paa at balik ulit sa muka nya. Kahit kinakabahan ay hindi nya ito pinahalata.
" krys si mamu ang ating inang reyna at ang handler namin." pakilala ni denise sa isang transgender na mas muka pang babae kay krys. " he-hello po" nahihiyang tugon nito sabay lapit sa handler nila. Kinakabahan sya dahil sa muka itong mataray at mukang ayaw sa mga patanga tanga.
" una sa lahat ayoko ng mahiyahin " bungad nito na salita, bahagyang napalunok si krys dahil sa diretsyo itong nakatitig sakanya habang kumukuha ng sigarilyo na parang kabisado na nito kung paano magsindi.
Pagkatapos na sindihan sabay hithit sa yosi at binuga sa muka ni krys. " nakaramdam ng inis si krys dahil feeling nya ay iniinsulto nito ang pagkatao nya na bagay na pinakaayaw nya. Akamang magsasalita sya ng unahan sya nito
" nagyoyosi kaba? " sa unay nagulat sya sa tanong pero agad ding mabilis na umiling si krys " h-hindi po "
" nakatikim ka na ng alak? " napatingin si krys sa kausap, naalala nya ng una nyang matikman ang lasa ng alak dahil sa inis at selos nya kay angel at zion " opo " napangisi amg inang reyna " well good, atleast sanay kana uminom ng alak "
" hindi po ako sanay, isang beses lang po ako nakatikim " nahihiyang sambit. Natawa naman ang inang reyna na pinagtaka ni krys " ano ba yan, ilang taon kanaba? Jusko ang boring ng childhood life mo teh kaloka! " pagkatapos nun ay lumabas ang kakulitan ng inang reyna dahil hindi makapaniwala na meron pa palang ganung tao
paano pa kaya si mary ? Bulong nya sa isip lihim syang napatawa dahil sa naalala nya ang kainosentehan ng pinsan. Akala nya ay malala na sya yun pala ay boring pa pala ang buhay na meron sya.
Naalala nya nung mga panahon na una silang tumakas ni zion sa binatana. Mga bagay na di nya lubusang magagawa. Mga pagtakas na halos maubusan sya ng hininga sa kaba pero sa huli ay nagdala ng kakaibang experience na hindi nya makakalimutan. Mga alala na naghatid sakanya ng saya at dahilan rin kung bakit sya lubusang nasasaktan.
Ang unang halik na nagdulot ng kuryenteng may libo libong bultaheng bumalot sa buo nyang katawan. mga alala na pilit nya gustong kalimutan pero alam nya sa sarili na imposible mangyari.
" handa kanaba sa gusto mong pasukin?" Tanong na nagpabalik sakanya sa realidad. Ilang segundo syang natahimik pero unti unti syang tumango.
Napaayos ng upo ang inang reyna. Muling humuthit ng yosi pero sa ibang bahagi binuga. Silang dalawa na lang ang nasa pwesto. Hindi na namalayan ni krystel na umalis na pala ang mga kasama at dalawa na silang natira.
Ngunit sa loob ng bar ay patuloy pa rin ang gawain ng kasamahan sa paghanap ng parokyanong mayayaman. Tinitigan ng inang ang dalagang desidido na sa tatahaking trabaho.
" magsimula ka na ngayon " ang tanging nasabi ng inang. Alam sa sarili ni krys kung anong uri ng trabaho ang pinasok. At sa oras na to ay wala ng atrasan at bawian na kahit ang kapalit ay ang kanyang puring pinagkaingatan.