Chapter 21
" may masakit ba sayo krys? Walang kabang pasok ulit ngayon?" Pagaalalang tanong ni mary. Hindi naman sya sinagot nito. Napabuntong hininga na lang sya ng talikuran at magtalukbong ng kumot si krys.
Ilang araw ng balisa, walang gana at nagmumukmok sa kwarto si krys, ilang araw na hindi na rin sya pumapasok sa fast food na kanyang pinagtatrabahuan. Hindi na lang sya pinilit ni mary at bagsak ang balikat ng umalis at pumasok sa school.
Nang marinig nya ang paglapat ng pinto, ay tuluyan ng bumagsak ang kanina pang pinipigilang luha ni krys. Sa loob ng kumot tahimik na humihikbi at pilit na hindi lumikha ng anumang ingay mula sa kanyang pagiyak.
Sa oras na napagisa nilabas na nya ang sakit at mabigat nyang dinadala, muli nyang naalala ang gabing hindi nya makalimutan.
Halos mag iisang linggo na ng sya ay magsimula bilang girl entertainer. Hindi naman sya nahirapan dahil nagaalok lang sya mg mga mamahaling alak sa mga customer sa ibat ibang private high end bar kung saan sila ma assign
Naaala nya nung unang araw unang gabi, nasa sebastians bar sila, kilala na ang handler nila na ICY ang pangalan sa bar na iyon, bukod dun ay mamayari din sya ng mga spa, parlor at kung ano pang pampagandang produkto.
Tulala habang nakatunghay sa harap ng salamin habang suot ang maiksing damit na halos makita na ang buong balat nya. Nakailang buntong hininga at pilit na pinalabas ang pinakamagandamg ngiti ng lumabas na sya ng banyo.
Papalapit sya kay denise habang nakikipag kwentuhan sa isang matandang mukang intsik. Nang makita ni denise ay natulala ito skanya hindi sa nagagagandahan kundi dahil muka itong maputla. Agad sya hinila at dinala sa sulok.
" ano ba yan krys bakit ganyan itchura mo maglagay ka naman ng make up! Pag nakita ka ni mamu na parang bagong gising ay nako katakot takot na talak ang sasabon sayo " kasabay non ang paglagay sakanya ng lipstick at ng kung ano ano pa sa kanyang mukha.
Nang matapos ay tinuruan na sya nito kung ano ang unang gagawin. Dahil bago, tanging pagmamasid o pakikiramdaman lang muna ang paligid. Sebastian's bar ay kilala bilang isang high end bar sa manila. Tanging mayayaman lang ang pwede makapasok dito, mga negosyante at politiko.
ICY girls ang tawag sa grupo na pinamumunuan ng transgender si ICY. Kilala ito dahil sa kalidad ng mga babaeng nageentertain sa mga taong gusto magpalipas ng gabi, sila rin ang nagaalok ng mga mamahaling alak o yosi sa mga bar.
Mapili ito sa gusto makapasok sa grupo nila para magkaroon ng sideline, pero meron sakanila na halos ito na ang ang kanilang pangunahing hanapbuhay katulad ni denise.
Sa una ay naiilang pa sa bawat galaw, kilos at sa sariling suot si krys lalo na sa tuwing pinakatititigan sya ng mga nas loob ng bar na puno ng pagnanasa s amata.
Hindi sanay sa ganitong kalakaran si krys, kaya kahit labag sa loob ay pikit mata nya itong tinanggap sa sarili.
" oh" alok ni denise kay krys ng yosi na gamit nya. Mabilis umiling si krys " hindi- hindi ako marunong" tinawanan naman sya ni denise
" kaya nga tinuturuan kita diba? , ganito lang oh " sabay mwestra kung paano magsigarilyo.
Tinitigan ni krys ang yosing hawak nya na halos nangangalahati na dahil sa makailang hithit buga ni denise. Napalunok sya habang unti unti nilalapit ang hawak sa nguso. Agad nya ginaya ang ginawa ni denise kung paano umithit, maubo ubo naman sya dahil sa nalanghap na usok. Tinawanan naman sya ni denise habang hinahagod sya sa likod.
" that's a good start " malanding sabi ni denise. Mayamaya ay may nilapag naman ito skanaya na isang maliit na baso na may konting laman. " take that, konti lang yan so kaya mo yan ng isang lagukan " kahit ayaw nya ng amoy pa lang ng alak walang sya nagawa dahil alam nya na parte ito ng kanyang pinasok na trabaho.
Nanginginig ang kamay ni krys habang unti unti nilalapit sa bibig nya. Inisip nya na easy lang skanaya yon dahil nakatikim na sya ng alak noong nasa bonfire. Ang hindi nya alam ay mas matapang at mas mas malakas ang tama nito. Kaya ng lagukin nya ang laman nito ay halos masuka suka sya sa tapang ng amoy at pait na humagod sa lalamunan nya.
Muli nanamang natawa si denise sabay patikim skanaya ng lemon, para mawala ang pait sa dila. Hindi na din sya mapakali dahil gusto nyang isuka ang lahat ng laman ng tyan nya.
" welcome to the club!!" Umarte naman to na parang kinikilig, Sabay lagok na rin ng basong hawak nya. Kahit nahihilo at naghahalo na ang laman loob nya ay nakipagsabayan sya sa kay denise sa lahat ng trip nito.
Lumipas ang araw na ganun ang routine nya. Pang umaga sya sa fast food at pagdating naman ng gabi ay entertainer.
"Come in " sigaw ni mamu mula sa loob. Nandito sya ngayon sa opisina ni mamu dahil pinatawag sya nito dahil may importanteng sasabihin ito sakanya.
Dahan dahan sya pumasok sa loob at umupo sa harap. Ilang segundong tahimik sila dahil inaantay pa nyang matapos ito magsigarilyo.
" somebody wants you " basag sa katahimikan nito. " p-po?" Naguguluhang tanong ni krys. Napabuntong hininga naman ang kausap bago ulit magsalita.
" for all i know you're a minor at hindi bingi " mataray nitong saad. Napayuko na lang si krys dahil nabisto ng kanyang handler sa kanyang pagsisinungaling. Nagpanggap lang namang sya na 18 years old, nagsinungaling sya na galing sya sa malayong probinsya at nasunugan kaya wala syang mapakitang dokumento.
Nung una ay muntik na magbago ang isip ni icy dahil walang mapakita na kahit na anong dokumento. Pero dahil sa pakiusap nya at ni denise ay pumayag din ito.
Nararamdaman ni krys ang paninitig sakanya ni icy kahit yukong yuko na ang ginagawa nya.
" i'm sorry po m-mamu " nahihiyang tugon nito. Hindi na sya mapalagay sa kanyang kinauupuan habang pisil pisil ang mga daliri dahil sa sobrang kaba.
" handa sya magbayad kahit sa anong halaga pero sa isang kondisyon " napa angat ng tingin si krys sakanya.
" sasama ka sakanya at hindi na magtatrabaho dito " walang emosyong saad ni icy.
Halos lumuwa ang mata ni krys sa sobrang gulat " a-ano pong ibig nyong sabihin---" agad pinutol ni icy ang sasabihin nito.
" simple lang krys, kaya sila magbabayad ng malaking halaga ay para makuha nila ang gusto nila sayo, maging asawa ka? O kung hindi naman " sabay pasada ng tingin nito sa kabuuan ni krys " o kaya maging trophy wife because you're young, fresh and virgin. Jackpot kumbaga " napalunok si krys sa kanyang narinig.
Alam nya ang pinasok nyang trabaho, pero kuntento na sya sa pagaalok sa mga mayayamang hukluban sa mga alak at sa mga malalaking tip na binibigay nila, alam nya rin na darating din sya sa ganitong sitwasyon pero hindi nya akalain na sa edad na 17 ay masusuko nya ang bataan sa isang estranghero.
Bumalik sya sa ulirat ng muli magsalita si icy " the old man and the hot one, choose wisely dear " saad nito habang nilalaro ang ang hawak na ballpen sa daliri.
" binebenta nyo ba ako?" Lakas loob nitong tanong at medyo tumaas na rin ang boses nito dala ng inis.
Parang pinapipili lang sya nito ng laruan kung tanungin sya nito kung ano ang magustuhan nya.
" alam mo ba ang kasabihang trabaho lang walang personalan? At pera pera lang " sabay taas ng kilay nya.
" kung pihikan ka at magiinarte habang buhay kana sa ganyang estado ng buhay na meron ka , pero kung wais ka at madiskarte doon ka sa malaking pera at magiging buhay reyna, hindi mo na kailangang magtrabaho hindi mo na kai--- "
" tama na po please " mabilis nyang pagputol sa sinasabi ni icy, hindi na nya kaya ang pinapamukha sakanya ng kausap. Parang gusto bumaliktad ng sikmura nya dahil sa pandidiring naararamdaman nya.
" i'll leave it to you krys, isang mayamang politiko ang gustong bumili sayo para maging asawa nya, ngayon kung paiiralin mo yang kaartehan mo sa katawan wala kang mararating. Hindi lahat ay nasa mataas na estado para hindi na kailangang kumita pero sa katulad natin na isang kahig isang tuka, tanging pag kapit sa patalim lang ang madaling paraan "
walang maisagot si krys sa mahabang sinabi ni icy. Ang bawat salitang pinagdidikdikan sakanya ay isang katotohanan, ginusto nya ang mamuhay at maging malaya, pero sa kabaliktaran nito ay ang hirap mabuhay at kumayod para sa araw araw.
Akmang aalis na sya pero agad din sya napahinto " you're still welcome krys kahit anong maging desisyon mo at mamayang gabi gusto ko malaman ang sagot mo " pagkatapos non ay tuluyan na syang lumabas.
Hindi nya namalayan ni krys na nasa loob na sya ng opisina ni Icy. "M-mamu " mahina nyang bigkas dahil sa kabang nadarama, hindi na nya alam kung paanong gagawin sa mga daliri para mawala ang panginginig nito. Nakailang lunok muna sya bago tuluyan ng makapagsalita.
" nakapagdesisyon na po ako " nag crossleg naman si icy na parang kumpyansa sa nangyayari. " so is it a yes ?"
Dahandahan syang tumango
Hindi alam ni krys kung anong pumasok sa isip nya kung bakit sya pumayag sa alok ni icy. Despereda at disidido na sya sa kanyang desisyon.
Mula kanina nang isara nya ang pinto ng lumabas sya sa opisina ni icy ay hindi na ito nawala sa isip nya. Nagtatalo ang isip at puso nya. Dangal o ang mabuhay.
Mula sa labas ng building ay doon magaantay ang sasakyan ni mr. Chua. Hindi alam ni krys anong itchura nito dahil si icy lang ang nakausap ng negosyanteng intsik at mayor sa isang lugar.
7pm ang usapan, at itim na sasakyan ang titigil sa harap. " girl sureness kana ba jan sa desisyon mo? Wala ng atrasan yan " Tanong ni denise habang nagyoyosi. Sinamahan sya ng kaibigan magantay sa labas kay mr. Chua.
Hindi umimik si krys, gusto nyang umatras pero nahihiya sya kay mamu dahil sa utang na loob dito, alam nyang pinaghirapan naman nya kung among meron sya pero kung hindi dahil sa trabahong pinasok ay hindi sya makakaranas ng kahit papanong ginhawa.
" sabagay kung ako ang aalukin nyan grab ko na agad yan, aba atleast hindi na ako magtatrabaho mabibili ko na lahat ng gusto ko, makakapunta na ako sa ibang bansa tapos magshoshopping... oh diba bongga " agad napawi ang ngiti at pagiimagine ni denise ng makitang tahimik at nakayuko lang si krys.
" girl, ano ayaw mo ba? Takas na lang tayo gusto mo? Marami pa naman dyang pwede trabaho " pekeng ngumiti si krys kay denise pero agad ding umiwas ng tingin at muling yumuko.
Naramdaman naman ni krys ang biglang pagakbay sakanya ng kaibigan. " hayaan mo na konting panahon na lang naman si mr. Chua mamamatay na rin yan, tiisin mo lang yung amoy lupang yon " sabay tawa nya, natawa na rin si krys sa biro nito.
Naisip rin nya na tama rin naman si denise, kung papayag sya sa gusto ng matanda ang lahat ay pwede ng imposible, sumagi rin sakanya ang pinsan nyang si mary, kung tutuusin mas ulila pa ito kesa sakanya, naaawa sya sa pinsan nyang namatayan ng ama at iniwan ng kanyang ina para mangibang bansa.
Bumalik sya sa ulirat ng sagiin sya ni denise. " girl, yan na ata inaantay mo oh " napatingin naman si krys sa sasakyang huminto sa harap nila. Agad sya ginapangan ng kaba dahil dumating na ang kanina nya pang hinahantay.
Nananakit ang lalamunan ni krys ng tumingin kay denise. Ramdam nya ang pangingilid ng luha pero pilit pinipigilan at tinatapangan ang sarili.
Nagsimula na syang ihakbang ang paa ng itulak sya ni denise, pinanliitan nya ito mata dahil muntik na sya sumubsob dahil sa lakas ng pagtulak nito.
Habang papalapit sa sasakyan ay biglang tumunog ito dahilan para magulat sya at napahawak sa dibdib.
. " atat?" Bulong nya sa sarili. Huminga muna sya ng malalim bago binuksan ang pinto
Mabilis syang kumilos papasok sa passenger seat. dahil pakiramdam nya ay time is gold ang motto ng matanda dahil naiinip agad to. Nakayuko lang sya at pinapakiramdaman ang paligid.
Nagtaka sya ng maamoy nya ang unaalingasaw na amoy sa loob ng sasakyan,
akala ko ba amoy lupa si sir chua? Bakit ganon ang bango? Amoy bulaklak na bagong pitas
Palihim syang suminghot singot, s**t! Ang bango talaga eh
Unti unti pinipihit ni krys ang ulo na akala mo eh may stiffneck. Na cucuriuos sya sa itchura ng matanda dahil amoy bagong ligo na parang nagbabad sa pabango buong maghapon.
Hindi na talaga nya makayanan ang kuryosidad sa katawan. Kunyaring kinakamot ang likod ng tenga para mabaling ang tingin sa lalaking nasa kaliwa. Pailalim nya itong tiningnan para di mahalata na lihim nya itong tinitingnan pero laking gulat nya na isang nilalang na hindi nya inaakala na makikita.
Anong ginagawa nya dito? Bakit sya ang narito? Ilang beses nya pinikit ang mata baka sakaling namamalikmata pero hindi... totoo sya ang nasa harapan ko.
" you explain to me later what are you doing on this kind of work " ang malamig at malalim nyang boses ang naghatid sakin matinding kaba.
Hindi ko inaasahan na sya ang aking makikita. Nakakahiya.
" krys " ang kaba ko ay lalong nadagdagan ng titigan nya ako sa mata. " we talk later okay? " agad ako umiwas ng tingin.
" y-yes sir jay " halos umurong ang dila ko ng banggitin ko ang pangalan ng manager ko.