Chapter 39 " ayan comatose ka nanaman kahapon, walwal pa " pang aasar sakin ni mary. Tinanghali na ako ng gising at buong araw ako nakahilata maghapon sa kama. Actually, gising naman ako, sadyang hindi lang ako bumangon sa higaan at tinatamad na bumangon, kahit sa pagmulat ng mata ay wala akong gana. Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa pagkain " okay lang, sinusulit ko lang yung araw na pwede pa ako maginom " napatigil naman sa pagkain si mary at tiningnan naman ako nya na makahulugang tingin, Napatingin ako sakanya nang napasandal sya sa upuan at seryosong napatitig sakin. Muntik naman ako matawa " ano yang titig mo na yan " " sabihin mo nga sakin, may problema kaba? May nililihim kaba sakin?. Nani ibago na ako sayo " sumeryoso na ang boses nya. " para kang praning " saad ko

