bc

Lust at First Sight

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
teacherxstudent
kickass heroine
heir/heiress
drama
sweet
office/work place
lies
assistant
like
intro-logo
Blurb

Book one of the Three Stages of Love series.

"In three stages of love, it is important to go through all of them for us to call it 'true love. But what if we are stuck on the one stage forever?"

Lust at First Sight

Danielle “Elle” is everything people think they know, happy-go-lucky, confident, and unapologetically a player. For her, love is just a game she knows how to win. But behind the smiles and flirtatious charm is a girl who once loved deeply… and lost painfully. After being taken for granted too many times, Elle promised herself one thing, to never fall first, never fall hard.

Luxipher, on the other hand, is the complete opposite. An academic achiever, disciplined, organized, and impossibly polite, he lives by principles and values he refuses to compromise. While others see him as distant and serious, few know how deeply he feels… especially when it comes to Elle.

Isang pagkakataon ang maglalapit sa kanilang dalawa.

Ang hindi alam ni Elle, habang paulit-ulit siyang nabibigo sa pag-ibig, may isang Luxipher na tahimik na minamahal siya mula sa malayo. Ngunit sa pagitan ng kanilang lumalalim na damdamin, nariyan ang mga paniniwala, takot, at sugat ng nakaraan, mga bagay na tila laging ginagawang mali ang tamang panahon.

Sa isang kwentong puno ng pagnanasa, takot, matututo bang sumugal si Elle sa totoong pag-ibig? At handa na bang ipaglaban ni Lux ang isang babaeng maaaring hindi kailanman pumili sa kanya?

Minsan, hindi sapat ang pag-ibig kapag magkaiba ang mundo ninyong ginagalawan.

Pero paano kung sa unang sulyap pa lang… tadhana na pala ang tumingin pabalik?

chap-preview
Free preview
Chapter1:KuyaLux
1: Kuya Lux Danielle Andrea Lorenzo's POV "Try it again, baka sira lang 'yang machine nyo," kalmadong sinabi ni Astra kahit na halata namang nagpipigil lang ito ng inis. Napapakamot na lang ako sa noo ko habang pinapanood sila ng manager ng bar na kinaroroonan namin na nagtatalo. Gosh! Why am I here again? Oh yes, katatapos lang ng exam namin kaya naman nagpasya akong i-enjoy ang gabing ito. Feeling ko kasi ay deserve ko naman after a long week na puro review lang ang ginagawa ko. Syempre kahit ganito ako na hindi naman first priority ang pag-aaral ay importante pa rin sa akin ang maka-graduate sa kursong Business Management. I'm not aiming for high scores or grades, ang gusto ko lang ay makapasa at mukhang nakuha ko naman. So here I am, nasa bar, looking for someone I can be with tonight. Nagkataon namang nandito rin pala ang schoolmate kong si Astra. He's an Engineering student. I've heard his name a lot of times dahil famous siya sa school, dahil bukod sa parte sya ng varsity team ng university namin. Guwapo at matalino rin sya, at halos lahat ng babae sa school ay pare-pareho kung ituring niya, kaya tawag sa kaniya ay campus' boyfriend, dahil lahat ay girlfriend niya. I didn't know that he's here, nagulat na lang ako nang habang nasa dance floor ako ay bigla na lang may nagsuntukan. Inaakusahan siya na dahilan kung bakit nakipag-break daw ang girlfriend ng lalaki sa kaniya. He didn't deny it tho, kaya lalong nagkagulo. And the next thing I knew is I'm already part of that chaos. Ginusto ko lang naman siyang tulungan dahil kilala ko ang lalaking iyon na student ng University na kalaban ng school namin sa basketball. Grupo sila kaya alam kong puwede nila siyang pagtulungan, so I helped him. Na para bang hindi ako 5'6 lang para maglakas ng loob magpaka-superhero. So here I am, nang i-hold na ng manager ng bar para bayaran lahat ng mga nasirang gamit at mga nasayang na alak ay kasama ako. "Magbayad ka na nga lang ng online, para matapos na." Hindi ko itinago ang pagkairita ko sa nangyayari, pero mas lamang ang pagkainip. Pagdiing-bagang lang ang isinagot niya sa akin. I don't have my cards or online banking, cash lang ang dinadala ko. Sa gabi-gabi ko kasing pagpunta sa bar ay napagalitan na ako ng lolo ko, kaya naman kinumpiska niya ang cards ko at tinanggalan ako ng access sa bank account ko. He's just giving me 10k a month as my allowance, at hindi ko puwedeng ibigay iyon kundi ay hindi ako mabubuhay. Almost 120k ang kailangan bayaran, at ang nakaaway namin na grupo ay nakapagbayad na at naiwan na kami. Hindi manlang aabot ang natitira sa allowance ko this month para mabayaran ang kahit half man lang ng bills namin. Good news ay inako na ni Astra ang lahat ng bayarin, but bad news, ayaw gumana ng mga cards niya, even his online bank ay hindi niya ma-access. Dejavu, isn't? "Astra, ayaw talaga. Don't tell me nag-night club ka nang walang pera? Gumawa ka pa ng eskandalo." Hindi ko alam kung naiinis o natatawa ang manager na si Roxanne dahil sa nangyayari. Naiinis dahil malulugi siya pero at the same time ay pinagtatawanan kami dahil sa kahihiyan. Well, sa ilang beses kong pagpunta sa bar na ito kaya kilala ko na sya, Roxanne is a good manager but no one is taking her seriously, because she's a girl and people think that this kind of business should be manage by a man. Narinig ko si Astra na nagmura at bumubulong habang kinukuha ang cellphone niya sa bulsa ng pants nya. "FYI, Roxanne. I have money, I'm not broke. Pangalawa, hindi naman ako ang gumawa ng eskandalo." "Parte ka pa rin, ikaw pa rin ang ugat kaya magbayad ka na. Lagot ako sa boss ko." "Wait lang, okay? Na-contact ko na 'yong kuya ko. He's coming." Napailing na lang si Roxanne at iniwan kami sa bar counter. It's already 3am, dapat ay 4am pa sila magsasara, pero dahil nagkagulo ay maagang napasara ang bar, kami na lang ang nandito habang abala ang mga staff nila na nag-aayos. Tutulong sana ako kaso ayaw kaming paalisin ni Roxanne sa puwesto dahil baka tumakas daw kami. Kinuha ko ang isang shot glass na nasa harapan ko at ang display sa counter na alak para sana uminom, nababagot na ako rito. Pero pinigilan ako ni Astra. "Hindi ko babayaran iyan ah, may pambayad ka ba?" Magkasalubong pa rin ang mga makapal niyang kilay kahit na kalmado na ang tono niya sa akin. He's not a boyfriend of everyone for nothing, he know when to be gentle to girls. Inikutan ko siya ng mga mata ko. "Akala ko ba hindi ka broke?" Naiinis na binalik ko ang shot glass at ang bote ng alak sa kanina nitong puwesto. "Napag-initan lang ako ng tatay ko, nakita niya na naman kasi kung gaano katino 'yong isa niyang anak." "Si Luxipher De Silva?" Kagaya niya ay kilala ko rin ang kapatid niya, although I don't think na kilala niya ako. He's also famous at school, pero hindi dahil sa pagiging babaero nito kagaya ni Astra. He's known as the face of the school, bakit? Dahil sa good image niya. Lagi siyang top honors at never nagkaroon ng violation. He's a friend of everyone. Everyone in the campus loves him, especially professors. "You know my brother?" Umirap ako. Umikot ako ng posisyon upang masandal ko ang likod ko sa bar counter at mapanood ang ilang staff na abalang nililinis ang mga kalat na kagagawan nina Astra kanina. Siya ay nanatili sa puwesto niya ngunit nakasunod ang ulo sa akin. Tahimik na ang paligid at maliwanag. Pinatay na kasi ang speaker kanina at hindi na rin lights ball lang ang nagbibigay liwanag. "Sinong hindi makakakilala sa kapatid mo, e, ang mga kagaya niya lang naman ang dahilan kung bakit tinatawag tayong hindi matino. Tingnan mo ikaw, napag-initan ng ama." "Don't laugh at me." "I'm not laughing at you. Edi para ko na rin pinagtawanan ang sarili ko? Pareho lang naman tayong tinanggalan ng access sa mga bank accounts natin dahil lang sa hindi tayo nerd at boring." Nagtawanan kami. To be honest, that's true. Hindi naman ako masamang babae, I just want to enjoy my life. Paano ko naman mae-enjoy ang buhay ko kung puro aral lang ako, kung mas-stuck ako sa bahay lang? I mean, seriously, what's wrong with having fun? Partying and everything, right? "Finally, somebody can understand me! Hindi naman tayo blacksheep dahil lang sa ayaw natin ng boring na buhay!" Tumango-tango pa siya at humarap na sa akin. Nasa gilid ko siya, ibinaling ko lang ang ulo ko sa kaniya. "Tulungan mo nga akong i-explain iyan kay Kuya Lux, baka sakaling sa 'yo siya makinig." Umingos ako. Kumuha ako ng yelo sa basong nasa harap niya. Ibinigay iyon ni Roxanne para ilagay niya sa pasa niya sa mukha pero hindi niya naman ginamit. "Naku, ayokong kausapin 'yong mga kagaya ng kuya mo, unless kung closed talaga kami. They're so smart and good enough para maging feeling nila ay may karapatan na silang mang-judge." Well, iyon ang pakiramdam ko sa tuwing may nakakasalumuha akong masyadong matitinong estudyante. Na para bang required sa aming mga estudyante na puro aral lang ang gawin. Alam ko namang hindi lahat ng tao ay ganoon, kagaya na lang ng best friend ko. She's a good student, but she never judge me. Never nga lang din siyang sumama sa akin sa night outs ko. Naiintindihan ko naman iyon dahil mataas ang expectations sa kaniya ng pamilya niya, unlike me na walang kailangan na i-meet. Wala naman kasi ako sa poder ng magulang ko. Si Mommy ay nasa Florida kasama ang bago niyang pamilya, habang si Daddy naman ay nasa Australia, managing his business there. Naghiwalay sila noong 13 years old pa lang ako, hindi raw kinaya ang long distance relationship habang busy si daddy sa business sa Australia at kami ay nasa Pilipinas. Fifteen ako nang sumama si mommy sa bago nyang boyfriend papuntang Florida. Since then ay naiwan na ako sa lolo't lola ko, nakakasama ko na lang sila kapag dumadalaw sila sa Pilipinas, but never at the same time. Mabait naman ang mga lolo't lola ko, mahal nila ako at inaalagaan. Pero twenty one na ako, 21 na ako pero kung bantayan nila ako ay para bang teenager pa rin ako hanggang ngayon. Kaya nga lagi nilang pinapakialaman ang nga kilos ko, ultimong paglabas ko after school ay ayaw nila. Naiintindihan ko naman na ayaw nila akong lumalabas ng gabi, pero kaya ko naman ang sarili ko. Ang boring kaya sa bahay na kahit naroon sila ay para pa rin akong mag-isa. "Hindi naman ganoon ang kapatid ko, kulang lang siya sa boredom kaya hindi niya naiisipan mag-enjoy." Bahagya akong natawa habang sinusubo ang maliit na yelo. "Sobrang entertaining naman pala ng buhay ng kuya mo kung ganoon, walang oras ma-bored?" Natawa rin siya at umikot na rin para gayahin ang puwesto ko. "No way! I believe he needs someone like you. Akitin mo kaya?" Lalo akong natawa kaya halos mabilaukan ako sa yelo. Niluwa ko iyon at binato sa kaniya. Tumama iyon sa damit niya at umastang walang pakialam kahit may laway ko iyon. "Hindi ka ba nagagandahin sa akin, na sa halip na landiin mo ako ay ipamimigay mo pa ako sa kapatid mo? I'm so offended," kunwari ay sabi ko kahit ang totoo ay wala lang sa akin iyon. Well, I met him because of the girl who broke up with her boyfriend because of him. Ang gaga ko naman kung pagkakainteresan ko pa siya. "Malay mo, siya pala ang plot twist mo tonight," sabi niya at bahagyang kumindat. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Umayos siya ng tayo habang bumabaling sa kung saan. "Speaking of him." Nilingon ko ang direksyon na tinitingnan niya, at doon ay nakita ko si Roxanne na may kausap na matangkad na lalaki, si Luxipher De Silva. He's mestizo just like Astra, hawig din sila pero mas matured siyang tingnan. Naka shirt lang siya at pants pero iba ang dating niya, tindig? I'm not so sure what the difference is between Astra and him. Maybe because I know his personality and I know that he's the opposite of his brother. "'Wag mong masyadong titigan, mas guwapo ako diyan." Tumaas ang kilay ko at sarkastiko siyang nginitian saka muling binalingan sina Luxipher, pero nagulat ako nang pagbalik ng tingin ko sa kaniya ay nakatingin na rin pala siya sa akin. Ewan ko pero bigla akong nailang o nahiya. There's something in him na para bang hindi ko kayang tingnan ng diretso sa mga mata. Tama ba ito? Sa rami ng naka-date kong lalaki, I'm so used to being with them, hindi na dapat ako naiilang sa simpleng tinginan lang, 'di ba? Ngumiti ako upang balewalain iyon, pero kaagad din iyon nawala nang inalisan niya ako ng tingin na para bang wala lang at muling nakipag-usap kay Roxanne. "Did he just ignored me? No smiling back, at least? Hindi naman siguro siya napapangitan sa akin, ano? That's kinda impossible." Natatawa lang siya sa akin habang nakabusangot na ako. Nagtataka kong binalingan si Astra. "O bading siya? 'Wag naman sana, ano. Bukod sa maganda ninyong lahi, sayang naman kung walang magmamana ng pagiging matalino niya. Pero tama na rin siguro, at least hindi lalaki 'yong bata na may boring at judgemental na ama. For sure ganoon siya kasi masyado siyang good boy. I'm sure isa siya sa iiwasan na kamag-anak kada-reunion. Maganda na rin, madaling iwasan kapag tiyohin lang, pag-ama mahirap na. Judgemental na, controlling pa-" "Kung ganitong madaling araw ay tatawagan ako para pag-ayusin ng trouble ng anak ko, deserve ko naman sigurong pakinggan once I told them to stop, isn't not?" Laglag ang pangang natigilan ako sa sinasabi ko nang bigla na lang may nagsalita at hindi ko na ito kailangan pang tingnan upang malaman na si Luxipher iyon. Mariin akong napapikit at dahan-dahang naitikom ko ang bibig ko. s**t! Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya. Ano nga uli ang mga sinabi ko? Narinig ba niya lahat? Alin lang ang hindi? s**t! "Bakit hindi ka nag-warning?" nanggigigil kong sinabi nang halos hindi gumagalaw ang labi. Natatawa pa rin si Astra at hindi nag-abalang itago iyon. "Just greet your plot twist tonight." Inirapan ko siya at nagpilit ng ngiti kay Luxipher. Syempre ayokong mapahiya ano, at mas mapapahiya ako kapag pinahalata kong nahihiya ako. Inilahad ko ang kamay ko sa paggitan namin. "Hi! I'm Danielle, but just call me Elle." Tiningnan niya ang kamay ko na tila pinag-iisipan kung tatanggapin niya iyon. Pero maigsi ang pasensya ko kaya wala pang tatlong segundong nakaangat ang kamay ko ay kinuha ko na ang kamay niya para makapag-shakehands kami. "Kapag nagkaanak ako kukunin kitang ninong, para lagi kang invited sa mga okasyon." Nagsalubong ang mga kilay niya at inagaw ang kamay niya na kunwaring ikinasimangot ko lang. Tumingin siya kay Astra nang lapitan siya nito. "Kuya, what happened to my cards, my bank accounts?" "After what happened between you and dad last night, dapat inasahan mo nang mangyayari 'to." "But that wasn't the first time we had a fight, ngayon niya lang ginawa sa akin ito! "Well, you're just too young back then. Ngayong malaki ka na, I guessed kaya mo na ang sarili mo." "No way! Dad can't do this to me. Kuya Lux, we have to convince dad-" "You," mariin niyang putol sa sinasabi ni Astra. "You have to convince dad. I'm not gonna help you, not after all these mess that you did tonight. Tell me, how many times did this happened? Kung may pera ka ba at kaya mong bayaran ito nang sarili mo lang ay hindi ko malalaman na nakikipagbasag-ulo ka?" Tiningnan ko ang mga kuko ko na tila ba bigla akong nagkainteres doon. Am I witnessing a family drama now? Hindi lang basta-basta family drama ito ah, pamilya pa ng dalawang sikat na magkapatid sa school. The so-called perfect guy at the boyfriend of everyone. Should I get a popcorn? "Tama nga siya, napaka judgemental mo." Nanlaki ang mga mata ko nang idamay ako ni Astra. Naiinis na hinablot niya ang jacket niya sa stool at iniwanan kami. "At saan ka naman pupunta?" habol na tanong sa kaniya ni Luxipher ngunit hindi naman sinundan si Astra. "Edi bahala na. Malaki na ako, 'di ba? Sabi mo," sagot niya nang hindi manlang lumilingon at humihinto sa paglalakad. "Don't tell me iiwan mo pa ang girlfriend mo sa akin?" Tumaas ang kilay ko. Ako ba ang sinasabi niyang girlfriend? Kahit nakatalikod ay kita ko pa rin ang pag-iling ni Astra. "Sa 'yo na!" "What the hell?" Middle finger lang ang isinagot ni Astra sa kaniya kaya napabulong na lang din si Luxipher. "Asshole." Sinundan iyon ng buntong-hininga. Hinilot niya ang paggitan ng mga mata niya bago ako balingan. Bahagya naman kaagad akong umiwas ng tingin para kunwari hindi ko siya pinapanood. Staring is rude, you know. "Saan ka nakatira? I'll drive you home." Dumiretso ako ng tayo at kaagad na umiling. "No need, I have my motor." "Motor?" anya na para bang may sinabi akong hindi kapani-paniwala. Nagtaas ako ng kilay ko. Bakit, nakakagulat ba na ang babaeng kagaya ko ay motor ang sinasakyan? Common na naman yata iyan sa generation ngayon, hindi ba? Tiningnan niya ang kabuuan ko saka muling umiling. "It's late, nakainom ka pa, and with that clothes, you're gonna ride on a motor?" Tiningnan ko rin ang sarili ko. I'm wearing a red tank top and a black skort with a pair of heels. Sanay na akong ganito manamit kahit saan ako magpunta, madalas nga ay croptop pa ito. Lagi ko rin dala ang motor ko, at sisiw lang sa akin ang pagmamaneho niyon nang naka high heels. "Una sa lahat, umaga na, late lang ang liwanag ng kalangitan. Hindi ko na naman siguro kailangan na ipaliwanag iyon since matalino ka naman, Mr. Top honor ever since," I said as if I'm bitter with his good reputation in school. "Second, hindi ako lasing. Nakainom lang ako pero hindi ako nakarami, hindi ako tipsy. Magkaiba iyon. Pangatlo, what's wrong with my clothes?" Hindi siya sumagot at nanatili lang na nakatingin sa akin. Ngumisi ako at nilapitan siya. Mas nakita ko ang seryoso niyang tingin dahil isang dangkal na lang ang paggitan namin. "Nasisilaw ka ba sa legs ko?" Nagsalubong ang mga kilay niya at diing bagang napailing. "Ganito ka ba makipag-usap kahit sa kuya ng boyfriend mo?" Halos mapangiwi ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang i-debunk na girlfriend ako ni Astra o hindi. Pero bandang huli ay nagpasya akong 'wag na lang. Wala naman mawawala sa akin kung iyon ang iisipin niya, 'di ba? Umatras na lang ako at hinagod ang buhok ko. "Well, hindi mo na rin kasi dapat iniintindi ang girlfriend ng kapatid mo, or else iintindihin mo lahat ng babae sa school." Napataas ang kilay niya nang mukhang maalala niya ang reputasyon ni Astra. I smirked. "So just let me drive my motor and go back to your boring home, na entertaining daw para sa 'yo." "What?" Nagkibit-balikat lang ako at nilagpasan na siya. "Bye, Kuya Lux."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Daddy Granpa

read
293.4K
bc

His Six Months Rule

read
32.0K
bc

Wife For A Year

read
71.4K
bc

My Cousins' Obsession

read
192.7K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
62.9K
bc

MY HOT UNCLE IN LAWS (SSPG)

read
52.9K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
260.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook