Hans "Hello?! nasa'n ka na ba, Dom! kanina pa kami naghihintay sayo dito!" sabi ko rito kay Dominic habang kausap ko siya sa telepono. "Sandali lang heto na papunta na ako! nasaan ka ba banda, Hans?" Tanong sa akin ni Dom. "Nandito kami sa private mall sa tapat ng university natin. Nasa loob na kami ng pinaka-place na pwede nating paglaruan, atsaka oo nga pala Dom, kasama ko pala si Ivan!" Saad ko sa kabilang linya. Tumingin ako kay Ivan at binigyan ko ito ng nakakalokong ngiti. Umirap ito sa akin pero nakangiti ito at tila kinikilig pa ang loko. "Ay sige sige. papunta na ako d'yan nakasakay na ako sa sasakyan. basta d'yan muna kayo at papatakbuhin ko na 'tong sasakyan ko para mabilis na makarating d'yan!" sabi nito. nagpaalam na si Dom sa kabilang linya at pinatay na ang tawag. "Papu

