Hans "Di ba ikaw yung natamaan ko ng bola, ikaw si .. Hans? tama ba?" Tanong sa akin ni Fourth na ngayon ay kaharap ko. Tumango ako sa kanya bilang sagot. Para yatang napipi ako ngayon dahil hindi ko magawang makapagsalita rito. "Oo siya si Hans! Siya yung bagong kaibigan ko, Couz!" Sabi ni Ivan kay Fourth at umakbay pa ito sa akin. "Hmm.. mukha naman siyang mabait." ani ni Fourth habang tinitignan ako at parang sinusuri. Shocks Fourth! huwag mo naman akong titigan ng ganyan dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at kahit nandyan ang pinsan mo ay susunggaban kita! Charot! "Sige na, Van, una na ako meron pa kasi akong practice ngayon sa volleyball." sabi ni Fourth dito kay Ivan. "Sayo din, una na ako ha. pasensya na ulit nung nakaraan. Bye, Hans." ani nito at nagpaalam na. tumal

