Chapter 4

1252 Words
Hans "Simula ng dumating ka dito sa cafeteria ang tahimik mo na. Ano bang nangyari sayo Buddy? may nangyari ba?" Tanong sa akin ng kaharap kong si Dominic at tila nag-aalala ngayon ito ngayon dahil sa hindi ko siya kinakausap. Lumapit ito sa akin kasama ang kanyang bangkong inuupuan at tumabi sa kanan ko. Inilapat niya ang kaliwang kamay niya sa aking noo dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Hindi ka naman nilalagnat?! Bakit ba ang tahimik mo, Hansel!" Naiirita na nitong sabi. Dahil sa mukhang tanga na siya kakaalala sa kalagayan ko ngayon ay natawa na lamang ako rito. "Oh! tapos ngayon tumatawa ka?! Hoy Hans! Sinasaniban ka ba ng masamang espiritu? Shet! Dadalhin kita sa malapit na kumbento dito para mabasbasan ka!" Natataranta pa nitong sabi at hindi ko na talaga napigilang matawa ng sobra. "Hoy mokong! Nakakatawa yung hitsura mo ha! Mukha kang timang sa ginawa mo!" natatawa kong saad dito at napapalu-palo pa ako sa lamesa dahil sobra akong natatawa. "Nakakatawa pala ha! Heto ang bagay sayo!" ang sabi nito at ang walangyang 'to ngayon ay kinikiliti ako sa leeg dahilan ng sobra kong pagtawa. "T-tama na Dom! Tama na! HAHAHA" pilit ko siyang pinapahinto pero patuloy pa rin ito sa pangingiliti sa aking leeg. "Tatawanan mo pa ako? Ha? Tatawa ka pa? sagot!" Sabi nito habang patuloy pa rin sa pangingiliti. "H-hindi na! Tigilan mo na yung leeg ko! ayaw ko na! HAHAHA" surrender kong sabi rito at matapos no'n ay hingal na hingal akong napasandal sa aking upuan at uminom ng tubig dahil sa pagod kakatawa. "Ayan! mabuti naman at bumalik ka na sa pagiging masiyahin mo, Hans! Nako! nag-alala ako sayo kanina! Ano bang problema mo at parang may pinagdadaanan ka lately?" curious na tanong ni Dom sa akin. Sa tanong niya ay muli ko na namang naisip ang nangyari kanina kung saan ang matagal ko ng hindi nakikita ay sa isang di inaasahang pagkakataon ay muli kaming nagtagpo. "Parang hindi niya na ako kilala, Dom?" out of the topic kong tanong sa kanya at malungkot na tumingin rito. "anong sinasabi mo, Hans? Sinong tao ba 'yang tinutukoy mo na hindi ka na kilala?" Balik tanong rin niya sa akin. Malalim akong bumuntong-hininga at sinagot ang tanong niya. "Si Fourth." Sa sinabi kong iyon ay nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. "Nagkita na kayo ni Fourth?!" tanong nito sa akin. malungkot akong tumango sa kanya at sumagot. "Oo. nakita ko siya kanina bago ako pumunta dito sa cafeteria." sagot ko sa kanya. "P-paano kayo nagkita? Ang pagkakaalam ko kasi .. wala ngayon si Fourth dito ngayon sa university?" - Dom "Kanina habang naglalakad ako at kausap kita sa cellphone, bigla na lang may tumamang bola sa ulo ko. Syempre inalam ko kung sino yun at laking gulat ko na lang na si Fourth pala yon." ang kwento ko kay Dom sa nangyari kanina. "Eh bakit mo naman nasabing hindi ka na niya kilala?" Tanong ni Dom muli sa akin. Napatingin ako sa kanya at ikinwento pa ang ilang kaganapan na nangyari sa pagitan naming dalawa ni Fourth kanina. F L A S H B A C K Kaharap ko ngayon ang taong dahilan kung bakit natamaan ako ng bola sa aking ulo. At kaharap ko ngayon ang di inaasahang tao na matagal ko ng hindi nakikita. "Fourth." ani ko sa kanyang pangalan at tumingin ito sa akin. "I'm sorry. hindi ko sinasadyang tamaan ka. Hindi ko kasi nakontrol yung bola kaya namali ito ng direksyon. i'm sorry talaga." Humihinging tawad nitong sabi sa akin. Napangiti ako sa kanya. Pinagmasdan ko ang buong mukha nito at napansin kong may mga pinagbago sa kanyang mukha. Katulad ngayon na mas lalong kuminis at pumuti ang kanyang balat at napansin kong namumula rin ang pisngi niya dahilan siguro ng pagte-training niya ngayon. Gano'n pa rin naman ang kanyang mga mata na para pa ring nanghihipnotismo. Ang kanyang matangos na ilong at ang labi niya na sa lahat ng parte ng kanyang katawan, ito ang pinakagusto ko. Ang Isinunod kong pagmasdan ang kanyang katawan na kahit naka-jersey shirt ito ay kitang-kita na lumapad ang katawan nito kumpara noong highschool pa lamang siya. "Hey! Nakikinig ka ba sa'kin?" tanong nito at inilapit pa ang kamay niya sabay iwinagayway sa harap ng mukha ko dahilan ng panunumbalik ko sa realidad. "A-ano ulit ang sabi mo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya at tinignan muli ito. "ang sabi ko, sorry sa nagawa ko sayo." saad nito. Tumangu-tango ako sa kanya at ngumiti. "Okay lang, di naman ako masyadong nasaktan." sabi ko rito habang nakatingin sa mga mata. Wala pa ring mas sasakit sa akala kong may pag-asa ako sayo noon. "Mabuti naman kung gano'n. Sige mauna na ako." Ani ni Fourth at nagpaalam na. Tumalikod na siya sa akin ngunit nakakatatlong hakbang pa lamang ng tawagin ko ito. "Fourth!" matapos kong tawagin ang pangalan niya ay humarap ito sa akin "yes?" tanong nito at nagulat ako ng naglakad itong muli pabalik sa lugar kung nasaan ako. "Fourth." Sabi ko ulit sa pangalan nito. Gusto ko siyang tanungin kung naaalala niya pa ba ako? Nararamdaman ko kasing kilala pa niya ako e. Pero nahihiya akong magtanong dahil baka may iba siyang isipin at ayaw ko mangyari 'yon. "Paano mo ako nakilala?" tanong niya sa'kin at nag-isip ako ng pwedeng mailusot dahil baka mahuli ako nito kung sakaling sasabihin ko na magkakilala kami. "Ah.. Eh.. Ano! kasi.. Ano! Nakilala kita kasi.. kasi di ba sikat ka dito! May tarpaulin ka nga sa gymnasium e! kaya do'n kita nakilala! oo tama dun nga!" ang palusot na sabi ko at kahit na kinakabahan ay pinilit ko pa ring ngumiti. Tumangu-tango ito. "Ah gano'n ba? okay! sige, mauna na ako..? ano nga palang pangalan mo?" Tanong sa akin ni Fourth dahilan ng pagtigil ng mundo ko. 'Hindi mo ako kilala, Fourth? ako 'to! nakakalimutan mo na ba?' ani ko sa aking isipan. Ako 'to! ako si "Hans. Ako si Hans." ang pakilala ko at pilit na ngumiti. "Sige, Hans. Nice meeting you!" Nakangiti niyang sabi at tumakbo na ito papunta kung saan siya nagmula kanina. "BAKIT ka kaya niya nakalimutan? Hindi ko namang nabalitaang naaksidente si Fourth at nagkaroon siya ng amnesia? Naku! sumasakit ang ulo ko!" sabi ni Dom matapos kong maikwento sa kanya ang nangyari kanina. Kumamot pa ito sa kanyang buhok at parang naiistress ang loko. "Hindi ko din alam, Dom." malungkot kong sabi sa kanya at isinandal ko ang sarili sa upuan. "Huwag ka ng malungkot d'yan! May solusyon pa naman para maalala ka niya hindi ba? atsaka ano ka ba! 'di ba dati hindi ka naman sobrang kinis tapos hindi ka naman palaayos no'n! Atsaka di ba nakasalamin ka dati kaya baka 'yun yung dahilan kaya hindi ka niya nakikilala!" - Dom. "Kaya nga ako natutong mag-ayos ng sarili para sa kanya. Hindi niya kaya nagustuhan 'tong transformation ko?" tanong ko rito. "Ano ka ba?! Ako nga nagustuhan ko yang pagbabago mo e! atsaka marami ng humahanga sayo ngayon! at ngayon ko lang sasabihin 'to sayo, kapag nagsuot ka ng wig alam mo ba, mukha ka ng babae, buddy! Ang ganda mong babae!" Ang sabi sa akin ni Dom at pumapalakpak pa. "Oo bakla ako pero hindi ko naisipang magsuot ng mga damit pambabae." Sabi ko sa kanya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko." malungkot kong sabi sa kaibigan ko. Bakit ba kasi hindi ako maalala ni Fourth?! Naku! alam ko na! alam ko na ang gagawin! "Eh kung ako na kaya ang magsabi sa kanya na dati e ma--- Pinutol ni Dom ang sasabihin ko at siya ang nagsalita. "Huwag mong gagawin yan! may mga solusyon pa para siya ang makakilala sayo, Hans." Seryosong sabi sa akin ni Dom dahilan ng paglingon ko sa kanya. "Anong solusyon?" Tanong ko rito. Lumapit ito sa aking tainga at bumulong, "Mag-try out ka sa volleyball, Hans."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD