Hans
"Bwisit naman! bakit kasi pasmado pa ako!" naiinis kong sabi sa aking sarili habang nasa tapat ako ng salamin at pilit na isinusuot sa aking mata ang contact lens.
Sa totoo lang ngayon ay nagmamadali na ako dahil nararamdaman kong mahuhuli na ako sa klase! Napakaepal kasi ng alarm ng cellphone ko kasi hindi ito tumunog! First day na first day ko pa lang sa university na 'to pero late na kaagad ako!
Nagdaan pa ang ilang minuto ng sa wakas ay napagtagumpayan kong maipasok sa aking mata ang bwisit na contact lens na 'to!
"Hoy Hansel! Tara na anong petsa na! First day na first day mo e late ka kaagad!" nakapameywang na sabi ni Dom sa akin.
"Paabot ako ng sapatos!" utos ko rito para mapabilis ako ng pag-ayos. Dahil hindi naman de-sintas ang sapatos ko ay mabilis kong naisuot ito.
"Tara!" yaya ko rito at sabay kaming lumabas ng dormitory ni Dominic.
"BAKIT para yatang anlaki ng eyebags mo ngayon, Buddy?" Tanong sa akin nitong katabi kong maglakad na si Dom habang tinitignan ang mukha ko.
"Hay naku naman Dominic lahat na lang nakikita mo! Pero sa totoo lang Dom, hindi ako masyadong nakatulog kagabi kasi namahay ako. Ganun kasi ako kapag wala sa amin e." sagot ko sa kanya habang nakapamulsa.
Napatigil kaming maglakad ni Dom ng may tatlong babae ang huminto sa tapat namin.
"Hello Dom!" Sabay-sabay na sabi ng tatlong babae at tila kinikilig pa ito.
Nakita kong ngumiti si Dom at kumaway sa mga ito.
"Hi Pia! Hi Bianca! Hi Zarina!" Pagbati ni Dom sa tatlo at ang mga babae naman ay hindi mapirmi ang mga katawan at naghahampasan pa ang mga ito.
Grabe naman kiligin ang mga ito?! Parang sinisili ang mga *TOOT*
"Ang gwapo mo talaga Prince Dominic!" kinikilig na sabi ng tatlo.
Seriously?! Prince Dominic?! Prinsipe talaga?!
Nakita kong kumamot sa ulo si Dom at ngumiti lang ito.
"Prince Dom, sino yung kasama mo?" Tanong ng isa sa mga babae kay Dom at tinukoy ako ng mga ito.
"ah siya ba." Sabi ni Dom sa akin at inakbayan ako nito.
"siya si Hans, bestfriend ko! Bago lang siya dito sa university natin." Pakilala niya sa mga babae. Ngumiti ako sa mga ito at nagulat na lang ako sa sunod nilang ginawa.
"WAAAAAHHHH! ANG CUTE MO!" Sabay-sabay na sabi ng tatlo na ikinalaki ng mata ko.
Narinig kong tumawa lang itong katabi ko kaya minabuti kong tignan ng masama ang loko-lokong 'to!
"Shocks! napakakinis ng balat niya akala ko babae!" Sabi ng isa at nilapitan ako dahilan ng pag-alis ng kamay ni Dom sa aking balikat. Nagulat na naman ako ng hinawakan ng babae ang kamay ko kasunod ay nagsisunuran ang iba niyang kasamahan at manghang-mangha na pinagpiyestahan nila ang buong kong kamay.
"Ang puti-puti mo! anong sabon mo?" Tanong ng isa pang babae sa akin.
"Akala ko talaga babae ka!" Sabi pa ng isa.
Tinignan ko si Dominic at ang hinayupak ay tawa lang ng tawa. Sinamaan ko ulit ito ng tingin at sinenyasan na tulungan ako at baka magahasa ako ng di-oras!
Tulungan mo ako, Dominic! Ilayo mo ako dito sa mga babae na 'to!
"Girls! enough na please! Huwag niyo ng pagpiyestahan yang kaibigan ko dahil may allergy siya sa kapag may ibang taong humahawak sa kanya." natatawang sabi ni Dom sa mga ito. Binitawan na ako ng mga babae at bumalik na muli sa pwesto nila.
"Ay ganun ba Prince Dom?" tanong ng isa.
"Yeah. By the way, malelate na kaming dalawa sa class namin. Una na muna kami ha. bye." Sabi ni Dom sa tatlo at hindi na pinagsalita ang mga ito. Mabilis niyang hinatak ang kanang kamay ko at nagumpisa ng lumakad patungo sa aming kolehiyo.
"AYAN na ha! hinatid na kita! dinaig mo pa yung mga babae ko, Hans! Yung mga nagiging ka-fling ko nga 'di ko nahahatid e, sayo ko lang 'to ginawa! shet!" Ani ni Dom sa akin matapos niya akong maihatid sa tapat ng building namin.
"Tigil-tigilan mo ako sa kaartehan mo Dominic ha! Sila kasi mga kalandian mo pero ako bestfriend mo kaya tama lang na hinatid mo ako!" sabi ko sa kanya at dumila.
"Dumidila-dila ka pa 'dyang pinaglihi sa bond paper dahil sa kaputian! Hoy! Hindi libre yung paghatid ko sayo ha may bayad 'yon! mamaya sabay tayo mag-lunch at ilibre mo ako!" Sabi niya at nakangisi pa ang mokong.
"Letse ka nabubuhay ka na lang sa libre ang pangit mo!" Ang sabi ko sa kanya. Ang loko-lokong si Dominic ay mabilis na kumaripas ng takbo pero bago ito mawala sa paningin ko ay sumigaw ang loko.
"Yung libre ko mamaya ha!" sigaw nito at hindi na ako pinagsalita at mabilis itong tumakbo.
"Abnormal talaga!" ani ko sa aking sarili at napapailing na lamang. Nakangiti kong inakyat ang third floor kung saan naroroon ang aking magiging classroom sa unang subject ngayong klase.
"CAL Room 112." Basa ko sa nakasulat sa aking Student's Registration copy kung saan ito yung kopya upang malaman kung anu-ano ang mga kukuhanin mong subjects at para malaman kung saan ang magiging room mo.
Masinsinan kong tinignan ang mga kwarto at inalam kung saan ang magiging room ko.
"CAL Room 112." Basa ko sa nakasulat sa pangalan ng room.
"Naku sa wakas at nakita na rin kita!" ang sabi ko sa aking sarili habang tinititigan ang room number.
Pinihit ko na ang door knob at nang napihit ko na ay dahan-dahan ko itong binubuksan kasabay ng dahan-dahan ko ring pagsilip sa loob ng kwarto.
Napabuga ako ng malakas na hangin ng makita kong wala pang nakaupo sa teacher's table.
Mabuti na lang at wala pang professor!
Diniretso ko ng binuksan ang pintuan ng room at ang kaninang maingay na kwarto ay biglang nanahimik at nagulat na lamang ako ng makita ko ang lahat na nakatingin lamang sa kinatatayuan ko.
"Hello?" Nagtataka kong pagbati sa kanila at pilit na ngumiti.
Jusme! parang mas kinabahan ako ngayon?!
Pumikit na lang ako at inaabangan kung may magbabato ba sa akin ng papel o kung ano pa mang bagay ngunit wala naman akong naramdaman kaya dahan-dahan ko muling idinilat ang mga mata ko at nakita ko na lang ang lahat ng nakangiti ang mga ito sa akin.
"one, two, three!
.
.
.
... WELCOME TRANSFEREE!" Masayang sabi ng mga 'to at lumapit pa ang ilan sa akin.
SHOCKS! NASURPRISE AKO ?
"Hi! Ako nga pala si Mharj, ang president ng section natin!" Nakangiti nitong pakilala sa akin at inilahad ang kamay niya. Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay at nagpakilala rin ako rito.
"Hi! Ako si Hansel James Santiago, pero Hans na lang!" pakilala ko sa kanya at sa kanilang lahat.
"Salamat pala sa pagwelcome sa akin. Nagulat ako grabe! nasurprise ako!" nakangiti ko pang sabi sa kanilang lahat.
"Wala 'yon! sa totoo lang, nalate ka lang naman ng one and a half month e. By the way ako pala si Chennylyn, ang vice president ng section natin."
Tumango ako sa kanya at kumaway.
"Welcome ulit sa section natin, Hans! kung tatanungin mo pala kung bakit namin alam na may transferee eh dahil iyon kay Prince Dominic, ang sabi niya sa amin bestfriend ka raw niya, tama ba?" Ang sabi ng president na si Mharj sa akin.
Talaga 'yong loko-lokong Dominic na 'yon oh! Nandamay pa ng ibang tao! Nagpa-welcome party pa ang siraulo! Siya pala ang pasimuno ng lahat lahat ng ito!
"Ay oo, bestfriend ko 'yon si Dom. Siya pala ang may pasimuno nito? Nakakatuwa naman at nasurprise ako." ang sabi ko na lang sa kanila. May part na hindi totoo sa sinabi ko, ayun yung 'nakakatuwa naman' dahil para sa akin, sobrang nakakahiya dahil sinabi pa ng abnormal na Dominic na 'yon!
"Sa totoo lang, walang pasok ngayon sa lahat ng subjects natin dahil may meeting lahat ng mga professors buong araw. Kung gusto mo sumabay ka sa'ming kumain ngayon." Ani ni Mharj sa akin.
"Naku, pasensya na muna Mharj ha pero naka-oo na kasi ako na sasama ako sa kaibigan ko e, kay Dominic." Sabi ko sa kanya.
"Ay ganun ba? okay lang. May next time pa naman atsaka si Prince Dom naman ang kasama mo e." ang sabi nito.
Tumango lang ako sa kanya. Matapos ng aming pag-uusap ay nagpaalam na ako rito at mabilis na bumaba ng building para makipagkita kay Dom.
"SANDALI lang ho! naglalakad pa ako oh! Saan ba ulit yung cafeteria?" tanong ko sa makulit na lalaking kausap ko ngayon sa cellphone. itatanong niyo ba kung sino 'to? Sino pa ba edi ang impakto kong bestfriend na si Dominic!
"Matanda ka na ba?! Ang bilis mo namang makalimot Buddy! Basta kumanan ka tapos kumaliwa ka tapos dire-diretso tapos kanan ulit tapos ayun na cafeteria na! Bilisan mo!" Sabi nito sa kabilang linya.
Naglalakad ako ngayon sa lugar kung saan napakaraming estudyanteng nagkalat dahil sa walang pasok ngayong araw.
Naliligaw na yata ako?
"Ang gwapo niya!" Napalingon ako ng marinig kong may sumigaw nito at nakita ko ang dalawang babae na nakaupo sa bench at nag-uusap.
Nagpalinga-linga ako kung sino ang tinutukoy ng mga ito ngunit ng tignan ko ulit sila ay nakatingin ito sa gawi ko.
"Hindi siya gwapo e! ang cute kaya niya! sobra niyang cute! parang babae yung kutis niya, girl!" sabi nito sa kanyang kausap.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya minabuti ko na lamang na yumuko dahil nahihiya akong mapag-usapan ng dalawang babae at mabilis na naglakad.
"Hello Dom! Nandyan ka na ba? Saan ba banda ulit yang cafeteria? Sunduin mo na lang kasi ulit ako dito. Nandito ako banda sa may---
Napatigil ako sa paglalakad at pakikipag-usap kay Dominic ng matamaan ako ng isang bagay sa aking bunbunan. Napahawak ako kaagad sa parteng natamaan ng bola.
" I'm sorry." rinig kong sabi ng isang lalaki. Oo! sigurado akong lalaki 'tong nakatama ng bola sa ulo ko dahil malalim ang boses nito at lalaking-lalaki.
Haharapin ko na ang lalaki at handa ko ng sigawan dahil sa sakit ng pagtama ng bola sa aking bunbunan ng makita ko kung sino ang kaharap ko ngayon.
"Are you okay? I'm very sorry." saad nito sa akin at nagtama ang aming mga mata at hindi ko inaasahan na makita ko muli ang lalaking halos dalawang taon ko ng hindi nakikita.
"Fourth."